Hoy notebook!
Hindi ko alam pero nasasaktan talaga ako. Friends lang diba? Sorry di ko mapigilan.
Alam ko naman na hindi ako maganda. Hindi rin ako matalino at mayaman. Pero bakit kailangan mong ipamukha sa akin yuuun. Bakit kailangan mong magpatulong sa akin para sya ang maging last dance mo? Why does it have to be her?
Akala ko ako na ang aayain mo. Kaya pala pagkaopen ko ng chat box nahulaan ko na ang magiging flow ng story e. Ako gusto ikaw. Ikaw gusto siya. Siya gusto ikaw. Ano ba ang role ko dito, kontrabida?
Napapansin ko din na lagi kang lumalapit sa akin dahil lang kailangan mo ako tuwing assignments, projects, at requirements. I want to hate you but my heart stops me from doing it. Sanay na ako. But you can't stop my tears from falling whenever you smile and I'm not the reason behind it.
I know you have a sense of humor.
But, please don't laugh off my feelings for you.
Sana makaramdam ka naman sa feelings ko kahit kaibigan lang ang turing mo sa akin.
NOTHISLASTDANCE