Chapter 5 -in the cheeks

2.5K 22 0
                                    

"Congrats Ate Cha. Congrats din sayo Ye." -Ara

"Oh, bat pati ako may congrats?" -Mika

"Syempre, dahil kay Kiefer. Sweet sweet niyo kaya." -Cam

"Halos langgamin na kayo kanina. Tapos yung mga titigan niyo. Haayy." -Den

"Lalo na nung nagtatawanan kayo habang nagsasalita si Ate Cha. Kilig" -Mich

"Wag kayong ganyan. May girlfriend si Kiefer. Ayaw kong mag-away sila dahil sakin."

"Yun lang. Pero bagay sana kayo" -Ara

"Pwede pa naman sila mag-break." -Cam

"Cam, d maganda yang sinasabi mo." -Cha

"Oo nga Cam. Kahit totoo yun. ayaw naman natin na si Ye ang dahilan nun db. -Aby

"Sorry Ate Cha. sorry Ate Aby." -Cam

"Ok lang yun Cam. Kinilig ka lang siguro kanina kaya fan ka na ng loveteam nila." -Mich

"Tama na nga yan. Baka makarating pa sa kanila yang sinasabi niyo. Malagot ako." -Mika

Ayaw mang aminin ni Mika at Kiefer pero may nabuong spark sa kanila. Gusto man nilang maging mag-friends pero mukhang malabo na dahil sa nangyari.

"Our 9th award naman is for our Man and Woman of the Night. He and she are the most charming person here today." -lia

"So para mas masaya, we will call the male first and susunduin niya ang girl na mananalo." -tina

"Then kiss sa cheeks. Ok ba yun?"

"I want to know if ok nga." Tinanong niya lahat ng schools kung ok.

"So walang KJ ah."

"Our Male of the night is..."

"Kiefer Ravena from Ateneo Blue Eagles"

Masaya lahat ng teammates ni Kiefer para sa kanya. Nagtalunan pa sila

"Trinca, baka ikaw yung girl." -Juami

Hindi siya pinansin nito pero nag-ayos si Trinca ng kanyang sarili.

"Nics, I have a bad feeling." Pinuntahan ni Karla si Nico na kasama ng teammates niya na nagsasaya..

"Huh, bakit?" -Nico

"Baka hindi si Trinca ang manalo."

"Wala namang iba ah" -Juami

"Bro, meron. Si Mika Reyes."

"Patay." Sabi ng Blue Eagles

Umakyat na si Kiefer sa stage. Naisip na rin niya ang naisip ni Karla. Maraming kinilig sa kanila ni Mika kaya malamang siya ang mapili.

La Salle Side...

"Ye, ipagdasal mo na hindi ikaw ang tawagin." -Mich

"Oo nga, tignan mo yung gf ni Kiefer. Nag-eexpect na" -Cam

Kinakabahan ang lahat ng Lady Spikers.

"Our Female of the Night is..." -Lia

"Mika Reyes from La Salle Lady Spikers"

Nagsigawan ang lahat. Halatang gusto nila uling magkasama si Mika at Kiefer on stage.

Nag-aalangang sinundo ni Kiefer si Mika.

"Kiefer, galit ata sakin este satin yung gf mo."

"Di ko na nga alam ang gagawin ko. Dadagdag pa to."

"Wag mo ng ituloy. Ok lang naman yun."

"Db pumayag lahat kanina. Wala tayong choice."

"Naku naman. Sorry talaga."

Natawa na naman si Kiefer. "Sobrang bait mo talaga. Wag kang mag-alala, d kita sinisisi.

"Wag ka ng tatawa please. Mas lalo siyang magagalit." Kabadong sabi ni Mika.

Nakarating na sila sa stage. Binigyan sila ng trophy bilang award.

"So, as agreed kanina. Kiss in the cheeks."-Tina

Kumakabog ang dibdib nila pareho. Si Kiefer, d niya alam kung bat siya kinakabahan, dahil ba andiyan si Trinca na galit na galit o dahil sa hahalikan niya si Mika. Si Mika na kinakabahan sa first kiss niya sa cheeks, sa girlfriend ng hahalik sa kanyang si Kiefer.

Binubuyo na sila ng crowd. Unti-unting nilalapit ni Kiefer ang mukha niya kay Mika na mas lalong nagpapakaba sa kanilang dalawa pero nilalayo ni Mika ang kanyang mukha.

"Mika, dadampi ko lang. Wag ka ng umiwas para matapos na to." Bulong ni Kiefer.

Hinalikan ni Kiefer si Mika ng isang mabilis lang sa mukha upang di na magselos si Trinca ng todo. Naghiyawan ang lahat. Pinalakpakan din sila ng lahat sa pagiging sport nila. Bumaba na sila ng stage pagkatapos nun.

Agad na pumunta si Mika sa pinakamalayong CR matapos siyang mahalikan ni Kiefer. Nagtago siya sa isang cubicle na parang bata.

'Ano ba tong nararamdaman ko? Kinikilig ako kay Kiefer. Parang gusto ko pa siyang makasama. Naku, mali ito. May girlfriend siya.'

Palabas na siya ng cubicle ng may marinig na pumasok na nagdadabog.

"Usap nga tayo! Bat mo siya hinalikan?"

"Babe naman. Napagkasunduan yun db. Wala akong magagawa kung ganun ang nangyari. Saka halos walang tumama."

Alam na agad ni Mika kung sino ang nag-aaway. Nagtataka lang siya kung bat nasa loob ng CR ng babae si Kiefer.

"Kahit na. Saka bat ka nakikipagtawanan sa kanya? May gusto ka sa kanya no!"

"I'm being friendly lang. Hindi ko pwedeng itaboy lahat ng babae."

"Pag ayaw kong maging kaibigan mo, wag mong kaibiganin."

"Hindi naman ata tama yun."

"Kung ganyan ang tingin ko, mag-break na tayo."

"Babe naman"

"Wag ka din makikipag-usap sa mga taong di ko gusto."

Tumahimik na lang si Kiefer. Habang si Mika naman ay nakikinig at naaawa na kay Kiefer. Nalulungkot din siya at nakokonsensiya sa nangyari.

"Bat di ka na nagsalita?"

"Mahal kita Trincs pero hindi ko kaya kung ganyan ng nakakasakal ang hinihingi mo sakin."

Unexpected Love (miefer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon