Makikipag break na ba ako kay Liam? Feel ko kasi matagal na niya akong niloloko. 5th monthsary pa naman namin ngayon pero... hindi ko talaga alam.
Tinext ko ulit si Liam na magkita kami ngayon... gusto ko lang talagang malaman yung totoo
Nagvibrate phone ko at nabasa ko text ni Liam
Malapit na ako Meg.... sabi niya sa text. Ilang minuto lang dumating na siya na may dala pang bulaklak at lobo. Sa 5 buwan na naging kami ngayon lang niya ginawa to. Pero ano? para makalimutan ko yung nangyari kagabi?
Meg happy monthsary! sabi niya biglang niyakap ako
Nagulat talaga ako parang ewan si Liam... ano to effect ng nakain niya kagabi or what?
Hinayaan ko lang siyang yakapin niya ako pero di ko siya niyakap pabalik.
Di mo ba nagustuhan Meg?
Sino yung kasama mo kagabi?
Ahh yun kalimutan .....
Di ko siya pinatapos magsalita
Kalimutan ko yung kagabi? Akala ko ba gagawa pa kayo ng project? Yun ba yung project niyo?
Di siya makatingin sa akin
Meg wala lang iyon kalimutan mo na iyon
Anong kalimutan? Nakausap ko yung babaeng iyon sa cr sabi niya boyfriend ka niya!
Ako boyfriend niya? Huwag ka nagpapaniwala sa kanya
Liam sagutin mo nga ako kelan mo pa ako niloloko?
Meg, sabi ko sayo kalimutan mo na iyon..sa kanya ka pa ba maniniwala eh kagabi mo lang siya nakita?
Yun na nga e.. kagabi ko lang siya nakita.. So it means na tinatago niyo sa akin relasyon niyong dalawa!
SIGE KUNG YUN ANG PINAPANIWALAAN MO! MAGBREAK NA TAYO!
So ganun ganun lang iyon ha Liam? Matapos lahat ng ginawa ko sa iyo?
PWEDE BA TUMAHIMIK KA NA! Tapusin na natin to! Oo totoo nga girlfriend ko siya anong magagawa mo eh hindi naman talaga kita minahal e! Matagal ko na kayong pinagsasabay!
Parang sinapak ako ng ilang beses pagkasabi niya non...
Diba gusto mo naman malaman yung totoo? Di kita mahal.. never kita manahal.. ginamit lang kita!
Thank you nga pala sa paggawa mo sa mga homeworks ko dahil sa iyo nakakapagdate kami ng totoong mahal ko!
Naiyak na talaga ako sa mga sinabi ni Liam..
Ang sama sama mong tao! sabay sinampal ko siya.. ito na ata pinaka malakas na sampal na ginawa ko.. syempre siya palang naman nasasampal ko..
Pagkaalis ni Liam di ko alam anong gagawin ko..hindi ako pwedeng umuwi na umiiyak ako dahil makikita ako ni mama.
Biglang naisip ko siguro tama na rin tong relasyon namin. Kung binigyan ko pa siya ngpagkakataon tatagal lang ang panloloko niya sa akin.
Inis na inis talaga ako sa kanya kaya naisip ko kailangan ko siyang gantihan sa lahat ng sakit na pinadama niya sa akin.
Hindi ko alam kung paano pero kailangan masaktan din siya. Kung pwede ko lang siya mapatay.. pero ayoko magkasala.
Eh kung lasunin ko kaya? Kaso hindi talaga pwede baka mamatay siya.. ayokong mapunta sa impyerno.
Pwede ring susunugin ko bahay nila.. kaso madadamay mga magulang at kapatid niya pati hindi naman ako ganun kasama.
Ah! Alam ko na!
BINABASA MO ANG
3 Months with Mr. Sungit
RomancePaano kung gusto mo gumanti pero ikaw rin napahamak sa pagganti mo?