ARTCOMAG❤9: Drave!

1.3K 74 9
                                    

Chapter Nine

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter Nine



Trenth Kairo Faustine

Tatlong araw na ang nakakalipas mula nang mailibing si mama at tatlong araw na rin akong pinagti-tiyagaan ng mga kaibigan ko na pasayahin. Ayoko mang aminin, pero masaya talaga akong hindi nila ako hinahayaang lamunin ng sarili kong lungkot. Alam kong kagaya ko ay nalulungkot din sila sa nangyari pero nakakataba ng puso na ginagawa nila ang lahat ng ito para lang sa akin.

 Katulad na lang ngayon, maaga palang ay nandito na silang apat sa bahay at literal na nanggugulo. Tatlong araw na nila akong pinupuntahan sa bahay ng ganito kaaga para na rin makapagsabay-sabay kami sa pagpasok. Kunwari pa sila, eh, alam ko naman talaga ang totoong dahilan ng pagpupunta nila rito ng ganito kaaga.

   "Hoy Trenth matagal ka pa ba?"

   "Dapak, dude! Dinaig mo pa talaga ang babae kung kumilos, eh!"

   Tss!

Nasa kwarto pa ako pero rinig na rinig ko pa rin ang kaguluhan nila sa labas dahil sa lakas ng mga boses nila. Kung lumabas na lang kaya ako at paggugulpihin sila? Naiiling na napangiti na lang ako sa naisip ko.

Nang maisuot ko na ang blazer ng uniform ko ay  kinuha ko agag bag ko at tiningnan muna ang sarili ko sa salamin.

Malungot akong napangiti sa repleksyon ko.

Okay naman na ako kung titingnan, eh. Nagagawa ko na rin namang makisabay sa gulo ng mga kaibigan ko--- kahit papaano.

"Ito naman ang gusto mo 'Ma, 'di ba?" Pilit akong ngumiti sa harap ng salamin at parang isang timang na kinakausap ko ang sarili ko.

Wala eh!
  
Kailangan kong maging matatag para sa sarili ko. Lalo na ngayo't mag isa ko na lang haharapin ang buhay.

"Fnally! Lumabas ka na rin," salubong ni Calby paglabas ko ng kwarto sabay akbay sa akin. Grabe ka pre, male-late na tayo eh. Ubod mo talaga ng kupad!" Tinanggal ko ang kamay niyang  nakapatong sa balikat ko.

Ang hilig talagang mang-akbay! Bading 'ata 'to, eh. 

Narinig ko silang nagtawanan nang samaan ko oa siya ng tingin, sakto namang nahagip ng mata ko ang pinto ng isa pang silid na katapat lang din ng kwarto ko. Kwarto iyon ni mama at hanggang ngayon ay wala pa rin akong lakas ng loob na pumasok doon. Naninikip pa rin ang paghinga ko sa tuwing mapapatingin ako sa pintuan ng silid niya. Kapag kasi tumitingin ako roon ay nakikita ko pa rin 'yong mukha niya na nakangiti sa umaga at bumubungad sakin kapag lumalabas ako ng kwarto.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa mga kaibigan ko.
Buwisit na mata to, mukhang nagbabalak nanaman magpawis!

 "Tara na," agad kong pag-aaya at mabilis na naglakad palabas ng bahay. Hindi ko pa talaga  kayang magtagal sa bahay.  Puro alaala ni mama ang nananariwa sa akin doon.

ACADEMIA ROYALLE: The Chamber of Maid and Gentleman|☑ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon