Morning came at ganun pa din ang set up namin sa bahay. Kuya Henry's still not around that's why Mark drove me to school again today. Walang nag sasalita samin, hindi ko na din binring up yung nangyari kagabi."Where will I drop you off?" He asked.
"Kahit dun na lang dati sa likod ng Valencia Hall."
"Why there? Nasan ba ang building niyo?"
"Nasa kabilang side pa atsaka Yumi's there she's waiting for me."
"Sabihin mo sakaniya dun kita ibaba sa building niyo."
"Ha? Dun na lang. Dun naman talaga ako binababa ni Kuya Henry."
"May pupuntahan ako. It's out of the way." Derecho lang ang tingin niya sa daan. Hindi na ako nakipag talo kasi alam ko naman na hindi din niya ako pag bibigyan. I texted Yumi na sa HM building na kami mag kita.
From: Yumi Matsumoto
Nabasa yung kilikili ko sa init tapos hindi ka dito bababa? Azar!
I sighed at her reply. Alam ko naman na hindi 'to galit ganito lang talaga siya mag salita. When we arrived he asked me kung anong oras dismissal time ko.
"Five pm. Pero quiz lang 'yon so baka mas maaga pa."
"Alright. I'll see you later." He drove off. Sakto naman ang pag dating ni Yumi.
"Oh two days na yan ah! Kamusta na plano mo?"
"Medyo nahihirapan ako dahil sa ugali niya lalong nadagdagan nung inarranged na kagabi yung wedding namin. Next week na kagad." Buntong hininga ko.
"Ha!? Over naman! Next week kagad!? Buti pumayag sila tita?"
"I think mom and dad are okay with it."
"Are you?" Huminto siya sa pag lalakad at tinignan ako.
"I don't know Yumi."
Mabilis na natapos ang araw. Katulad nga nang sinabi ko kay Mark, magiging maaga ang dismissal ko ngayon kasi nag pa quiz lang yung prof ko. At ang magaling na si Yumi nag aya pumuntang bar.
"Sige na! We need to have some fun! Friday naman ngayon and wala naman tayo pasok bukas." Sabi niya habang nag lalakad kami sa hallway.
"I don't know parang wala ako sa mood pumarty ngayon eh."
"I don't take no for answers Sarah. We need to relax. Sobrang tensed ang mga nangyayari sa buhay mo ngayon atsaka this is your last week na magiging single ka, sulitin na natin!" Napaisip ako sa sinabi niya. Nineteen years old na ako pero wala pa ako nagiging boyfriend. Never been kissed, never been touched. Although may mga nanligaw naman sakin pero it didn't worked out.
"Ano g?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"G! Last week ko naman na 'to bilang single. Makaranas man lang lumandi."
"That's my pokets bestfriend! Laban lang!" Tili niya sa hallway.
Pag dating ko sa east wing kagad kong hinanap ang sasakyan ko, madali naman yun makita kasi kumikinang ang pag ka pula nito. Nang makita ko yung sasakyan ko wala pa dun si Mark. Naupo muna ako sa isang bench na malapit sa sasakyan ko at nag scroll sa social media accounts ko nang may biglang mag pop up na friend request sa facebook.
Khali De Costa
Confirm | Delete
Tinignan ko muna kung si Khali ba talaga 'to o baka naman kapangalan lang. Ang kanyang profile picture ay sa ibang bansa may caption siya na M A D R I D tas yung flag ng bansa. Meron itong 1,460 na likes and 110 na comments. Hindi ko naman maipag kakaila na may itsura si Khali. Maputi ang kutis niya, tayo tayo ang buhok at very bad boy looking. Natural na mamula mula ang labi niya at matangos ang ilong.
BINABASA MO ANG
My Husband is a Gangster
RomanceHindi mahindian ni Sarah ang pakiusap sakaniya ng kaniyang Ninang. Her Ninang believed that she's the answer to her son's behavior. Can Sarah really tamed the demon inside Mark? How far can she go?