Sorry Meg nalate ako dumating may ginawa pa kasi kaming project ikaw nalang ba naiwan dito?
Okay lang ako Liam.... natapos niyo ba project niyo gusto mo tumulong ako? Ano bang subject yan?
Hindi ok na Meg patapos narin namin..so ano hatid na kita sa inyo?
Boyfriend ko si Liam. Mag aapat na buwan na kami at mahal na mahal ko siya. Lahat ng assignment nya ako nalang gumagawa kasi hindi ko alam bakit ang dami nilang group project pero never pa niya ako sinama sa paggawa nila ng mga project. Pati mga kaklase niya hindi ko pa nakikilala ng husto di naman kasi siya nagkukuwento tungkol sa mga iyon. Hindi kami magkaklase pero parehas kaming 1st year dito sa Dreamhigh College.
Everyday hinahatid niya ako sa amin. Pero ewan ko kung bakit never pa kami nagdate nun! Haha ang arte ko ba? wala lang syempre sa isang relasyon importante rin mga date diba?
Nagmamadali si LIam na ihatid ako sa bahay sabi niya babalik pa raw kasi siya sa mga kaklase niya para sa project nila. Naiintindihan ko naman siya.. syempre project yun importante yun. Pagbaba ko sa kotse nagpaalam na siya at mabilis na umalis.
Pagpasok ko sa bahay nakabihis si mama at mga kapatid ko.
Meg bilisan mo magbihis ka magdidiner daw tayo.. sabi ni Mama
Ma? magdiidner? akala ko ba dapat nagtitipid tayo dahil mahal tuition ko sa school?
Dumating tito Rodney mo galing Saudi ililibre daw tayo..
Hay naku si tito Rodney.. yung bagong boyfriend ng nanay ko! kasi naman e iniwan pa kami ni Papa yan tuloy naghahanap si Mama ng bagong kalandian! Nakilala siya ni Mama sa facebook nakakainis lang talaga... mukha naman siyang mabait lagi pa nga kaming pinapadalhan ng package pati siya rin nagpapaaral sa 4 kong kapatid kaya si Mama ako lang pinag gagastusan. Pero diba? ang akward kaya tapos english speaking pa nakaka nosebleed!
Wala akong choice so yun nagbihis na ako at sumama sa dinner with that Saudi Arabian na ewan...
Meg! Bilisan mo andito na yung kotse!
Wow may kotse pa! Sosyal ng Rodney na iyun ah...
Paglabas ko grabe ang gara ng kotse.. parang limousine ang ganda talaga... Naku! Nakajackpot pala talaga sa kanya si Mama pero nandidiri parin ako hahahaha
Pagsakay namin sa kotse nakakatakot upuan sa sobrang linis tapos ang ginaw pa sa loob
Good evening! biglang may malakas na buong boses ang nagsalita.... si tito Rodney
So you're Megan? You're pretty too like your Mom... wow nambola pa to alam ko naman yan!
So yun habang papunta sa kung saang lupalop man kami magdiidiner sila lang ni Mama nag-uusap. Kinakausap rin niya kami ng mga kapatid ko pero ako mabilis lang ako sasagot tapos yun tatahimik nalang ako
Mga 30 mins lang dumating na kami sa isang restaurant na sobrang laki. Pang mayaman lang ata kumakain dito buti nalang sinuot ko itong dress na parang pangmayaman pero sa Divisoria lang talaga namin binili.
Sobrang ganda sa loob may mga fountain pa tpos buffet pa pala! Yung mga upuan din pangmayaman as in sa palabas ko lang napapanood mga ito.
Good Evening Sir Maam do you have any reservations? tanong nung babae pagpasok namin
Yes.. I reserved a table for 7, I'm Mr. Rodney Ibrahim
Oh this way sir
Pinaupo na kami at kami ng mga kapatid ko manghang-mangha parin sa ganda ng lugar
So why don't we start eating come!
Pinauna ko na sina Mama na kumuha ng pagkain pagdating nila ako naman kumuha kasama ko isang kapatid ko
Grabe talaga! Pati mga pagkain pang sosyal e nakakahiya kumuha baka sabihin nila ngayon lang ako nakakain ng mga ganito.. pero totoo naman e nababa ko lang mga to sa internet
Habang kumukuha ako may narinig akong familiar voice... pti tawa familiar e so tumingin ako sa likod ko kasi syempre dun ko naririnig. Pag tingin ko.. jfbwdsbaliucwehbc si Liam!
PROJECT PALA HA!? AT MAY KASAMA PA SIYANG BABAE.. kaya pala nagmamadali siyang ihatid ako may date siya! Gago lang niya pinagsasabay niya kami... Niloloko lang pala niya ako! Guso ko sana silang lapitan.. sampalin si Liam pati yung babaeng kasama niya tapos pag-untugin silang dalawa kaso ayoko naman dito sa lugar na ito.. pati isa pa hindi alam ni Mama na may boyfriend ako
Sa sobrang inis ko bumalik na ako sa upuan muntikan ko pa maiwan kapatid ko
Buti nalang medyo malayo upuan namin sa kanila at nakatalikod siya sa akin. Sa buong dinner naming iyon tinititigan ko lang silang dalawa..
Nakakainis talaga! Grabe pa sila maglandian.. samantalang kami ni Liam hindi pa kami nagdadate.. at dito pa talaga sila nagdate sa mamahaling restaurant na ito! Mukha ring bitch nung girl sobrang ikling dress nya kasya pa ata yun sa kapatid kong 8 years old tpos kung makapag make-up ah wagas
Pero wait dahil edukada akong tao dapat di ako basta-basta mag judge.. iniisip ko baka kapatid niya or what kaya nung tumayo yung girl pumuntang cr sinundan ko siya.
Pagpasok ko sa cr naglilipstick sya so kunwari maghuhugas lang ako ng kamay
Hi! sabi ko ng naka smile..
Oh Hi!...sabi niya... K! edi siya na may maangas na accent
Tinititigan ko lang siya habang naghuhugas
Hey the water will spill na.. sabi niya sa akin
Ay! oo nga sa sobrang titig ko sa kanya at sa sobrang lakas ng faucet mag ooverflow na yung tubig
Walang nagsasalita sa amin so I started the convo
Kasama mo family mo?
Uhmm.. nope I'm with a special guy in my life
Special guy.. baka kapatid nga ito ni Liam
Oh.. really? With your brother?
No.. no.. with my boyfriend sabay ngiti sa akin.. anyway gotta go nice meeting you
WHAT THE FUCK! BOYFRIEND DAW! Di niya ata alam na girlfriend din ako ng boyfriend na sinasabi niya!
Paglabas ko ng cr nakitananaman niya ako.. ni girl
Nag sign siya sa akin na tinuturo si Liam.. wow ah parang feeling close agad sa akin or baka alam niyang girlfriend din ako ng boyfriend daw niya... bigalang humarap sa akin sI Liam! Tinitigan ko siya tapos siya naman gulat na gulat na andun ako
Pagkaupo ko dali-dali niyang hiningi yung bill nila tapos umalis nalang bigla...
So ganun pala.. niloloko niya ako.. yung bitch na girl na yun yung sinasabi niyang project nila? Ang galing naman tao pala ang pinapagawa sa project nila...
Hiningi narin ni Tito Rodney yung bill namin at pagtingin ko grabe! 600 pesos per head pala dito.. ang swerte naman nung girl dito siya dinala ni Liam..
Habang pauwi na kami tinext ko si Liam sabi ko MAGKITA TAYO BUKAS AFTER CLASS EXPLAIN MO SA AKIN SAANG SUBJECT YUNG PROJECT MONG IYON KANINA!
BINABASA MO ANG
3 Months with Mr. Sungit
RomancePaano kung gusto mo gumanti pero ikaw rin napahamak sa pagganti mo?