ARA'S POV
"Ahhhhhhh. Nakatulog na pala ako? INIWAN AKO NI THOMAS?! Puchang BATANG 'yon, walang utang na loob."
Asan na ba ako?
Nasa dorm na ako?
Hindi eh...
Iba yung kulay nung ilaw. mas maliwanag.
SHT. Nasa coffeeshop pa rin ako? Anong oras na???!!!
Natulog ako sa coffee shop mag-isa? Dati, library…’tas ngayon?
Gawain ba ng matinong babae yon?
Sus! VICTONARAAAA.
Kinalikot ko yung bag ko, tinignan ko kung may nawala.
Salamat naman sa Diyos at wala!
Teka nga, kaninong bag 'to? Kay thomas ata?
Bakit nakakalat pa rin yung mga gamit ni Thomas?
Andito pa rin yung libro niya, yung notebook niya at yung calcu? At yung PHONE niya? Himala. Palagi niyang dala ‘yon eh
Imposibleng maiwan niya 'to.
Asan na ba siya?
"Kuya waiter, may nakita po ba kayong lalaking lumabas? Yung kasama ko kanina?"
Kuya, bilisan mo mag-isip! Sagot agad-agad.
"Ma'am, Medyo kakalabas-labas lang po niya."
Talaga? Iwan ba naman ako mag-isa? Tama ba 'yon?
Lagot ka sa akin TOMAS KA!!!
"Sige. Kuya, salamat po...
Kuya! Lalabas lang po ako saglit. May sisilipin lang po ako. Pwede po bang paki tingin-tingin ng gamit namin?"
Tumango si kuya. Bait naman! May tip ka sa akin.
Binuksan ko yung pinto papalabas at agad kong hinanap si Tomas. Saan kaya yun nagpunta?
Naglakad-lakad ako.
Nako, may nag-aaway pa! Makalayo nga!
Siguro, myembro 'to ng fraternity? NAGHE-HAZING? Uso uso talaga sa maynila ang ganon noh?
Kaya nga ba ayaw ko ng ganyan eh. Nagkakasakitan lang kasi.
May pa-brothehood brotherhood pa! Isipin mo ngang mabuti, kapatid ang turing sa'yo pero kailangan mo muna mahirapan at masaktan para maging tunay na kapatid nila?
TAMA BA 'YON?
"BAKIT MO AKO GINANITO? I trusted you!!"
Ah nanloko yung babae? Ayos ah. Babae yung nanglalaki. iba na talaga ang panahon ngayon.
Lumapit yung isang lalaki 'don sa babaeng katabi nung isa pang lalaki. Umiwas naman yung babae. Nako, parang hindi 'to frat... LOVE TRIANGLE LANG 'TO.
Mga iho't iha, mag-aral na lang kayo?! PWEDE?
"...WHHHHHY?!"
Kahit anong iwas nung babae, nahawakan pa rin siya nung isang lalaking nagtatanong kung bakit daw siya ginanoon.
Tas, hinablot naman nung isa yung babae at tinago sa likod niya. At sinimulan na niyang...
(------suntok-----)
(------suntok-----)
(------suntok-----)
"Aba! Lokong 'to. Ginawang punching bag yung isa? Adik 'to ah. Naghahanap ng sakit ng katawan?"
BINABASA MO ANG
*Insert a perfect title*
Fanfici can say that it is a combination of the two different worlds, the reality and the fantasy. FANTASY because everything is created by my imagination (particularly A FAN GIRL's IMAGINATION) and REALITY because of the fact we can't predict what may an...