꧁※ 1꧂

59.4K 1K 62
                                    

Third Person's POV

"Nandiyaan siya sa gilid! Habulin niyo!". Saad ng isang lalaking nakahawak ng mikropono at titig na titig sa telebisyong nasa unahan niya. Sinusundan niya ng tingin ang babaeng naka itim lahat, na nag tatalon-talon sa paligid habang habol-habol ng sandamakmak na tao.

"Pota! Bilisan niyo baka makawala pa!". Galit niyang saad habang hampas ng hampas sa lamesa. Gigil na gigil siya dahil sa napakawalang kwentang mga tauhan na hinabol ang babae.

"Kapitan! Tang ina! Nawala!" Sabi ng lalaki, na nadinig naman ng Kapitan—kuno nila. Hingal na hingal ang lalaki habang takbo lang ng takbo.

"Mga bobo! Hanapin niyo! Baka nasa gilid-gilid lang 'yang babaeng 'yan!" Saad ng kapitan habang gigil na gigil na gilitan ng leeg ang mga lalaki.

"Hindi 'yon makakalayo! Madami na 'yong sugat!" Sabi ng isang lalaki habang may dalang flashlight.

Habang nagbibigay ng direksyon ang kapitan sa tauhan niya. Tumunog naman ng napakalakas ang alarm. Nagsasaad na may nangyaring maganda.

"Kapitan! Team A ito. Napatay na namin ang demonyita!" Masayang saad nito na nasa kabilang baryo pa.

"Paano kayo nakakasiguro!?" Sigaw ng kapitan na ang dahilan kung bakit napapikit ang mga tauhan niya.

"Kami po nak-" Hindi natapos sabihin ng lalaki ang dahilan dahil ang lahat ng telebisyon ay nag block out at napalitan ito ng mukha ng Boss nila.

"Napakahusay! Magaling-magaling. Ang masasabi ko lang ay 'Mission Success'!". Sabi ng boss habang diniinan ang huling kataga. Napangisi naman ang kapitan at sigurado siya ang tauhan din niya. Dahil dito magiging mayaman na sila.

Ang misyon nila ay protektahan ang pamilyang Larco na naka unang black list sa listahan ng mga Mafia Org. Ang nataasang pumatay sa pamilyang Larco ay ang Black Priestess o kilala sa tawag na Blatess. Walang nakakilanlan sa kaniya kundi ang kanyang pamilya lamang. Makilala mo lang siya dahil sa mask niyang nakangising parang Chesire Cat, at imbis na latigo ang kanyang armas, isa itong kadena at ang dulo nito ay isang arrow na kapag natamaan ka agad kang mamamatay dahil may lasong nandoon.

Sa kabilang paning ng babae...

"Muntikan na 'yon!" saad niya habang hingal na hingal sa kakatakbo. Naisahan niya ang mga kumag na humahabol sa kanya at dahil iyon sa kanyang kapatid na nakaback-up. Kung akala nilang napatay na nila ang demonyita. Nagkakamali sila dahil isa lang iyong dummy na inihagis ng kanyang kapatid para masasabi nilang patay na.

Kahit ipa DNA nila 'yon malalaman talaga nilang patay na dahil may dugo iyon ng babae na ipinasok ng kanyang kapatid sa tulong ng kanilang mga siyentista.

"Okay ka lang ba?" Tanong ng kanyang kapatid noong nakalapit na siya sa kinaroroonan nila.

"R, bilisan natin!" tawag ng isang babae sa kapatid niya na nandoon sa loob ng van.

"Dali!" Saad ng kanyang kapatid pero bago pa man siya makapagsalita napabagsak siya sa mga bisig ng kanyang kapatid.

"Bunso! Bunso!" Tapik-tapik niyang tinawag ang bunsong nasa mga bisig niya.

"R! There's no more time!" Sabi ng babaeng nasa sasakyan kaya kinarga niya ang kanyang bunso na pinang bagong kasal. Tumakbo ito palapit sa van at nakasakay naman kaagad sila.

Kahit napatay niya ang pamilyang Larco hindi niya naiwasang takbuhan ang isa sa mga tauhan nito, dahil may i-n-inject ito sa kaniya at ito ang dahilan kung bakit bumagsak siya sa mga bisig ng kanyang kapatid.

Nabigyan naman siya ng paunang lunas dahil doktor ang babaeng kasama ng kanyang kapatid. Dadalhin sana siya sa kanilang mansyon para gamutin pero wala ng oras kaya doon nalang sa pribadong ospital siya dinala. Nag pull stop muna sila dahil binihisan pa nang babae si Blatess upang walang makakilanlan sa kanya pagpasok ng ospital.

Stupid InjectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon