*NP: You are the One*
Raleighn’s POV
Nahanap ko na sya.
Yung taong sumagip sakin.
Siya yung dahilan kung bakit ako nagising sa cursed.
Oo na para na akong bata, kasi parang ginagaya ko yung story nung Sleeping Beauty ng Walt Disney.
Fairytales.
I didn’t even expect that magical fantasies would exist in reality. Oo! Walang magic! Mali meron pala. Yung tinatawag na magic of Love. Chusa! Haha! Miracles din pala.
Korni naman! Kinilabutan ako dun. Haha! Pero hindi ko maalis sa isip ko yung John na yun. Siguro oo kasi siya yung parang nagligtas sa akin sa bingit ng kamatayan. Pero for the first time nakaramdam ako nito. Yung parang Love at first sight. Grabeeee! May sakit na ako uma-aura pa rin ako! Haha!
FYI! NEVER PA AKONG NAINLOVE! NAGKAGUSTO, HUMANGA AT INFATUATION, OO!
Pero yung main-LOVE!? Parang ngayon ko lang yata naramdaman yun. Isa pa hindi pa nga ako sure kung Love na nga ba talaga. Malay natin na overwhelm lang ako nung malaman kong binabantayan ako ng isang lalaki at malalaman kong sya yung nasa tabi ko pag-gising ko.
Hay! Sana bumalik siya, gusto ko pa siyang makilala eh.
-Music stops here-
“Anak! Raleighn nakikinig ka ba?”
“Huh? Ano po ulit yun?” Hindi ko namamalayan kinakausap pala ako ni Mommy. Dami ko kasing iniisip. Sa totoo lang puro sya lang yun. Haha!
“Sabi ko kumain ka na ba ng breakfast na dinala sayo dito?”
“Ah! Opo Ma! May nagpa—“
“Huh?!”
“Wala po. Basta nakakain na po ako.” Ayoko munang sabihin kay mommy baka bigla nyang puntahan si John at kung anu-ano naman sabihin. Alam mo nyo naman kapag only child protective. Isa pa kapag nalaman nilang lalaki yun todo interrogation aabutin nun.
“Ah! Mabuti anak. Eto sabi ng doctor kailangan mong inumin tong mga gamot na to para gumaling ka agad.”
Pinainom ako ni mommy ng gamot. Tapos sabi ko sakanya matutulog muna ako. Sabi ni mommy sige daw. Dito lang daw sya kapag may kailangan ako tawagin ko daw sya.
John’s POV
Galing ako sa room nya kanina. Sa totoo lang gusto ko pa sana syang makasama pero parang kumakabog yung dibdib ko sa mga sinabi nya.
Alam mo yun. Ikaw yung lalaki. Hindi ka nga kinikilig pero yung mini-heart attack na naramdaman ko nung mga panahong yun. Grabe.
First time kong maramdaman yun sa isang babae. Hindi ko pa natry maramdaman yun sa ibang babae kasi actually I really don’t take them seriously. Pero sa isang to. EWAN!
Baka naman kinabahan lang ako dahil first time kong makarinig ng sobrang cheesy na tao. Haha! Baka nga. Hindi pa naman ako naiinlove eh.
Uhm! Pero lagi na lang sya yung tumatakbo sa isip ko. Pagod na kaya sya? Yak! Nakakadiri yung sinabi ko. Haha!
Uhm! Pero kaninang hinawakan nya yung kamay ko talagang may parang drums akong nadadama. Tapos nanlalamig ako at nauutal.
Kumakain na ako ng breakfast ngayon. Sayang at hindi ko nasabi yung mga gusto kong sabihin sakanya. Kinabahan kaya ako.
Aw! Isang araw na lang lalabas na ako ng ospital. Grabe!! Ayoko pa. Gusto ko pang mag-stay!
Maya-maya may kumatok sa pinto ko.
Sino kaya tong mga to.
“Tol! Kumusta!”
“Ui! Tol! Eto malapit ng makalabas. Sino yang kasama mo? Bago mong chicks? Haha!”
Siya nga pala yung kaibigan ko si Troy. Ka-team ko sya sa basketball sa school namin. Nabanggit ko na ba na isa akong varsity player?!
“Chicks ka dyan pare. Si Kayla kasama ko tol! Yari ako dito kapag nang-chicks ako! Diba babe?”
“Haha! Hay nako Troy! Buti alam mo! Kumusta na William?” Kilala ako nitong si Kayla. Medyo close kami neto kasi ako yung taga-sumbong ni Troy kapag may ginagawa syang kalokohan! Haha! Tsaka matagal na rin sila ni Kayla 2 years na rin.
“Ok naman ako! Lalabas na rin ako bukas. Teka paano nyong nalaman na nandito ako?”
“Sa totoo lang pare may bibisitahin lang si Kayla. Tapos nakita ko yung list ng name mo sa may nurse station kaya tinignan ko kung ikaw nga talaga yun. Sayang pare kala ko kukunin ka na ni San Pedro. Haha! Joke lang.”
“Ah kaya pala! Haha! Pag ako nakalabas na bukas dito tol babanatan kita! Hahaha!” Tawa kami ng tawa.
“Ay oo nga pala sino ba yung binibisita nyo talaga dito?”
“Ah! Yung pinsan ko.”
Bigla akong kinutuban.
“Sino?”
“Raleighn yung pangalan.”
Boom! Ang liit talaga ng mundo.
“P-pinsan mo si Raleighn?”
“Oo!Ay teka kilala mo siya?”
“O-Oo! H-Hindi!”
“Weh? Ano nga?”
“Ah! Nakita ko lang siya dito sa ospital nung isang araw. Tapos ayun nagkakilala na kami.”
“Ahhh! Ikaw aa! Nako wag mong babalakin na gawin isa sa mga laruan yung pinsan ko. Matetegi ka! haha! ”
“Oo! Mabait ako no! Hindi ko gagawin yun pwera na lang kung bigla na lang siyang mag-kagusto sakin! Haha! Nga pala nagising na si Raleighn.”
“Oo nga tol! Kaya nga nagpasama tong si Kayla sakin kasi tinawagan daw siya ng mommy ni Raleighn.”
“Ah kaya pala.”
“Ui! Sige aa! Punta muna kami sandali sa pinsan ko. Papakilala ko rin lang tong si Troy kay Raleighn at Tita. Magtatagal naman ako dito. Kaya pagkatapos kong ipakilala si Troy pwede syang pumunta sayo para makapag-usap kayo.”
“Haha! Sige sige!”
“Geh tol! Maya ulit!"
Ayon at lumabas na sila ng Kwarto. It’s a small world talaga!
Salamat readers. Pacomment at pavote po. Dedicated sa isang reader po. :) hehe! :)
BINABASA MO ANG
For the First Time(under construction)
FanficWhat if ma-inlove ka sa isang taong hindi mo inaasahang mamahalin mo? What if mahalin ka ng isang tao na hindi naman talaga marunong mag-mahal? Let's say, isang syang playboy na party-goer at walang ibang ginawa kung hindi ang manakit, magpaiyak at...