"Kelan ka pa nandito?" I asked him."5 hours ago?" Casual niyang sabi.
"Kanin ka pa nandito bakit wala man lang nag sabi sakin!?"
Tumaas ang boses ko. Hindi niya ako pinansin. After niyang uminom ay nilagay niya yung baso sa lababo at umalis na. Sobrang nawindang ako sa mga nangyayari ngayon. Kanina lang ang sungit niya sakin sa school tas ngayon malalaman ko na titira kami sa isang bahay.
Nagising na ako bago pa man tumunog ang alarm ko. Nakatingin lang ako sa lampshade ko. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa mga nangyayari. Iniisip ko na okay din na dito siya tumira para mas mabantayan ko siya. Pero pano ko gagawin yun kung bwisit siya sa presensya ko.
"Ano ba Sarah." Tinakpan ko ng unan ang mukha ko.
Pag katapos kong badtripin yung sarili ko, bumangon na ako at nag prepare for school. Wash day ngayon sa school kaya naka civilian ako. I'm wearing a highwaisted pants, plain white tshirt na tinucked in sa pants and my Nike Cortez. Ganito lang ang mga gusto kong sinusuot sa school, very comfy and bagay sakin ang mga ganito. Hindi ako maliit pero hindi rin naman ako sobrang tangkad, tama lang kaya bagay sakin ang mga highwaisted pants. White plain shirt kasi maputi ako bagay sakin yung ganitong damit kasi nag mumukhang elegante tignan atsaka malinis and presko.
Pagkatapos ko mag bihis, bumaba na ako para kumain ng breakfast. Natuwa naman ako ng konti dahil wala pa si Mark dun o baka naman nauna na pumasok. I made my iced coffee before sitting down. Parang hindi nag fufunction ng mabuti ang katawan at isip ko pag hindi ako umiinom ng kape sa umaga. And I like my coffee sweet and cold. I got some bacons and pancake and started eating, habang kumakain ako nag text si Yumi.
From: Yumi Matsomoto
Sinend ko na sa email mo yung presentation natin mamaya. Paki double check naman. Thanks! See ya later betch.
To: Yumi Matsomoto
Gege see u
After that I checked my email and ni-review ko yung presentation na ginawa ni Yumi. Habang nire-review ko 'yon, nakarinig ako ng footsteps. Hindi ko na tinignan kung sino yon dahil alam kong siya yon. Hindi naman kasi ganito ang oras ng gising nila Mommy and Daddy.
Hindi ko napigilan ang sarili ko at bahagya ko siyang sinilip kung ano ang ginagawa niya, nakita ko nag titimpla siya ng coffee niya. Inobserbahan ko siya at nakita ko na hindi siya nag lagay ng sugar.So he likes black coffee. Binalik ko ang attention ko sa binabasa ko nang Makita ko na tapos na siya sa pag titimpla niya ng kape.
Umupo siya sa upuan malapit sakin at kumain ng breakfast. Tahimik lang kaming kumakain hindi kami nag uusap dahil may ginagawa din siya sa phone niya. Chineck ko ang relo ko, 8:47am na. Tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko. I don't want to be rude so nag paalam ako sakaniya.
"I'm going." Hindi na ako nag hintay ng reply niya at lumabas na ako ng bahay pero wala si Kuya Henry don. Usually nag hihintay na si Kuya Henry sakin at naka park na sa harap ng pinto yung sasakyan pero wala siya ngayon.
"Manang nasan si Kuya Henry?"
"Ay naku mam hindi ho ba nasabi nang Mommy niyo sainyo na nag leave po si Henry ngayon. Nasa ospital po ang anak niya kailangan po nang mag babantay." Sagot ni manang.
"Ha? Sino mag hahatid sakin sa school?"
"Ma'am kung marunong lang ako mag maneho ako na mag hahatid sainyo kaya lang hindi ako marunong eh."
"Parehas tayo manang." I said in a low voice.
Nakita ko si Mark na dumaan sa gilid ko. Kinuha ko yung susi nang Lexus ko at sinundan ko palabras ng bahay si Mark.
BINABASA MO ANG
My Husband is a Gangster
RomanceHindi mahindian ni Sarah ang pakiusap sakaniya ng kaniyang Ninang. Her Ninang believed that she's the answer to her son's behavior. Can Sarah really tamed the demon inside Mark? How far can she go?