꧁※ 36꧂

17.3K 391 13
                                    

Asereath's POV

Paligoy-ligoy ako ngayon dito sa Mansion ng Zoroa habang hawak-hawak ko ang tiyan na mukhang puputok na.

Tiningnan ko lang ang disenyo sa mansion. Spider, Bat, Spider Web at putol na ulo ang disenyo. Today is Halloween and sa pagkakaalam ko magse-celebrate ang mga kilala nila dito.

Wala si Zid kasi inutusan kong bumili ng Chuckie. Na out of stock kasi kami dito. And si daddy-ama niya-nasa trabaho naman. So in short, ako at ang mga maid lang ang nandito. Yung mga trabahante naman nasa baba.

This mansion is hella big, mas malaki pa sa amin. I think? Nah, mas malaki pa siguro sa amin.

I stop for a moment kasi pumatid na naman ang anak ko. I smiled.

"You kid" Wika ko at hinaplos ang tiyan.

Bigla nalang naman akong napaiktad ng bumukas ng napakalakas ang pintuan.

I saw someone's silhoutte.

"Oh, my, my.."

Kumunot ang nuo ko. Inihanda ko na ang sarili ko.

Bigla naman akong nanigas ng may tao sa likod ko. Fuck! I didn't sense it. Mabuti nalang at mabilis ang reflexes ko. Agad akong lumayo doon at tumitig sa?

Ka edad lang ata ng ermats ko.

"Ohh, myy!" Tili nito at agad na yumakap sa akin.

I groan.

"Sino ka?" Tinitigan ko siya ng maigi. She looks familiar. I think I've seen her somewhere.

"Oh my. That dimwit" I heard the woman infront me whisper habang hinihilot ang sentido.

"Ma'am Aser-" Hindi natapos yung babae na lumapit sa akin at agad siyang tumingin sa babae na nasa harap ko. She looks shocked. "-My, My Lady" Then she bows.

Kumunot na talaga ng kumunot ang nuo ko.

Ngumiti lang ang babae na nasa harap ko at bumalik ang tingin sa akin.

"Are you my son's, wife?" Son's? Oh shit!

"Ahh-sa tingin ko po" Punyeta ermats niya 'to! Kaya pala pamilyar sa'kin. Peste.

"Oh my, oh my, oh myyyy" Tili sa ermats ni Zid at agad siyang humawak sa tiyan ko. "Kick sweetie! Feel granny" At mukhang naintindihan iyan ng anak ko at pumatid din. Tumili na naman ang ermats ni Zid. Bagay talaga silang dalawa ni ermats ko. Tsk.

"You are?" Ngiting tanong niya sa akin.

Hindi ko pwedeng sabihin ang buong pangalan ko. Napakagat labi nalang ako. Bahala na si Tomi mamatay basta hindi ko sasabihin ang buong pangalan ko.

"Ase-"

Salamat naman.

"Aser, baby!" Saad ng isang matipunong lalaki. Na alam ko na kung sino.

Tumalikod ako at tumingin sa kaniya.

Tumakbo siya palapit sa akin at yumakap ng mahigpit! Hinalikan niya din ako sa leeg kaya napaiktad na naman ako.

"Sorry, I'm la-Mama!" Malalaking matang sabi niya. Bigla naman siyang namutla. Wth?

"K. Where's your dad?" Taas kilay'ng tanong nito.

"Job?"

"K"

Nakita ko namang lumunok si Zid na para bang isang pakwan ang kinain niya. Tss.

"I'll go upstairs"

Naiwan naman kaming dalawa na nakatulala. Her mom's presence is so dangerous.

Stupid InjectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon