Chapter 15

305 7 3
                                    

Chapter  15

Alas otso y media na, wala pa din si Nica.

Twice na to ah… next time nga kapag may ganitong lakad susunduin na nya! Mahirap bang humanap ng cab?

More than 10x na nya tong tinatawagan, out of reach, nakakahiya kina Andy at Cheska. Actually, medyo hesitant din syang iinvite ito nun una, nag-insist lang talaga si Cheska. Nakwento kasi ni Andy na may girlfriend na nga sya kaya naman ng tinawagan sya ni Cheska para magset daw sila ng dinner para ma-meet si Nica. Lahat na ng alibi sinabi nya pero di umubra. Pati si Andy di sya tinulungan.

“Bro, why did you tell her? You know how she is?”

“Hindi ko naman sinabi lahat bahala ka na lumusot kay Ches…ok yan ng maguilty ka lalo.”

“Here we go again…tsktsk…”

“Bro, you know that I’m against your plans. Pasalamat ka di ko kinuwento yun kay Ches kundi pati sa Mama mo magkakaprobema ka.”

“Hayyy…bro, I know what I’m doing, di naman maaagrabyado si Nica e.”

“How sure are you?” Nagbuntong hininga ito. Sobrang rinig nya ang inis sa boses nito. “I shouldn’t have told you that…”

“Bro, just trust me on this…”He’s pleading. “And please, keep Cheska away from this…I appreciate all of your concerns pero please…ayaw ko magulo lahat ng plans ko.”

“Dati concern ako sayo bro…but now…I don’t think so…kung sabi mong di naman fake yung relationship nyo at pumayag sya talaga…why’d you have to worry about my wife…you can handle this.”

Hay!

Alam nya naman na concern lang ang mga kaibigan, ever since, pero alam naman nya ang ginagawa. At isa pa, iniiwasan naman nyang masaktan si Nica.

Sa wakas after like a hundred attemps, nagring din ang phone ni Nica pero naputol din kagad. Nireject yung call nya.

Whoah! Great! Are you really testing my patience? Asar na sabi nya sa sarili.

Biglang nagtext si Nica.

Dead batt ako kanina. Kaka-on ko lang ng phone ko and ngayon ko lang nabasa ang text mo. Can’t make it. I’m out of town…pakisabi na lang sa friends mo sorry. Next time na lang.

Out of town? Bakit di nagpaalam sa kanya. Nagtext back sya.

Out of town? Where? Bakit di ka nagpaalam sa akin.

She replied.

Kelangan ba? Anyway, dead batt na talaga ko. Sige.

This woman! Tsk tsk. I’ll deal with you later. Bumalik na sya sa table.

“O, did you reached her? San na daw sya?” Tanong ni Cheska.

“Guys, sorry she can’t make it.” Napakamot sya sa ulo nya. “She’s out of town pala, di nya nabasa earlier yung message ko.”

“You don’t know she’s out of town?” tanong ni Cheska umiiling-iling pa ito.

“May be he don’t care at all…”Pabiro pero makahulugang sabi ni Andy.

“Hey! You too…issue kayo..bago pa lang kami…sabi ko naman sayo Cheska, she’s busy..she wants me to apologize..bawi na lang daw sya…intindihin nyo naman girlfriend ko.”

“Sayang naman, gusto ko pa naman syang makita. You know, I’m curious ano ang nagustuhan mo sa kanya para magmove on kay Elise. She must be something.” Sabi nito habang nagtitingin ng menu.

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon