- List on how to tame the demon inside Marky -
1. Always check on him. Message him about his whereabouts.
2. Feed him. Food makes people happy.
3. Help him with his studies.
4. Be there for him always.
5. Believe in him.Tinitignan ko yung sinulat ko sa notebook ko. Desididong desidido na ako! Tutulungan ko lang naman siya eh. Wala naman masama sa tumulong hindi ba? And the sooner I star, the earlier it will end kaya naman mag start na bukas ang operation: tame the demon!
Sinarado ko na ang notebook ko at nilagay 'to sa drawer. Humiga ako sa kama ko at kinuha ang phone ko para mag scroll sandali sa facebook. Naisipan kong hanapin siya sa facebook.
Mark Dela Cruz
Maraming lumabas at ni isa sa mga iyon ay hindi siya.
Mark Harrold Dela Cruz
Wala nanaman.
Harrold Dela Cruz
May ilang lumabas at may isang nakapukaw ng atensyon ko. Silhouette ng isang lalaki na nasa beach ang profile pic nito. Sobrang private ng profile niya na ultimo mga friends ay naka hide. Pero ang umagaw ng pansin ko ay ang kanyang bio—'T.' Ang nakalagay dun. Anong ibig sabihin ng T?
Kinabukasan ay nag ayos na ako at pumasok sa school. Ngayon ay lunch break namin at kinwento ko kay Yumi ang ginawa kong listahan kagabi.
"Sure ka na ba dyan mare?" Sabi niya habang ngumunguya ng Ala King.
"Andito na ako eh. Wala ng atrasan 'to."
"Eh pano kung ayaw nga? Pag sisiksikan mo sarili mo?"
"Oo. Siguro."
"Ay! Martyr ka teh!" Hiyaw niya.
"'Mamayang uwian pupuntahan ko siya." Desidido kong sabi. Walang mangyayari kung tutunga lang ako dito. Gusto ko 'tong matapos kagad kaya uumpisahan ko na ngayon.
At nang mag uwian, dumeretcho ako sa College of Business Administration mag babakasakali ako na nandito pa siya. Hindi ko alam ang schedule niya at ang phone number. In-add ko siya sa facebook kagabi pero hanggang ngayon hindi pa din niya ako ina-accept.
Nag lalakad lalakad ako sa hallway pero wala akong nakikitang Mark. Hanggang sa makarating ako sa dead end nang college nila. May bench na malapit dun at naupo muna ako nang may narinig akong nag tatawanan.
Sumilip ako sa banda dun at nakita ko ang isang grupo ng kalalakihan. Mga nag sisipag yosi sila sa likod ng isang malaking puno at dun ko nakita ang hinahanap ko. Hindi ko alam anong nangyari at bigla akong tumakbo at lumapit sakanila.
"Mark!" Kaway ko sakaniya.
Napatingin silang lahat sakin pati si Mark. Nakakunot ang noo niya at parang nag tataka kung bakit ako nandito. Ngayon na ang buong atensyon nila ay nasakin bigla akong nakaramdam ng hiya. Ang isang lalaki ay sumipol pa kaya naman napatingin ako sa skirt ko medyo tumaas iyon ng konti kaya hinili ko iyon pababa at umayos ng tayo.
"Anong ginagawa ng isang tourism student dito?" Sabi nung isang moreno. Humipak siya sa sigarilyo niya at tumingin sakin.
"U-uh gusto ko lang sana maka usap si Mark."
"What do you want?" Masungit niyang sabi at hindi ako tinitignan. Tinataktak niya sa lapag ang upos ng sigarilyo niya.
"Pwede ba sa medyo private?" Napakamot ako sa batok ko.
BINABASA MO ANG
My Husband is a Gangster
RomanceHindi mahindian ni Sarah ang pakiusap sakaniya ng kaniyang Ninang. Her Ninang believed that she's the answer to her son's behavior. Can Sarah really tamed the demon inside Mark? How far can she go?