Siya pa rin yung nasa isip ko. Si Raleighn.
Nagising na siya kanina. Hindi ako makapaniwala. Yung isang anghel na natutulog nagising na.
Ang saya-saya ko narinig ko yung mala-anghel nyang boses. Hindi lang yun tinignan nya ako at nginitian.
Para bang nung nginitian nya ako may spark akong nakita. Yay! Korni. Haha!
Pero seryoso para bang gusto ko na lang siyang titigan kanina. Yung mga ngiting pumatay sakin.
Ang lalim na ng gabi, ang lalim din nung iniisip ko.
Oo nga pala tinanong nya ako tungkol sa nagbabantay sakanya. Sabihin ko na kayang ako yun. Eh nahihiya naman kasi talaga ako. Isa pa paano sya maniniwala kung sinabi kong hindi ako yung kanina. Ay! Grabe! Dapat sinabi ko na.
Sa totoo lang hirap akong makatulog parang nangangati yung paa ko na puntahan yung room nya. Tapos yung mata ko kating-kati dahil gusto ko syang makita.
Maya-maya sa kakaisip nakatulog na ako.
“See you in dreamland Raleighn.” *smile*
Raleighn’s POV
Ngayon ko lang ulit nasikatan yung araw. Nagising na ako. Parang galing ako sa isang bangungot at hindi ko inexpect na malalampasan ko yun. Sa totoo lang nakakaramdam ako ng pagod. Parang ang tagal-tagal ko kasing natutulog.
Pag-kagising ko may isang lalaking nandoon sa kwarto. Hindi ko naman sya kilala pero feeling ko nakita ko na sya eh, hindi ko lang maalala kung saan.
Pinatawag ko sa doctor yung parents ko. Namiss ko din sila. Ang gusto kong malaman kong sila yung nagbabantay sakin. May nararamdaman kasi akong nakabantay sa akin. Parang sya yung laging humahawak ng kamay ko. Medyo nakarecover na rin ako sa pag-ka-comma ko.
Dumating yung parents ko…
“Anak, Raleighn. Thank God! Nagising ka na. Kinabahan kami akala naming mawawala ka na sa amin.” Sabi ng mommy ko.
“Mom! I miss you po! Akala ko rin po hindi na ako magigising. Mom asan si Dad?”
“He’s on his way na anak pupunta sya dito.”
“Mom, binabantayan nyo po ba ako while I was here.”
“Anak, what are you talking about. Sa totoo hindi ka naming nabisita this past few days dahil busy kami ng dad mo sa darating na birthday ng lolo mo. And we want to apologize, dahil wala kami sa tabi mo.”
“Mom, may nafefeel po kasi akong humahawak ng kamay ko at nung nagising po ako, parang may kuryente akong naramdaman. Kaya nga po parang nakarecover akong bigla. Para po bang may nagbabantay sa akin. And isa pa po pala may lalaking nandito nung nagising ako.”
“Totoo anak? Sino naman yun dapat namin syang pasalamatan ng dad mo! Anak baka naman yung lalaking nakita mo eh sya yung nagbabantay.”
“Hindi ko po alam. Pero I really need to know.”
“Anak!” Dumating na si dad.
“Dad!”
“My princess, I thought we’re going to loose our only daughter.” My dad hugged me.
“Dad, I miss you. You and mom.”
“Anak, sorry for not being here. Anak I bought some food. Alam kong gutom ka na.”
“Thanks dad. Dad can I ask a favor?”
“What’s that my princess?”
“Dad please find that someone who took care at me. Alam kong may nagbabantay sakin kahit nung wala kayo.”
“Sige! I would anak.”
Medyo nagtagal din sina mom at dad sa hospital. Sabi nila babalik daw sila agad tomorrow aayusin lang daw nila yung mga dapat ayusin at dadalhin nila bukas dito.
Hindi ako makatulog ngayong gabi.
Pilit kong iniisip kung sino yun. Feeling ko nga ako si Sleeping Beauty tapos dumating yung isang prince charming tapos sinave nya ako sa mahabang curse ko na pagtulog. Grabeee! Fairytales. Pambata. Pero pwede naman mag-exist yun diba?
Sino sya?! Hanggang ngayon gusto kong mahanap yung taong yun.
Eto buti dinatnan na ako ng antok. Napagod na yata ako kakaisip.
Pero before I sleep I prayed.
“Lord thank you for giving me another chance In life. Thank you so much. Goodnight po. I hope ipakilala nyo po sa akin yung prince charming ko!”
“Goodnight my Prince Charming, see you in Dreamland.”
BINABASA MO ANG
For the First Time(under construction)
Fiksi PenggemarWhat if ma-inlove ka sa isang taong hindi mo inaasahang mamahalin mo? What if mahalin ka ng isang tao na hindi naman talaga marunong mag-mahal? Let's say, isang syang playboy na party-goer at walang ibang ginawa kung hindi ang manakit, magpaiyak at...