HOY NOTEBOOK!
Dedicated sa aking crazy sis!
Alam mo ba nakita ko yung dating nagkakagusto sa akin nung elementary.
May girlfriend na pala sya.
Natatawa ako.
Kasi naaalala ko pa noon lagi nya akong chinachat at sinasabing kita daw kami sa school nya.
Tapos, bukas birthday nung bestfriend nung ex-crush ko.
Noon kasi, dumadaan ako nun sa corridor tapos sinisitsitan nya ako. Edi ayun tinarayan ko.
Then nung uwian, magkatabi lang yung service namin tapos nginitian nya ako. Napansin ko nun cute pala sya. Pero syempre taas kilay muna tayo.
Yung service nya pa yun yung service ko the year before. Edi sana, nagkasabay kami kung di ako lumipat. Sayang!
Tapos may isa akong kaklase noon nagkagusto sakanya. Pero nung time na ito, di ko pa sya crush a.
Nung time kasi na yun nagvavolleyball sya tapos kaming magkakaklase nanonood non. Tapos napapansin na nilang laging nakatitig si Soo Hyun sa akin.
Edi yung nagkakacrush sa kanya na kaklase ko naggive way daw sakin. Tas ang naging crush nya yung best friend nalang ni Soo Hyun na si taec.
Tapos pag minsan na magkakatabi na naman yung service namin syempre nacoconcious na ako pag nanjan sya. Crush ko na sya nun e! Kaya lagi akong nagpapalusot na bibili muna ako sa canteen. Pero meron yung isang time nasa canteen ako nandun siya tapos pareho pa kami ng binili. Sobrang namumula na ako dun sa kilig!
Tas, every afternoon lagi silang nakaabang sa corridor para kantyawan lang kami.
Kaya minsan naghihintay nalang ako pag nagring na yung bell saka ako papasok sa class room.
Second section si Soo Hyun noon.
At take note sobrang suplado.
Though nung time na yun may nagkagusto sa akin from first, second, and third sections.
Sya pa din noon ang gusto ko.
I remember noon binilhan ko pa sya ng bracelet as a gift for his birthday.
Later on, naging kaclose ko na yung mga kabarkada nya.
Mukhang yung bestfriend niyang si Taec pa nga ang may gusto sa akin e.
Naalala ko binigyan ko pa si Taec ng picture ko.
Kaclose ko pa yung mga kuya ni Taec nya isama mo na rin yung mga girlfriend nung kuya nya. HAHAHA.
Pero NAGING EX NI SOO HYUN YUNG PINSAN KO.
