Chapter 6

332 3 5
                                    

Chapter 6

Pangatlong araw na pagsusuka nya. OMG! Shit!Fuck!Damn! PI!...Kung anu-ano ng mura ang lumalabas sa bibig nya. Sobrang anxious na sya. Hindi maganda ang pakiramdam nya today. Medyo nahihilo rin at ang sakit ng ulo nya. Parang nanlalambot din ang tuhod nya. Signs and symptoms ba to ng pregnancy? Sana nga food poisoning na lang or amoebiasis. Baka pwedeng madala ng ORS or  antibiotics…Pero if it’s what I fear, I’m all screwed up. She let out a sigh.

Kung pwede lang na umuwi na sya today. Sisiguraduhin nyang uunahin nyang puntahan ang pinakamalapit na drugstore na makikita nya at bibilhin nya lahat ng brand ng pregnancy test kit na available. Hindi sya makapaghintay na makauwi. Sobrang stress-out sya simula kahapon. Ni hindi nya sinagot ang tawag ng mommy nya. Hindi pa man sigurado ay pinapangunahan na sya ng guilt. Kakatapos lang ng problem nya with her dad. Matapos nitong malaman na nagresign sya para mgpursue ng career bilang fashion designer medyo nagalit ito sa kanya. Paano na daw ang business nila. Dapat daw ay alam din nito ang pasikot-sikot niyon dahil sa kanila naman ng kuya nya mapupunta yun. Napakalma lang nila ito ng pumayag sya sa suggestion ng kuya nya na maglalaan sya ng oras para sa business since hawak nman nya ang oras nya sa trabaho.

Hayyy! Magulo talaga ang isip nya ngayon pero kelangan nya munang isantabi ang mga worries nya. Work is work. Hindi ito pwedeng maapektuhan ng personal nyang buhay.

Miss Nica” si Charmaine ang secretary ng team leader nila. “We’re all in the conference room, in just a few minutes darating na si JMM.” Tinutukoy nito ang general manager nila.

Ang balita nito anak sya ng may-ari ng kompanya. Kakapromote lang as general director at kakabalik lang from his training sa New York. They’re throeing a welcome party for him.

“OK thanks Char, sunod na ako.”

“OK, mauna na po  ako.”

Inayos nya lang ang sarili pagkatapos ay sumunod na rin siya kay Charmaine.

***********************************************************************************************

 Maraming tao sa conference room. Andito halos lahat ng managers from all deparments-marketing, financing, accounting, advertising, design, etc.-Halos karamihan ay ngayon pa lang daw makikita ang boss. Hindi ito nakabase sa Philippines before.

Maya-maya pa ay pumasok  na ang iniintay nila kasama ng HR manager at ng isang lalake na hula niya ay assistant nito. Hindi nya kagad nakita ang mukha nito ng pumasok. Pero laking gulat nya ng ipinakilala na ito at nagsimulang magsalita. Familiar ito..hindi lang familiar kilala nya ito.

“Hi everyone!” masiglang bati nito. “I’am Juan Miguel Monticello and you can all address me as Migs...”

Migs…Yeah righ! This is all crap! What the heck?!

“As I said, no need for formality…”ngumiti ito. Shit! Sya talaga. Is this a dream? Nightmear perhaps.  Hindi nya na macatch up ang speech nito. Sobrang di sya makapaniwala sa mga nangyayari. Sobrang hindi nya inaasahan. What a life! “I am excited to work with all of you. So, I hope we could all have a good working relationship.” Sa direksyon nya ito nakatingin ng sinasabi nya iyon. OMG! Did he remember me?

“Yun lang for now… feel free to approach me anytime for any of your concerns …so enjoy the snacks guys.” Ngumiti ulit ito ng ubod ng tamis. Tapos ay tumingin na naman ito sa kanya. Di lang tingin titig. Shit! This is insane.

Di sya makapaniwala na magiging ganito kakumplikado ang lahat. Imagine, she had sex with her boss. Well, technically di naman nya alam na magiging boss nya to. Pero grabe! Sobrang malas nya. Iniisip nya na baka reincarnation sya ng isang masamang tao noong past life nya at ngayon sya pinaparusahan ng ganito. Ang saklap!

Napatingin sya sa direksyon ng boss nya. Damn! Nakatingin din ito sa kanya at nginitian pa sya. Ngiting may ibig sabihin. Tipong I-know-what-you-did-last-summer-kind of smile. Iniwas nya ang tingin dito. At lumipat sa pwesto na medyo tago, tipong di nya makikita ang anino nito.

Nagpasya syang umalis na lang sa welcome party nayun. She can’t endure it anymore.  Hinanap nya ang team leader nila at nagpaalam na uuwi na lang sya dahil di maganda ang pakiramdam nya, which is partly true. Pasimple syang lumabas tinungo ang work room at kinuha ang bag nya.

To the maximum level na ang anxiety niya. Sabayan pa ng hindi magandang pakiramdam, talagang feeling nya ay magcocollapse na sya. She needs air. Dali-dali nyang pinress ang elevator papuntang carpark pero wala pang 3 segundo ay nagbukas ulit ito. Laking gulat nya ng pag-angat ng mukha niya ay nakita nya sa harapan ang nakangising mukha ni Migs. Nakatitig ito sa kanya na parang tutunawin sya.

“Oh…looks like someone’s running away from all the fun…” he said. “Mind if I run away with you?” He continued.

She didn’t respond. Hindi nya alam kung paano nya ito kakausapin o papakitunguhan. Magtataray ba sya like the last time. Parang wala syang energy for that. This is too much for her to handle. The past few days were not good for here and this day is the worst. Parang she’s running out of oxygen. She can’t hold on anymore. Her body gave in to stress. Wala na syang lakas.

Naramdman na lang nya ang tuhod na bumigay. And all became blurry…

*****************************************************************************************************

Hey guys,

Eto muna for now a...I'm about to finish the next chapter....so i'll post it as soon as I can...

Medyo madami pa twist and turns ang story but you know... asa mind ko pa lahat yun... Isusulat ko pa lang..hehe!

PLEASE continue reading, VOTE, COMMENT, and RECOMMEND....but only if you think the story deserves it..hehe

Love lots,

a_Dreamer

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon