꧁※ 4꧂

24.4K 515 9
                                    

Acereath's POV

Damn that! Bakit ba kasi padalos ng padalos itong si bunso ayun tuloy!. Sasabihin ko ba 'to kila ermat at erpats?. Baka mapatay kami.

Wag na ngalang.

Nandito ako sa rooftop ng ospital na ito. Nagpapahangin para mabawasan ang galit ko. Tumayo ako at bumalik na sa room ng prinsesa ko at nakita kung pakanta-kanta ang gago kung kapatid ng True Colors malamang sa malamang Trolls 'yan. Pumunta ako sa ref at pagbukas ko. Hindi ko mapigilang ngumiti. So childish. Kumuha ako ng isa at umupo sa tabi ni R.

Narinig namin ang pag-ingay ng bells, hudyat na may pumasok sa loob. Nakita ko si Tomi bestfriend ng kapatid ko.

"Oh Kuya, nandito ka na pala" Bati nito sa akin. Ngumiti nalang ako.

Lumapit siya sa ref at kumuha ng isang chuckie. Tumingin siya sa akin at nag shh. Tumawa ako.

*KRING**KRINGG**KRINGGG*

"Excuse me" Sabi ni Tomi.

"What? Ano!? May nangyari kay ate Toni?" Sigaw nito. Napalingon naman ka-agad ako.

Ako na umiinom ng chuckie napa-tigil at si R na nanunuod napa-tigil din. Kapag si Toni na yang pinag-uusapan makikita niyo talaga kung sino ang tunay na ako. Tumayo ako at lumapit kay Tomi.

"What happen to Toni?" Niyugyog ko siya ng malakas.

"Ah wala, nanalo lang ang kanyang artwork kaya nahimatay" May nanunuksong sabi ni Tomi sa akin.

"Uyy, Ace nawo-worry" Halakhak ni R.

"Shut up! Asshole" Giit ko.

"Mygad! Urgent! Got to go mga Kuya" Nag bye si Tomi at lumabas na. Tumingin ako sa kawalan at pagbalik ng tingin ko kay R ngumisi ito.

"Gusto mong mamatay?"

"Maya na pag bf/gf na sina Branch at Poppy" Halakhak niya.

Gago ulol!

"Uuwi muna ako. Bantayan mo siya ng maigi R" Sabi ko at tango lang ang sagot ng gago.

NEXT DAY

Third Person's POV

Pumunta si Lord Zoroa kasama ang Dra. Papunta sa babaeng naturukan dahil sa pagkakamali.

"Eto po, Lord Zoroa. Room 6" Sabi ng doktora at tumingin si Lord Zoroa sa room number pero nakita ng Dra. na ito ay nagtaka.

"Anong 6? Kung 6 'yan bakit ang sunod 10?" Saad ni Lord Zoroa, habang tinuturo yung kasunid na room.

"Oo nga 'no. Kung gayon po mali ito?" Takang tanong ng Dra. dito. Napa-facepalm nalang si Lord Zoroa.

"Maling-mali!"

"Kung ganon po. You can punish me as much as you want. Nag dahil po sa akin nagkamali!" Pahingi ng pasensiya ng Dra. kay Lord Zoroa. Yumuko ito, pero agad ring nalatayo ng pinatayo siya ni Lord Zoroa.

"Nevermind. Mukhang may mabuting magagawa din ito. Ako na ang bahala" Sabi ni Lord Zoroa at pumasok sila sa room. Nakita niya ang pasiyente na nakaratay sa hospital bed at nakita niya ang isang taong natutulog sa sofa. Mahimbing ang pagkakatulog nito at naka-headset pa.

"Miss.. Miss" Ginalaw niya ang babae pero wala itong imik.

Si Dra. ay may nakitang isang dokumento kung saan sinasabi ang kahinatnan ng babae.

"Lord Zoroa. It seems the girl is in a coma" Saad nito upang dahilan mapatigil si Lord Zoroa sa kanyang ginagawa.

Napatingin si Lord Zoroa sa Dra.

Stupid InjectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon