Hay..asan ka na ba prince charming ko? Bilisan mo na halikan mo na ako dito. Nakahiga ako sa higaan na puno ng bulaklak tapos ang cool lang nakasuot ako ng damit ni snow white. As in kamukhang kamukha ko.. may headband na red, pati damit niya kuhang-kuha ko.
Ang tagal kong hinihintay yung maghahalik sa akin.. syempre diba hinalikan si Snow White para magising siya..
Biglang may narinig akong naglalakad papunta sa akin.. OMG yung prince charming ko na ata..
So Inayos ko sarili ko kasi baka pag nakita niya ako mandiri siya sa akin at umalis.. ang tagal maghintay dito sa gubat na to.
Binasa ko labi ko, nagretouch ako ng red kong liptick, inayos ko damit ko pati yung unan na hinihigaan ko. Kinuha ko rin yung perfume ko at naglagay.. sabay higa na ulit ako sa kama nanakapikit at syempre naka smile rin ako.
Habang nakapikit naririnig ko na malapit na yung prince charming ko sa akin. Umupo siya sa tabi ko at hinaplos ang buhok ko...
OMG OMG bilisan mo na dali halikan mo na ako para happy happy na.. Happy Ending...
Inangat niya ako papalapit sa kanya sabay hinalikan ako...
Nahalikan na ako kaya dinilat ko na mata ko.. kunwari nagising na ako sa halik niya pero ang totoo kanina pa ako gising nagkukunwari lang akong tulog.
Pagdilat ko.......
AAAAAHHHHHHH
Si Bryan! Yung kaklase kong may gusto sa akin na kahit kailan DI KO MAGUGUSTUHAN...
Kadiri kaya! Mukha siyang isda! Ang laki ng labi niya tapos kapag nagsasalita tumatalsik pa yung laway! UGH kadiri talaga
KADIRIIIIII!!! UUGGGHHHHHH!
_________________________________________________________________________
MS. SANTA MARIA!! GUMISING KA NGA DIYAN! TULOG KA NANAMAN SA KLASE KO!
Ay hala buti nalang panaginip lang iyon. Nakatulog nanaman ako... ang boring kasi ng Literature class ko ang hahaba pa ng stories nakakawalang ganang basahin.
Bakit kasi hindi nalang mga fairytale stories andbasahin namin.. sila Snow White, Sleeping Beauty, Cinderella... e di sana gising na gising ako..
O kaya bakit hindi nalang namin basahin yung buhay ni Zac Efron! Shet crush na crush ko yun ang gwapo niya!
Paggising ko nakataob ulo ko sa mesa.. Pagtaas ko ng ulo ko nakita ko nakatingin sa akin lahat ng kaklase ko...
Nakakahiya.. bka naririnig nila kanina yung mga sinabi ko sa panaginip ko... NAKAKAHIYA KA TALAGA MEGAN
Pagtingin ko sa gilid ko nakita ko si Bryan. Naku nalaman na ata niyang single ako kaya ako nanaman pinupunterya... yuck yuck..
Kumindat sa akin sabay nguso... EWW YUCK TALAGA... PARANG SI FLAPPY BIRD LANG..SARAP PALUIN NG PIPE!
Ms. Santa Maria halos araw-araw ka nang natutulog sa klase ko ah... sabihin mo lang kung gusto mo nang idrop itong subject ko dahil ayoko ng istudyanteng tulog ng tulog!
Sorry po sir.. ANG BORING PO KASI NG KLASE NIYO! KAYO NALANG PO SANA MAGDROP!
Joke lang hindi ko sinabi iyon nag sorry lang ako...
Okay class let's continue discussing Illiad....
Hay Kainis talaga ang haba-haba kaya ng Illiad tapos gusto niya idiscuss per line.. kamusta naman matatapos kami neto next year pa!
Kunwari nalang nakikinig ako pero iniimagine ko talaga yung prince charming ko.... Kaso unang naisip ko si Liam... pero ayoko na gusto ko na talaga siyang kalimutan! HIndi siya bagay maging prince charming ko! siya nalang yung kabayo na sasakyan ng prince ko... Basta iniimagine ko nalang na prince charming ko matangakd.. maputi.. gwapo... maganda katawan.. magaling kumanta... tapos hahaplos-haplusin niya buhok ko.. tapos magtititigan kami sabay sasabihin ko...
BINABASA MO ANG
3 Months with Mr. Sungit
RomancePaano kung gusto mo gumanti pero ikaw rin napahamak sa pagganti mo?