Chapter 2 - Comparison

2.9K 17 0
                                    


"Pre, nood tayo ng volleyball. Pasok sa finals ang Ateneo WVT. Natalo din nila ang La Salle WVT sa game 1. May pag-asa tayo." yaya ni Juami kay Kiefer.

"Talaga pre. Medyo matagal na rin akong di nakakapanood ng volleyball. Sige nood tayo."

"Bili na ako sa Ticketnet ah. Wala ng bawian yan baka pigilan ka na naman ni Trinca. Sama din daw si Nico at Justin."

"Sasama ako ngayon pre. May lakad si Trinca kasama ng family niya ng araw na yun."

"Kaya pala confident ka."

Wednesday afternoon..

"Pre, bat ang tagal mo naman dumating." -Salva

"Yung prof ko kasi eh. Ang tagal magpalabas. Naiinis na nga ako." -Kiefer

"Ok na yan pre. Maaga pa naman tayo para sa game. Bilisan na lang natin kumain."-Juami

"Italiannis na lang tayo mga pre para malapit." -Justin

Sumang-ayon naman sila lahat. Hindi nga lang nila in-expect ang dami ng magpapapicture sa kanila lalo na kay Kiefer na hindi na halos nakakain. Pumunta na sila agad sa loob ng Araneta para maka-iwas sa mga fans. Nagwa-warm-up na ang mga players. Binati nila sina Jem, Fille, Gretch at Dzi para ipakita ang support nila.

"Uy pre, tignan mo yun oh. Ang tangkad nung number 3." -Juami

"Oo nga pre. Mas matangkad pa ata sakin yan" -Kiefer

"Cute siya db. Maputi at sexy pa." -Justin

"Si Mika Reyes yan. Rookie pa lang siya. Girl crush ni Karla yan."

"Mika Reyes. Magaling din kaya yan." -Juami

"Oo pre. Kaya lang mas ok yung laro nung number 8. Si Ara Galang." -Nico

"Mas ok na ako kay Mika. Sa inyo na si Ara." -Justin

"Grabe kayo. Dito tayo para mag-cheer kina Fille."

"Ano ka ba pre, in-appreciate lang namin yung ganda ni Mika. Syempre, Ateneo all the way pa rin." -Juami

"Natatakot lang yan si Kief kay Trinca kaya ayaw niya makisama." -Justin

Nagtawanan silang tatlo.

"Loyal lang talaga ako mga pre. Wag niyo akong igaya sa inyo." -Kiefer

"Sabi nga ni Juami, nag-aapreciate lang kami. Walang masama dun. Kahit si Karla naiintindihan yun." -Nico

Buti na lang tumunog na ang buzzer para mag-simula na ang game kung hindi kawawa na naman si Kiefer sa pang-aasar nila Nico.

Ayaw ng mga ka-team ni Kiefer si Trinca para sa kanya. Sa tingin nila napaka-arte, clingy at immature para kay Kief. Hindi nito maintindihan ang pagiging student-athlete ni Kiefer.

Pumasok na ang starters ng bawat team. Gigil ang DLSU na makabawi sa kanilang unang loss sa buong season kaya nakuha ng Ateneo ang unang set 25-23. Na-compose naman ni Coach Ramil ang mga La Salle kaya nakabawi sila sa second set 25-21. Dumating na ang crucial na 3rd set. Maganda ang laro ng dalawang teams kaya umabot ng 26-24 ang score in favor sa La Salle. Per tuluyan ng na-dominate ng La Salle ang 4th set dahila sa kanilang matinding blocking. Halos d pumapasok ang tira ng Ateneo at pumupuntos na lang sila sa error ng La Salle. Natapos ang 4th set sa score na 25-18.

"Sayang talo tayo pre." -Juami

"Exciting naman yung 3rd set. Kaya sulit pa rin. Halos mamaos na ako sa kaka-cheer." -Justin

"Pero nakita niyo yung defense ng DLSU.ang galing. Ang tatangkad din kasi nila." -Nico

"Halos d na makaporma ang girls natin. Sana next game makabawi sila." -Kiefer

"Nood uli tayo ng game 3?" -Juami

Hindi na nakasama si Kiefer manood ng game dahil nag.demand na si Trinca ng quality time with him. Niyaya niya si Trinca na manood kasama ng teammates niya pero ayaw nito. Di naman daw importante yun. Mas ok kung mag.sine na lang sila at mag-shopping. Dahil sa ayaw ni Kiefer ng away, sumama na lang siya kay Trinca kahit gagawin lang siyang taga-bitbit at taga-tingin kung bagay sa kanya ang damit. Nabalitaan na lang niya na Champion na ang DLSU sa text ni Juami.

Unexpected Love (miefer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon