ARTCOMAG❤4: GANGSTER MOM

1.8K 69 9
                                    

CHAPTER FOUR

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER FOUR

Trenth Kairo Faustine

Kanina pa mulat ang mata ko at kanina pa rin ako nakikipag-titigan lang sa itim na kisame ng kwarto ko. Alam kong alas kwatro pa lang ng umaga dahil iyon ang oras na nakita ko kanina sa alarm clock na nasa mesang nasa bandang uluhan ko lang din. Siguradong madilim-dilim pa rin ngayon, at hindi na ako magtatakang nakakarinig na ako ng mga lagabugan ng gamit sa labas at natitiyak kong sa kusina ito nanggagaling.

Marahas akong napabugha ng hangin nang maalala ang pinapagawa sa akin ng teacher ko.

That damn oldhag!

Ang totoo niyan, kanina pa talaga ako gising, o baka nga hindi talaga ako nakatulog. Ewan ko, basta ang alam ko ay saglit lang akong napapikit tapos bigla-bigla rin akong nagising. Hanggang sa hindi na talaga ako nakatulog kahit anong pikit pa ang gawin ko.

Nakakainis naman kasi, eh. Kagabi ko pa pinoproblema ang pagpapapunta kay mama sa school. Sa ilang taon ko nang pagpasok sa Morgan Academy ay nagawa kong iwasan ang bagay na 'to, pero ba't ngayon pa talaga?

Alam kong kakauwi lang ni mama galing sa trabaho at alam kong kahit pagod na pagod pa ito ay pinipilit pa rin niya munang mag-asikaso ng pagkain ko kesa magpahinga na. Tapos ito lang ang igaganti ko sa kanya? Tsk.

Eh, kung huwag ko na lang kayag sabihin sa kanya?

Hindi pwede! Mas magagalit siya sa akin kapag pumunta mismo ang matandang hukluban na iyon dito sa bahay at dito siya kausapin. Kaasar!

Padabog akong bumangon sa kama at tumayo. Bahala na kung pagalitan ako ngayon ni mama.

Lumabas ako ng kwarto at agad na dumiretso sa kusina. Naabutan ko pa si mama na nakatalikod at tila abalang-abala sa niluluto niya. Nakasuot pa ito ng uniporme niya at hindi man lang napapansin ang presensya ko sa likuran niya.

Nanlalambot kong tinitigan ang kabuuan niya. Ang laki ng pinayat ng mama ko, at kahit hindi pa niya sabihin sa akin ay alam kong nahihirapan na rin siya. Palagi siyang nakangiti sa harap namin pero alam kong itinatago niya lang sa akin ang totoong nararamdaman niya.

Pakiramdam ko ay napakawalang kwenta kong anak para sa kanya.

Bigla akong pinanghinaan ng loob, hindi ko na lang siguro sasabihin sa kanya. Tatalikod na sana ako pero hindi ko na nagawa nang bigla itong magsalita.

"Oh, anak, kanina ka pa ba r'yan? Ang aga mo naman 'atang magising," sunud-sunod na tanong niya habang may pagtatakang nakatingin sa akin. May hawak pa itong sandok na nakataas pa sa ere dahil na rin siguro sa gulat nang makita ako.

Ngumiti ako at naglakad para makalapit sa kanya, humalik ako sa pisngi niya.

"Sorry ma, nagulat ba kita?"

ACADEMIA ROYALLE: The Chamber of Maid and Gentleman|☑ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon