Kai

129 7 10
                                    

Ako si Kim Jongin.

But suzy calls me Kai.

Bestfriend ko si Suzy.

Kabirthday ko pa yung kapatid ni Suzy.

Manhid sya.

Alam kong may gusto sya kay Myungsoo. Nasasaktan ako tuwing nababanggit nya ang pangalan ng lalaking iyan. Kilala si Myungsoo sa pagiging playboy. At sa nakikita ko pinapaasa nya si Suzy.

Kaklase ko na si Myungsoo simula gradeschool. Pasaway na sya at loko loko simula noong bata. Kaya nga dapat mas maaga maprotektahan ko na si suzy sa sakit na idudulot ni myungsoo. Wala akong tiwala sakanya. Alam kong wala akong magagawa kung mahal talaga ni suzy. Pero base sa aking napapansin mukhang one-sided-love lang naman ang nagagnap. Kaya mas mapapadali sakin. Malaking gulo nga lang kung mali ang aking akala. Dahil Mahal ko na din yata si Suzy.

Sinong hindi mafafall sa kanya lagi ko na nga syang kasama napakasweet nya pa, mabait, makulit, kalog, Sya yung nagpapatawa samin pag stress kami. Pag wala na kaming energy magjojoke yan para magkaroon naman kami ng positive vibe.

Simula freshie kami magkaibigan na kami. Ako ang unang umapproach sakanya. Nung summer class namin nagpapapansin na ako sakanya. Natatalo nga nya ako sa top nung first year e. Pero nung 2nd at 3rd year lalo ko pang ginalingan kasi alam ko nasa ideal guy list nya ang lalaking matalino. Hindi naman ganun katalino si Myungsoo e wala nga sya sa top 15. Pero kung iisipin mo nga naman nasa Science High School kami kaya lahat naman siguro sa amin matalino.

Si Suzy hindi yan maarte. Genuine lagi ang mga ngiti at tawa nya. Maunawain yan at mapagbigay. Simple lang sya. Parang anghel talaga. Laging bukas ang bahay nya kapag may gagawin kami kahit hindi nga importanteng bagay okay lang na dun kami tumambay e.

Studious ako. Pero tuwing kasama ko si suzy ayos lang na hindi ako makapagreview at makipagkwentuhan nalang sakanya. Hindi ako nagsisisi sa mga ganung oras. Mas Masaya pa nga ako e.

Thoughtful din yan kapag may absent sa kaibigan nya lagi nyang sasabihin kung may requirement bang dapat naipasa the next day o kaya kung may importanteng bayarain at absent yung kaibigan nya sya nalang yung ako.

Mabilis din yang maging close sa isang tao. Madami yang kaibigan. Madami nga syang guy friend. Na minsan ikinaseselos ko din kahit wala akong karapatan. Kahit nerd akong tignan alam ko din naman kung papaano ang magmahal.

Siguro hindi na ako matatapos kung iisahin ko pa kung anong nagustuhan ko sakanya. Pero kung tatanungin mo ako kung paano ko sya minahal? Hindi ko yan masasagot kasi hindi ko alam ang sagot. Kasi naramdaman ko nalang iyon.

Akala ng mga higher years noon kami. Lagi kasi kaming magkasama na halos magkapalit na kami ng mukha. How I wish totoo nalang yun. Pero mukhang walang pag-asa e.

Matampuhin rin sya. Mablis magtampo ito e. Pero ayos lang cute padin sya kahit anong mangyari. Day by day mas lalo akong nahuhulog sakanya.

Nung third year si Suzy ang naging first dance ko sa promenade. Ang ganda nyo doon. Maganda sya sa paningin ko araw-araw. Pero nung prom na yon mas lalo syang gumanda. Parang Barbie. Bagay sa kanya yung theme ng prom naman. Ang swerte ko naging bestfriend ko sya. Kahit bestfriend lang ang turing nya maswerte na ako dahil isa ako sa pinakaimportanteng lalaki na naging parte ng buhay nya.

Buti nga at nung prom na iyon hindi nya naisayaw si Myungsoo. Hindi pa sila ganun kaclose noon kung ikokompara mo ngayon e.

Pero after nung prom mas naging close sila. May problema noon si suzy. Nakita ko sya umiiyak sa balikat ni Myungsoo at si Myungsoo hinahagod ang likod nya at pinagilid ang buhok na tumatakip sa harap ng mukha nya iginilid nya ito sa tenga ni suzy. Siguro kung wala lang akong contest na sinalihan noon ako sana ang nagpapagan ng loob nya.

Madaming beses ko nang sinubukan na magtapat kay Suzy. Pero wala e natotorpe ako.

Ngayong fourth year, mas lalong naging close sila Myungsoo at Suzy. Kumikirot lagi ang puso ko tuwing nangyayari yun. Masakit. Pero, kailangan kong tanggapin.

Tuwing nilink sila ng kaklase namin. Nagkukunwari akong nakikiasar pero ang totoo sumisik ip ang dibdib ko lagi sakanila. Tuwing naggigitara si myungsoo sa harap ni suzy kahit na pabiro yun na harana. Alam kong nagbablush si suzy at napapangiti dahil doon. Minsan hindi ko alam kung joke yon o katotohanan. Di ko alam pero mukhang masaya sila minsan kapag silang dalawa lang. Minsan pini-PDA ni Myungsoo si Suzy. Ang sakit sa mata. Pero wala akong magagawa wala pa akong sapat na lakas na loob para isigaw sa mundo na si suzy lang ang babaeng mahal ko.

Tuwing uwian hinahatid ni Myungsoo si suzy at dinadala pa ang bag nya. Kung hindi mo sila kilala aakalain mong sila nga. Ang sweet pa nila.

Minsan pag kinikilig si suzy ng sobrang tinatawag nya ako kinukurot ako. Pag napapansin nya akong dumadaanan tinatawag ako at binebelatan. Minsan nga nagkakaroon ako ng pagasa dahil don. Kasi napapansin parin nya ako kahit nandyan si Myungsoo. Pero alam ko in the end of the day si Myungsoo pa din ang napagpangiti sa kanya. Sana one day ako naman. Ako lang ang titignan nya sa napakagandang mga mata nya. Yung amoy lang ng pabango nya yung memoryado ko. Yung ako lang yung bukambibig nya o kaya yung laman ng kwento nya. Na kapag narinig nya yung pangalan ko napapangiti nalang siya.

Sa prom naman naming inask ko si Suzy ng first dance kasi inaasahan kong si Myungsoo na ang last dance nya. Peron g tignan ko ang mukha nya sabi nya ako nalang daw ang last dance nya. Masaya ako nun pero may konting lungkot ako nung sinabi nya 'Hindi pwede first dance ko na si Myungsoo e. Ikaw nalang ang last dance ko.' I was only the second option. It hurts a lot.

Maganda sya last year pero parang nagmature lalo ang itsura nya ngayon. Gorgeous the perfect description for her. Magkaibigan ang parents namin kaya ayun sinabi nila bagay daw kami.Pero halata sa mukha nyang namutla sya nung lumingon sya sa likod. Kaya pala. Andun si Myungsoo nakangiti kasama ang huling sayaw nya.

Masakit na makitang nasasaktan si Suzy dahil kay Myungsoo.

Sana masabi ko na ang nararamdaman ko. Para maligtas ko si Suzy sa sakit. Sakin magiging masaya sya. Ituturing ko sya bilang isang prinsesa.

Suzy mahal na mahal kita.

Sana tayo nalang.

Notebook ng isang broken-hearted (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon