ARTCOMAG❤2: BAD DAY!

2.5K 101 30
                                    

CHAPTER TWO

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


CHAPTER TWO

Trenth Kairo Faustine

"Hoy, kayong lima!" Napahinto kami sa paglalakad nang marinig ang malakas na sigaw sa likod namin.

Nagtagis bigla ang bagang ko nang maisip kung sino ang posibleng tumawag sa atensyon namin.

"Tsk, lagot nanaman," bulong ni Calby na narinig din naman namin.
Alam naming lima na kami ang tinutukoy ng sumigaw, kaya huminto man kami sa paglalakad ay nanatili lang kaming nakaharap sa direksyon na pupuntahan namin. Hindi na kami nag-abala pang lingunin ito o kumpirmahin kung kami nga ba ang tinatawag niya.

Bukod kasi sa late na talaga kami kaya siguradong wala nang iba pang estudyante sa paligid, hindi na rin bago sa amin ito dahil hindi lang naman ito ngayon nangyari. Ang totoo pa nga niyan, ganito palagi ang eksena tuwing papasok kami kahit noong nakaraang taon pa.

Tsk. That freaking Student Council President.

"Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo? Alam niyo ba kung anong oras na," nanggagalaiting tanong nito nang makarating sa harap namin.

Sabi na nga ba, hindi ako pwedeng magkamali, eh. Ang lalaking ito, matagal na talagang napupuno ang estima ko sa kanya. Kung hindi ko lang talaga iniiwasang mapatawag si mama ng Disciplinary Councilor, siguradong matagal nang nanghiram ng ngipin ang isang 'to sa daga.

"Sorry Prez, natagalan kasi kami sa paghintay sa bus, eh." Hindi ko nakita ang sumagot dahil nakatitig ako ng masama sa buraot na nasa harap namin, pero sigurado akong boses iyon ni Aldrin.

Dapat hindi na siya nagpaliwanag pa, eh. Asa namang makikinig ang coupal na 'to sa sinasabi niya.

"Don't give me that lame excuse, Mister Roxas. You knew exactly that I won't buy that."

Kitams, tama nanaman ako. Ang daming alam ng isang 'to, may pa-english-english, pang nalalaman. Akala 'ata nito, kinagwapo niya ang pag-e-english niya. Tsk.

"Eh, baka naman pwedeng palampasin na lang muna 'to ngayon, pres," singit ni Joz. "Tutal naman, eh, unang araw pa lang naman ng pasukan." Nagusot ang pares ng kilay ko nang mapakamot pa ito sa ulo niya habang asiwang nakangiti.

Tss, boring! Ibinaling ko sa ibang direksyon ang tingin ko at tinalikuran sila. Nakakatamad silang pakinggan at panuorin. Ang OA lang din kasi nitong president kuno na ito, eh, wala naman siyang bilang dito. Akala mo talaga, ang laki ng naiambag niya sa Morgan Academy.

"Iyon na nga, Mr. Soriano, eh. Unang araw na unang araw ng pasukan ay late kayong papasok. Naturingan kayong mga Senior High students pero kayo pa ang nagpapakita ng hindi magandang ehemplo sa mga juniors niyo. Hindi ba kayo nahihiya?"

ACADEMIA ROYALLE: The Chamber of Maid and Gentleman|☑ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon