PLAT SKRIN(Onli In Da Pilipins Part V)

860 29 10
                                    

PLAT SKRIN(Onli In Da Pilipins Part V)

______________________________

Ito yung mga senaryo sa isang palabas dito sa Pilipinas na napapanuod natin pero paulit-ulit lang yung mga nangyayari sa simula hanggang sa katapusan ng kwento,at narirto ang takbo ng kwento sa bawat tema ng palabas na napapanuod natin:

LOVE STORY

Katulad na lang ng mga teleserye. Mapapansin mo na lang si bidang mayaman bigla na lang iibig sa bidang mahirap tapos pipigilan ang kanilang pagmamahalan ng kanilang mga magulang hanggang sa magkahiwalay sila,ganun naman palagi eh.

Do’n naman tayo dumako sa pinakagitna ng kwento ng teleserye. Syempre si bidang mahirap biglang yayaman tapos maghihiganti sa pamilya ng bidang mayaman hanggang si bidang mayaman siya naman yung maghihirap at makikita mo na lang si bidang-biglang-yaman eh may pagtingin pa rin kay bidang-biglang-hirap.diba ang gulo?tapos ang ending kung hindi mamamatay ang isa eh magkakatuluyan sila at magpapakasal.

ACTION

Ang susunod ko namang kakalikutin ay yung mga kwentong may aksyon at syempre kapag aksyon hindi mawawala ang baril,oo nga naman.kaya nga aksyon ang tema ng palabas eh kasi may barilan.wala naman tayong magagawa diyan eh,pern minsan nangyayari yan sa isang palabas kasi kung di agawan ng minamahal o kapangyarihan ang takbo ng kwento eh agawan naman ng mga lupain ang umiiral sa isip ng gumagawa ng kwento.wala na bang bago?nakakasawa na eh.

COMEDY

Bagama't nakakatawa nga ang tema dahil sa komedya nandiyan pa rin ang drama.kung sabagay nakakangalay din naman ng panga ang pagtawa kaya naisip ng mga direktor ng maglagay ng kaunting drama para maipahinga ang kanina pang tawa ng tawa at ang ending eh syempre katatawanan pa rin.hindi nga lang happy ending kung 'di laughtrip na ending.

DRAMA

Dito naman unahan sa pag-iyak ang mga bida,pati naman mga nanunuod parang akala mo'y namatayan kung makaiyak o kung di man umiyak eh hindi maipinta ang mukha dahil nadadala sila sa kwento at ang ending kung 'di namatay si bida,ayun!maayos na ang buhay at hindi na mukhang kawawa.

HORROR

Dito panigurado hindi mawawala ang mga multo.gagawa ng kamera triks si direktor para lang matakot ang mga manunuod,at si manunuod namam kung di balut-na-balot ng kumot eh kulang na lang yakapin si katabi sa sobrang takot at ito ang madalas gustong panuorin ng mga lalaki kapag kasama nila ang kanilang mga iniirog,epektib nga naman kasi kapag nagulat si babae sa takot paniguradong yung lalaki ang yayakapin niya.kumakana si pare,tatanggi ka pa pare eh gawain ko rin yan!bumenta na yan,at ang ending ng kwento nawala ang kaluluwang hindi matahimik.

TEEN-ORIENTED SHOW

Mga kwentong pangkabataan at kinakikiligan,yung tipong "PBB TEENS?" sabi nga ni Vice-Ganda,sa kwento namang ito uso din ang love story.at ang tema,BOYFRIEND/GIRLFRIEND sila.liligawan ni poging boy si pakipot na girl tapos si pakipot na girl kunwaring pag-aaral muna ang aatupagin. tipikal na nangyayari sa kabataan kaya naman ang karamihan RELATE na RELATE!at ang ending ng kwento ayun,kilig-to-the-bones ang ending.

FANTASY

Dito mo naman makikita yung mga lumilipad na tao,in short SUPER-HERO o kung hindi naman eh mga isinumpang sirena na iibig sa isang tagalupa.syempre hindi naman mawawala ang MAGIC at dito naman nakakarelate ang mga bulilit na kapatid.tapos maya-maya mapapansin mo na lang ginagaya na niya yung mga super-hero.mga bata nga naman.at ang ending ng kwento magiging normal si isinumpang sirena at maililigta ni dakilang SUPER-HERO ang sangkatauhan.

______________________________

diba nakakatuwang isipin na ang mga napapanuod natin na nagiging repleksyon na ng buhay natin pero hindi nyo siguro naiisip na paulit-ulit lang ang takbo ng kwento.

"...THE END..."

______________________________

MULA SA PANULAT NI:

prince_heart01

inihahandog ng wattpad.com

PLAT SKRIN(Onli In Da Pilipins Part V)

Onli In Da PilipinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon