Chapter 11

266 4 2
                                    

Hey guys,

So sorry, wasn't able to upload last week...i'm quite busy with some stuffs...hehe...

anyway, enjoy reading these chaps...

And please comment, vote, and recommend..;p

love lots,

a_Dreamer

*********************************************************************************************************

Chapter 11

“Awwww! Arayyyyy! Ang sakit a…” Nagrereklamong nyang sabi kay Reese.

Hindi na nya kinakaya ang mga nanyayari kelangan nyang sabihin kay Reese. Wala syang detalyeng namissed dahil sobrang galing magpaamin nito. Noong una ay ayaw pa nyang sabihin ang tungkol sa Bora pero sabi ni Reese mukhang kulang daw yung info na sinasabi nya, mukhang may di ito sinasabi.

Wala syang nagawa kundi ang sabihin dito. Nabatukan tuloy siya.

“Hoy! Magtigil ka dyan…technically ay ate mo ako noh…dapat lang yan sayo…isa pa…” Binatukan pa sya ulet.

“Uy, nakakadalawa ka na ah…Hindi yung sister-in-law ang kelangan ko ngayon yung friend ko…at saka kaw kala mo naman hindi nyo ginawa ng kuya ko yun before…”

“Uyyy! Wala kang galang ah…” Kunyari ay galit nitong sabi. “Boyfriend ko naman yung kuya mo nun noh! Hmp!”

“OO na…sorry! Alam ko naman e…alam ko din na di ako nag-isip nun…pero naman di ko naman akalain na guguluhin nya ako ngayon…may pasabi-sabi pa syang professional sya. HAyyyyyyyyyy!!!!” She sighed.

“Sis, baka naman type ka nun talaga…Gwapo naman di ba?”

“Hmmm..oo naman..”

“Hot…maganda ba katawan…good kisser?”

“Hey…stop that!” Saway niya.

“Mayaman naman, galing sa magandang family…try mo lang baka naman sya lang yun iniintay mo at saka para magkaboyfriend ka na ulet…malapit ka na mawala sa kalendaryo o…sayang!” Hindi nagpaawat sa paghirit sa kanya si Reese.

“Hey, if you don’t stop that non-sense…ikaw babatukan ko dyan…”naiinis na sabi nya.

Natawa lang ito tapos biglang nagseryoso.

“Seriously…baka naman gusto ka nya talaga…why not try to know him better and give him a chance.”

“I don’t know…I have a bad feeling about it..His trying to use his power over me e…”

“Sinasabi nya lang siguro yun.”

“Hay…Ewan..”

Biglang nag-ring ang phone nya. Unknown number.

“Hello?”

Why are you not in the office yet? I thought ipa-polish mo yung collection for the show…It’ll be 2 days from now? May pagkabossy sabi ng kausap nya. Malamang bossy talaga kasi ito ang boss nila… si Migs. Boses pa lang alam na nya. Hay naku! Flexible time kaya ang sched ko at isa pa technically OT to no...Saturday kaya at alas 9 pa lang ng umaga…kaasar talaga tong lalaking to…bad trip!

“I’m still at home…I’ll be leaving in a few, sir…sorry” pero ang totoo ay nasa malapit na coffee shop sya. Nag-usap sila ni Reese na magkikita sila for breakfast without his brother.

“Okay! I’ll pick you up…let’s have breakfast…”

“I just had breakfast and I can manage on my own. Papunta na po ako…sige.” And with she hang up on him.

Nakasimangot na sya after. Ibig sabihin pala papasok din ito ngayong Saturday. Napersistent talaga nitong manggulo. More than 3 weeks na nya itong ginagawa, grabe! Iniiwasan nya nga ito sa office e… Lalo na ngayon na may mga naririnig syang gossips about her. Yung iba okay naman…yung iba hindi, kesyo nagpapakita daw sya ng motibo sa boss. May ibang nagsasabi na inappropriate daw yung ligawan ng boss at employee…pero sa team nya tuwang-tuwa ang mga ito paano halos araw-araw na may pagkain. Sabi pa sagutin na daw nya. Anu ba naman yun…Minsan kahit ayaw nya kasi naiilang sya e wala syang magawa kundi sumama dito magdinner, maglunch, or mag-snacks…mapilit talaga ang gago...wala na sya peace of mind.

“Sis, sino yun, yung manliligaw mo?”

Sumimangot sya dito.

“Hay, sis, you think about it..naibigay mo naman na sa kanya, why not to open up and try to give him your heart as well.” Meaningful na sabi nito sa kanya.

Kung iisipin nya alam nya na may posibilidad…No! make that sure sya na attractd sya dito physically. Gaya nga ng sinabi ni Migs sa kanya “we have chemistry…and we can not have that chemistry if we don’t like each other…at least physically”. Pero natatakot sya, hindi nya alam kung bakit. Parang natatakot syang mainlove kay Migs.

***********************************************************************************************************

“These looks good. Did you already did the fitting?” Tanong ni Migs. Kasama nito si Manager Lee. Tinitignana ang final na collection for the show.

“It’ll be tomorrow morning?” Sagot nya.

“How about the accessories, jewelries?”

“All set, sir.”

At least professional sya sa ganitong pagkakataon. Strict kapag work.

“Great.”

“Manager Lee, make sure everythings perfect. The president will come…with some very important client…there should be no room for error.” Sabay tingin nito sa kanya.

“We’ll do our best, sir.”

“Good.”

Tapos ay umalis na ito sa working room. Naiwan sila ni Manager Lee.

“Nica, let’s hope everything will be a success.” Sabi nito, He patted her shoulder.

Gusto nya si Manager Lee. He’s gay, pero hindi atribidang bading. Napakabait nito sa kanya. Fashion designer din ito gaya nya at stylist. Super natutuwa sya dito at sa mga kwento nito tungkol sa mga bansang napuntahan nya because of designing at sa mga importanteng tao na nameet nya. Na-iinspire sya. Ito ang masasabi nyang mentor niya.

“Yup, let’s keep our fingers cross po…”

“Lalo na, it’ll be beneficial for you…automatically, no questions you’ll handle the Singapore project…I know na nasabi ko na sayo na I’ll give it to you pero…kasi naman, medyo iniisip pa ni Sir Migs, if you’re ready for that…baka daw di mo kayanin ang pressure e huge deal is at stake…concern daw sya na baka you still need more experience before naten ilabas ang talent mo outside the country.”

“Ganun po ba?”

“OO, actually, he is eyeing to pirate someone from BenShoppe, he’s really good daw…ayun, sayang kung hindi ka makukuha for that, alam mo naman na yung benefits kung magiging  okay yung project di ba…you’ll be staying for 2months in Paris for training…so dear, let’s pray for this.”

Nangiti na lang sya.  

“Pero at least di nya pinaghahalo ang personal sa professional life di ba…” Makahulugan na sabi nito.

Half-smile lang sya. Professional? Di pinaghahalo ang personal sa professional life?!! Kung alam nyo lang po. Gagawin talaga ni Migs lahat para mapa-OO sya. Talagang seseryosohin nito ang blackmail nito sa kanya a. Kapag naging successful ang event tapos hinarang pa din ni Migs ang paghawak nya sa project sasamain talaga yung bwisit na yun sa kanya. Hay!

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon