꧁※ 20꧂

19.3K 460 15
                                    

Asereath's POV

Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko ang isang lalaki na natutulog habang ang kamay ay nasa beywang ko.

Zid.

Tinitigan ko siya sa makakaya ko at mi-ni-morise ang mukha niya upang hindi ko malimutan.

WATDAPAK. ANO NA BANG NANGYAYARI SA AKIN. THIS IS BULLSHIT. FUCK. BAKIT HINDI KO ITO MAPIGILAN!

Lumunok ako habang maiging nakatitig pa din. Mukha na akong isang agila dito.

Shit. I really bet that my eyes are now red. Ito ang tinatago kong sikreto. Kapag may gusto ako or sobrang kilig na ang naidulot, hindi na makakayanan ng Eye-Tech na nasa mata ko dahil sa sobrang init. Kaya nga pag-galit ako pumupula ang mata ko dahil hindi na makakayanan ng Eye-Tech.

I close my eyes for a moment and when I open it.. I saw some eyes staring directly at me.

Lumunok ako at bumangon na.

Tumingin ako sa sahig at sinara ang mga mata ko upang mawala ang nararamdaman ko na kahit ako hindi ko alam.

“Good Morning, baby” He said while stretching his toned body and he yawns.

Tumingin ako sa kanya nang naka-kunot ang noo.

“What?” Takang tanong nito.

Umiling nalang ako at pinasadahan ng tingin ang paligid.

“Where's Tomi and Zord?” Tanong ko sa kanya habang tinatanggal ko ang braided-hair ko.

“Umuwi na sila kahapon. Hindi mo lang nakita kasi natutulog kana sa mga bisig ko.” Sabi niya at ngumisi nang nakakaloko.

Tumayo ako at pumunta sa may bintana. Binuksan ko iyon upang sana'y lumanghap nang sariwang hangin. Pero hindi eh, mga hangin na madumi ang nalanghap ko. Umirap ako at sinarado na iyon.

Walang kwenta.

“Kailan ba ako pwedeng lumabas dito?” Tanong ko sa kanya na abalang-abala sa pag-aayos ng higaan.

“Mamaya na, pagkatapos mong maligo.” Wika nito. Tumaas naman ang kilay ko. The heck? Ako maliligo? Ni wala nga akong damit.

“Are you nuts!? Wala akong dalang damit dito.” Batid ko habang naka pamewang.

“Binilhan kita kahapon” Wika nito at may ibinigay sa akin na isang brown bag. Lumapit ako sa kanya at kinuha iyon.

Binuksan ko iyon at nakita ang isang dress na black and yellow ang kulay. May nakita naman ako sa ilalim. Holy Fuck! Tumingin ako nang masama sa kanya.

“Just in case..” Sabi nito at mabilis na pumunta sa balcony at agad niya itong sinirado. Napa-iling naman ako. Takot ata.

Naligo na ako at nagbihis na. Isinuot ko ang binigay niyang underwear sa akin at kahit ni isa hindi siya nagkakamali, dahil talagang sakto na sakto ito sa akin. Pano niya ba alam ang size ko? Tsk tsk tsk. Noon pa ako nagtataka eh.

Lumabas na ako na bihis na bihis dahil gusto ko na talagang umuwi dahil namimiss ko ang mga chuckie ko.

“C'mon” Sabi niya at inalayan ako.

Pinaupo niya muna ako sa higaan at binigyan ng isang bowl ng utan.

“Andami mo nang sugat!” Singhap nito habang tinitingnan ang sugat ko sa leeg na nakuha ko sa kumidnap sa akin noon at sa balikat ko na may tama ng baril.

“Malayo naman ito sa bituka” Saad ko. Mukha na akong baboy dito dahil ang dumi na ng mukha ko. Agad ko namang pinunasan iyon dahil baka maramdaman ni Zid ang mask ko.

Stupid InjectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon