Chapter 12: The Bloody Convo

1.2K 24 6
                                    

ARA’S POV

“Ate mok! Ate mok! Sa akin! Sa akin!”

Kitang kita ko yung butas sa backline! Gigil na gigil na akong matapos ‘tong game na ‘to kasi may gagawin pa akong homework sa Philo! Mahaba pa naman ‘yon!

(------------------Piiiiiiing!-----------------)

‘yon ang hinahanap kong tunog ng bola! Kasi alam ko kapag narinig ko na ‘yon…

“Nice save, Thomas!”

Wow!

Nakuha pa niya? Ang galing ah! NAKAKABILIB. Recruit kaya naming ‘to bilang Libero?

Pero parang ang tagal niyang tumayo mula sa pagkakadapa? AYOS LANG BA SIYA?

“UI!!!! Ayos ka lang?”

Pilit ko siyang kinakausap pero mukhang hindi niya ako marinig. Nakatungo pa rin siya hanggang ngayon…

SA TINGIN KO, MAY  MASAMANG NANGYARI!

Inangat ko yung net kahit alam kong hindi pa tapos yung rally. Pumasok ako sa kabilang court. ‘don sa court ng kalaban. Agad ko siyang pinuntahan.

“Thomas, ayos ka lang? THOMAS!”

 Alam kong medyo nakakahiya yung ginawa ko kasi parang gumawa ako ng isang eksena pero parang hindi kasi napapansin ng teammates niya na meron mali ‘don sa pagkakatumba niya eh. Wala akong pakialam kung kalaban ko siya o hindi… basta ang alam ko mayroong masamang nangyari…

“I’m….f------iiii------nnnnn----e.”

Pinilit niyang magsalita habang  inaangat niya yung ulo niya mula sa pagkakayuko. At ‘don ko nakita na…

“Dumudugo!”

Dumudugo yung labi niya! Hindi ko alam kung anong gagawin ko. At sa tingin ko rin, pati sila, hindi rin nila alam kung anong gagawin nila! Pinupunasan niya yung dugo pero tuloy tuloy pa rin yung paglabas! Lumuhod ako sa harap niya at hinawakan ko yung labi niya.

Natatandaan ko kasi noong nag-aral ako ng first aid na kailangan i-press lang daw iyon para tumigil. Agad tumakbo yung dalawang coaches at ibang players papunta sa amin.

“Bro!”

“Thom! Thom! Thom! Thomas?!”

“Thomas! Okay ka lang ba?” 

“Dalhin natin siya sa Clinic!”

Noong narinig kong sinabi ni Coach Ramil ‘yon, mabilisan akong tumayo at sinabi sa kanya…

“Coach! Ako na lang po ang magdadala sa kanya!”

Tinayo ko siya. Dahil hula ko na hilo pa rin siya dilou nung facial na nangyari. Kahit na ang pinakaayoko talaga ay yung nagpapaakbay, eh nilagay ko yung braso niya sa likod ko at lumakad kami ng dahan-dahan. Nakatingin siya sa akin, pero wala na akong pakiaalam kung ano pang isipin niya. Nakakahiya man pero ako talaga ang may kasalanan nito.

NAKOKONSENSYA AKO.

“Sorry ah. Hindi ko talaga sinasadya”

Pabulong kong sinabi sa kanya nung makalayo kami. 

“Hmmm, it’s not your fault! Ako yung humarang sa bola.”

Alam kong hindi ‘yon ang iniisip niya. Siguro sinisisi rin niya ako kung bakit siya nagkaganito.

Ang daming nagtitinginan sa amin. Siguro, sikat na basketball player talaga siya. Tapos. Tapos ganito?

Baka may sumugod sa akin dahil sa nangyari...

*Insert a perfect title*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon