Onli In Da Pilipins

4.4K 148 57
                                    

Proud ka bang maging Pilipino?

Kung ganun nga!basahin mo ito.

-----------------------------

Onli In Da Pilipins

-----------------------------

-historical fiction-

Sa Pilipinas lamang mararamdaman ang mahabang selebrasyon ng pasko ,pista at kung anu-ano pa.

Sa Pilipinas mo mararanasang kumain ng nakakamay at sa dahon ng saging kayo ng mga kasama mo nagsasalu-salo.

Sa Pilipinas ka lang makakakita ng soft-drinks na pinaplastik.

Sa Pilipinas mo lang makikita ang mga sigang pakalat-kalat sa daan na walang pakundangang nakatopless na naglalakad sa tabi ng daan at akala mo'y isang cover boy na tambay.hindi naman kagandahan ang katawan?totoo yan.

Sa Pilipinas mo lamang mabibili ang pisong yelo na pagdating mo sa inyo'y kalahati na lamang ang matigas dahil sa layo ng binilhan mo.

Sa Pilipinas kapag tinanong ka ng "kumain ka na ba?" ang isasagot mo ay "busog pa ako" ,huwag mo na itanggi!

Sa Pilipinas lang makikita ang jeepney na kahit siksikan na ay pilit pa ring pinagkakasya ng drayber.talaga nga naman.

Sa Pilipinas mo makikita ang mga batang naghahabulan ng nakapaa lamang.pero aminin natin.masarap tumakbo ng walang sapin sa paa.tama ba?

Sa Pilipinas mo lang makikita ang halos lahat ng mag-asawa nagpaparamihan ng anak pero kahit anong hirap buo pa rin ang pamilya.

Sa Pilipinas mo lang makikita ang pulitiko na kapag malapit na ang eleksyon namimigay ng bigas,NFA RICE na mas marami pa ang bato kesa sa bigas.batu-bato sa langit ang tamaan kapag nagalit.sapul!

Sa Pilipinas kapag nakagraduate ka ng college isang factory worker ka lang kung mamalasin.yung kursong pinili mo malayo sa naging trabaho mo.

Sa Pilipinas mo lang makikita ang mga nagtitinda ng kakanin, ice candy at kung anu-ano pang miryenda.parte ng pagnenegosyo yan.

Sa Pilipinas mo lang makikita ang tingiang tindahan o yung tindahan na makakabili ka ng pisong sitsirya.

Sa Pilipinas mo lang mararanasan ang childrens party na may juice sa jag na matabang at sphagetti na kulang sa sphagetti sauce pero uubusin mo pa rin kesa magtampo ang may birthday at isa pa gutom ka na dahil sa nakakaboring na pagmamadyik ng clown na huli sa akto ang kamay.mga bata lang naman ang humahanga.

Sa Pilipinas mo makikita na kapag nasunog ang isang bahay damay ang buong barangay dahil parang leggo kung magtabi-tabi ang mga bahay.squaters area kung tawagin.

Sa Pilipinas mo makikita na kapag ang gwapo kapag kumanta kahit sintunado tinitilian pero kapag ang pangit kumanta na malaanghel ang boses hanggang sa palakpakan laman.pansin ko yan girls.kala nyo ha?

Sa Pilipinas mo makikita ang mga tambutso ng sasakyan na parang kulimlim na ulap sa sobrang itim ng usok.

Sa Pilipinas may mga taong parang ayaw magpatulog kung magvideo-oke sa gabi.

Sa Pilipinas mo makikita ang mga tao na sobrang sweet sa park pero hindi magawang maghalikan dahil tayong mga Pilipino may hiya din naman kung minsan di katulad sa ibang bansa na pakalat-kalat ang mga magkasintahan na parang wala nang bukas kung maghalikan.

Sa Pilipinas ang mga tao trying hard mag-english pero keri naman kaya halos lahat ng call center agent hindi nagpapahuli pagdating sa pagsasalita ingles.

Sa Pilipinas mo lang makikita ang pinakamaliit na bulkan sa buong mundo,ang BULKANG TAAL.(trivia:ang dating taas ng BULKANG TAAL ay tatlong pinagpatong na Bundok Apo,pero dahil sa mga pagputok nito ay unti-unting bumaba at nabuo ang LAWA NG TAAL)

Sa Pilipinas mo lang makikita ang perfect-coned volcano na MAYON VOLCANO na kahit paulit-ulit pumutok ay buo pa rin ang hugis nito na maihahalintulad ko sa Mt.Fuji ng Japan.

Sa Pilipinas mo maririnig ang title ng pambansang kanta na BAYANG MAGILIW. correction lang LUPANG HINIRANG po ang title ng National Anthem natin.

Sa Pilipinas mo maririnig ang mga Frank Sinatra's song katulad ng My Way kapag mga lasing na ang mga tatay nyo at kapag nagkapikunan tsaka nag-uupakan.tagay lang!

Sa Pilipinas mo mararanasan na bumili ng kendi na dalawang piso tatlong piraso.

Sa Pilipinas mo maririnig ang nakakatuwang sigawan ng mga nanay mo na nagBI-BINGO sa kanto at kapag may tumama na sabay sigaw ng "BINGO AKO!".

Sa Pilipinas ko lang unang nabasa ang salitang your beautiful which is you're beautiful dapat.naranasan ko yan nung tsinekan ko ang essay ng kaklase ko.

Sa Pilipinas ko lang nakita ang mga tricycle driver na parang biyaheng langit ang pupuntahan mo sa sobrang bilis magpatakbo,wala namang hinahabol?

Sa Pilipinas ko nakita ang mga taong nakatapos ng high school pero hindi nakapagkolehiyo at nagtrabaho na lamang dahil sa hirap ng buhay.madami akong kilalang ganyan at hinahangaan ko sila ng sobra-sobra dahil sa kasipagan nila.

Sa Pilipinas mo lang mabibili ang mga pirated DVD's na kapag pinanuod mo tumatalbog pero napagtiya-tiyagaan pa naman.eh kasi naman mas mura pa ang pirated kesa sa original.mga tao nga naman mas mabuti pang magdownload ng movies kesa bumili ng original DVD's.

Sa Pilipinas lang yan! 

-----------------------------

Pilipino ako at proud ako sa lahi ko.

by : prince_heart01/PH

please vote,comment or be my fan :)

Onli In Da PilipinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon