May nakapagsabi sa'kin ang galing ko daw makapagparealize at makapagpamotivate ng tao.sa kanya siguro oo,pero sa ibang tao kaya magagawa ko.try ko lang naman sana tumalab sa may talab.XD.
------------------------------
Modernong Kabataan
------------------------------
*Onli In Da Pilipins PART III*
kapansin-pansin sa mga kabataan ngayon ang pagiging positibo sa buhay.yung totoo?isa ka ba sa kanila.tingnan natin.
Yung kabataan ngayon ay may kakaibang katangian na sadyang kakatuwa lang sa paningin ko.unahin ko na yung mga teen-age-girls ng Pilipinas.kung isa kang kabataang Pilipina dapat proud ka.ang ganda mo kaya.kaya lang may something eh.yung kilig-to-the-bones na palagi mong sinasabi.kung noon makakita ka lang ng lalaking naggigitara kinikilig ka na kahit hindi kagwapuhan yung lalaki basta.eh ngayon kapag may sumayaw ng DOUGIE sa harap mo ayun nagtatatalon ka na sa kilig yung panty mo ate malalaglag na pakihawak.akala mo yan lang ang napansin ko,di lang yan ui!yung halikan ka lang ng crush mo dahil sa truth-or-dare na laro kung makangiti ka naman wagas.eh kung pektusan kita dyan!konting kibot,konting harot mahal agad!PBB TEENS?!oh heto pa.kung di ka ba naman feelingera pati yung picture ng mga artista pinag-iinteresan mo.example ko na si Daniel Padilla na inilalagay mo sa profile mo na boyfriend mo?hantaraay!kilala ka ba niya at alam niyang girlfriend mo siya.sorry na lang girl pero may Kathryn Bernardo na siya kaya hanggang titig ka na lang at napansin ko rin ha?kung di naman teen-hearthrob ang pinapatos mo eh sina JUSTIN BIEBER o ONE DIRECTIONS ang tinitira mo.tigilan mo na yan,aanhin mo naman ang kagandahan mo kung sa kanila mo lang itutuon ang sarili mo.kumalantari ka na lang ng schoolmate mong gwapo kesa aksayahin ang oras mo sa mga kanta nilang paulit-ulit,kung di naman mga youtube-sensation ang kinaaadikan mo KPOP naman ang mga kinahuhumalingan mo.ay bangag ka nga!sige itranslate mo sa tagalog ang mga KPOP songs kaya mo.sus naman!sumingkit lang ang mata at pumuti ng kaunti crush mo na.madami niyan dito sa Pilipinas lalayo ka pa.move-on na,di ka nila mapapansin kahit mahimatay ka pa.PARAAMIIIZ.and lastly yung suot mo kapag nagma-mall.mahal yan ano?kulang sa tela eh.maghubad ka na lang kaya?mahaba pa yung panyo ko sa shorts mo eh.
At sa mga kalalakihan,mga pare,tol,tsong,brad,bro o kung sino ka mang ponsyopilato ka.akala mo makakaligtas ka.kahit lalaki din ako di ka makakaiwas sa mga mata ko papansinin ko pa rin yang pagkaepal mo.unahin natin sa mga isinusuot mo dre,kung anong kulang ng tela ng suot ng mga babae siya namang kapal ng suot mo.tama bang magleather jacket kahit mainit?makapagpapogi lang kahit nanlalagkit na ayos lang,pogi nga eh.yung isa pa kung hindi naman makapal ang suot mo eh fitted naman yung mga damit mo.makapagpakita lang ng katawan kahit walang abs sinusuot mo yan.lakas ng loob ha?isama mo pa yung pantalon mong pagkasikip-sikip!nahuhubad mo pa ba yan.sigurado ko pahirapan pa para makapagpalit ka ng pang-ibaba minsan naman kung hindi masikip eh sobrang luwag ng suot mo na halos lumipad ka na ,mistula kang hanger sa suot mo ah.may mga bling-bling ka pa?alam ko hip-hop ka.pero huwag naman sana sobra na parang lahat ng damit mo eh ikumot ko na.fashion tip ko na lang para matapos na magsuot ka ng komportable at hindi masyadong masikip o maluwag.yung tamang size lang.di pa ako tapos,pansin ko rin yung pagiging womanizer mo.kung noon pagandahan at paseksihan ng girlfriend ngayon paramihan ng girlfriend .ikaw na ang gwapo,idol na kita,oo ikaw na.kung di naman paramihan ng girlfriend ang labanan eh paramihan ng gadgets sa katawan ang pinagtatalunan.ikaw na ang may IPAD,IPHONE at LAPTOP.kapag namatay ka madadala mo ba yan?who cares!at kahit anong pwesto ng gadgets sa ataul mo di mo pa rin yan makukuha kapag ikaw mismo ang kinuha ni Lord.akala mo yun lang .nauuso kasi ngayon ang mga motor sa mga kalalakihan.ang pogi ng motor mo ah.sana naging motor ka na lang,may mayabang pa na parang byaheng langit ang pagpapatakbo,sige bilisan mo pa para kay san pedro ang diretso mo.yabang din lang naman ang pinag-uusapan nakailang girlfriend ka na ba?mabibilang pa kaya yan sa daliri sa kamay at paa?hanga nga ako sa panahon ngayon kung sino pang gwapo siya pa ang torpe at kung sino pa ang pinagkaitan ng kagwapuhan siya pa ang malakas ang loob na manligaw sa magagandang babae.wasak!sino ka sa kanila yung gwapong torpe o yung pangit na maraming nililigawang babae?kung di sapat ang mga nalaman mo sa sarili mo ikaw na mismo,humarap ka sa salamin at husgahan mo ang sarili mo.yun lang ang masasabi ko.
------------------------------
Kung may mga natamaan pasensya.
Pero kung may mga narealize ka eh natural lang na ganyan ka.
Huwag kang magalit ha?gusto ko lang ipahayag ang saloobin ko.
Kung sa akin lang naman hindi natin maiiwasan yun eh.mahirap lang talaga isipin na ang bilis ng panahon sa pagbabago.at isa na ako sa mga katulad mo na na may ganito din namang katangian pero hindi naman sobra.haha.tawa lang.
BINABASA MO ANG
Onli In Da Pilipins
PoetryKung Pinoy ka.isigaw mo PILIPINO AKO! HINDI AKO PAPATALO KAHIT NA KANINO AT LAGI KONG ISISIGAW PILIPINO AKO!