PROLOGUE:
Mula sa pagiging simpleng probinsyanang mahilig maglaro ng volleyball, walang nakapag-isip na ang babae ito ay magkakaroon pala ng daan-daang taga-hanga dito sa maynila. Hindi lamang sa maynila kundi sa buong Pilipinas pa. Ang nakakagulat umaabot pa 'to sa iba't ibang lupalop ng mundo, kung saang may Pilipino at pusong Pinoy.
Maraming nagtanong, nagtatanong, at kung sakaling magtatanong pa lang kung bakit ko naisipang maging atleta? Hanggang sa ngayon, isang dahilan lang ang naiisip ko, dahil sa paglalaro ko natatagpuan ang kasiyahan. Sa totoo lang, sa tuwing nasa loob ako ng court, hindi ko napapansing may nanunuod pala sa akin. Wala akong pakialam kung anong sabihin nila, kung anong pamimintas ang isigaw nila, basta sa mundo ko bilang isang manlalaro, tatlong bagay lang ang nabubuhay, ang referee, ang bola at ako...
Hanggang sa dumating na lang ang araw na nagbigay sa akin ng dahilan para makita at mapansin ko ang libu-libong taong sumusubaybay sa bawat paghataw ko ng bola, ang mga streamers at tarpaulins na nakalagay ang pangalan at picture ko, ang mga taong nakasuot ng t-shirt na may apelido at jersey number ko...
at sa pagkakataon ring 'yon narinig kong sinabi MONG...
"...But yung idol ko talaga ay si...
Ara Galang".
Author's Note:Honestly, it's my first time to write a fanfiction. Just to try another genre. Pero personally, i am really a shipper of Thomas Torres- Ara Galang Loveteam. I know it's kinda weird and awkward to write something like this but i'll just try. There's no harm in trying, i guess.
In reading this, we must always keep in mind na "THIS IS JUST A FICTION." Hope you would like it :)
BINABASA MO ANG
*Insert a perfect title*
Fanfictioni can say that it is a combination of the two different worlds, the reality and the fantasy. FANTASY because everything is created by my imagination (particularly A FAN GIRL's IMAGINATION) and REALITY because of the fact we can't predict what may an...