ELEVEN

48.6K 601 36
                                    




"Reiji!" Tumakbo ako sakaniya at niyakap ko siya.


"Woah there! Miss na miss mo ba 'ko?" Tumawa at niyakap ako pabalik.


"Mas excited pa siya na makita ka kesa sakin kaya hindi na niya pinag pa bukas yung pag punta sayo," Narinig kong sabi ni Yumi. Humiwalay ako kay Reiji at hinarap si Yumi.


"Bakit hindi mo sinabi na uuwi siya!?"


"Ayaw niyang pasabi eh. Gusto ka daw niya i-surprise," Nag kibit balikat siya. "Pero feeling ko siya ang masu-surprise."


"Ha?" Sumingit si Reiji sa usapan namin. Naramdaman ko na may lumapit sa likod ko at naamoy ko din ang pababango niya.


"Reiji, meet Mark," tinuro ni Yumi si Mark na nasa likod ko. "Sarah's husband." Hindi kagad kumibo si Reiji at tinitignan lang si Mark. "Makipag kamay ka nga! Wala ka bang manners?" Sabi ni Yumi sakaniya pero hindi siya nito pinansin at tumingin lang siya sakin, puno ng pag tataka ang mukha niya.


"You're.. married?" Tanong niya sakin.


"Aw Reiji's brokenhearted.. again!" Ani Yumi. Sinamaan ko ng tingin si Yumi, pinanlakihan ko siya ng mata at binalingan ko si Reiji.


"Fixed marriage lang naman, no biggies!" Awkward akong ngumiti ako sakaniya. "Gutom ba kayo? Papaluto ko kay manang yung favorite mo for sure namiss mo 'yon? Walang ganon sa Japan e, diba?"


"Oo pero syempre mas na-miss kita."


"Yung totoo Reiji? Sino ba kambal mo saming dalawa?"


Oo nga pala, fraternal twins si Reiji at Yumi. Ahead lang ng isang taon sa school si Reiji samin. Mas matanda sila sakin ng isang taon. Kaya naman naka ka-batch ko si Yumi sa school dahil nag stop siya ng isang taon dahil pag dating niya dito sa Pilipinas ay hindi muna siya nag aral, nag stay lang siya sa bahay nila at nag aral ng filipino language.


Ang pinag kaka-abalahan ngayon ni Reiji ay ang business nila sa Japan. After niya gumaraduate ng college ay umalis na siya papuntang Japan. Ever since high school and half of our college life, included siya sa buhay ko. I consider Reiji as one of my best friends.


And ngayon, I'm having one of the most awkward dinners in my life. Magkatabi kami ngayon ni Mark, kaharap ko si Reiji at katabi niya ang kambal niya. Kung wala siguro si Yumi dito para siguro kaming kumakain na may kasamang anghel, ang tahimik eh.


"Kelan ulit ang balik mo niyan sa Japan?" I asked him. He looked at me and smiled.


"Dad's taking over the business muna so I guess I'll be staying here as long as I want."


"Buti pumayag si mommy and daddy na umuwi ka no?" Ani Yumi.


"I told you I'm their favorite," At binalingan niya ako ng tingin. "How are you, Snow?"


"Huwag mo nga akong tawaging snow, Reiji. Nakakainis kaya!" Umirap ako at tumawa naman siya.



"What do you want me to call you? Brown? E hindi naman brown ang kulay mo."


"Whatever ang pilosopo mo."


"Wife can you pass me the rice please," Halos mabuga ko ang nginunguya ko sa sinabi ng katabi ko. Ano daw?! Nakita kong nasamid si Yumi sa narinig niya at uminom siya ng tubig. Nag kunwari ako na hindi ako affected sa tinawag niya sakin at inabot ang kanin sakaniya. "Thanks."


"How long are you guys married?" Tanong ni Reiji.


"One week pa lang today," I answered.


My Husband is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon