Chapter 13 - Step by step

2.1K 25 0
                                    

Umuwi na ng bahay sina Mika at kanyang mga magulang.

"Sige ma. Matutulog na po ako." -Mika

"Ye, bukas pag-uusapan natin si Kiefer Ravena." -Mom

Inexpect na ni Mika na sasabihin ng mama niya iyon. "Sige po ma."

Umakyat na si Mika sa kanyang kwarto at nagprepare matulog. Nang humiga na siya, naisip niya ang mga nangyari. Hindi siya makapaniwala na kinausap siya ni Kiefer. Naalala niya kung pano siya kinabahan ng lumapit si Kiefer at ng hawakan nito ang kamay niya papunta sa rooftop. Kinilig siya ng sabihin nitong gusto pa siya nitong makilala. Gusto pa niyang makipag.kwentuhan kay Kiefer na parang kulang ang oras.

Nagtext si Kiefer.

'Hi Mika. Nasa bahay ka na?'

'Yup. Ikaw ba?'

'Kadarating ko lang. Namiss kita agad.'

'Weh. Baka wala ka lang magawa kaya ka nagtext.'

'Hindi ah. Sarap mo kasi kausap. Gusto kitang maka-usap every minute of everyday.'

'Nag-aalala nga ako na baka bored ka kanina sakin. Buti naman pala I made a good impression.' Pinilit ni Mika na wag pansinin ang sinabi ni Kiefer.

'Asa hindi ako na-bore. Masaya ka nga kausap. Baka ikaw ang na-bore sakin'

'Hindi ah. Interesting kaya pinag-usapan natin.'

'Wow. Ako ba? Interesting ba ako para sa iyo?"

Napatigil si Mika. Hindi niya alam ang isasagot niya. Pag sinabi niyang oo baka mag-take advantage ito pag hindi naman baka mawalang naman siya ng gana.

Limang minuto na ang nakakalipas at nauna ng nagtext si Kiefer. "Hahaha ok lang kung hindi."

Kinabahan na si Mika. baka nasaktan niya si Kiefer sa di pagsagot

"Ok ka naman Kiefer. Masaya kang kasama"

"Bat buong Kiefer ang tawag mo sakin parang d tayo close."

"Di pa naman tayo close ah. KIEFER."

"Sakit naman nun. MIKA."

"Hahaha. Joke lang. Abo bang gusto mong itawag ko sayo?"

"Sweetheart."

"Ano tayo magboyfriend. Seryoso na."

"Kief na lang. Ikaw anong gusto mong tawag ko sayo?"

"Yeye na lang or Ye. Bahala ka kung alin dun."

"Ayan. Close na tayo."

"Kief, medyo inaantok na ako. Text you tomorrow. Goodnight."

"Goodnight Ye. Sweetdreams."

Nakangiting natulog si Mika.

Kinabukasan..

"Morning ma. Morning pa."

"Morning anak. Breakfast ka na." -mom

"Thanks ma."

Kumain na si Mika ng breakfast kasama ng parents niya. Uminom lang ng gatas si Mika at kumain ng isang pirasong wheat bread dahil magja-jogging pa siya. Akala niya ay nakalimutan na ng parents niya ang tungkol kay Kiefer.

"Ye, anak, san naman kayo nagkakilala ni Kiefer?"

Kinabahan na uli si Mika. "Sa awarding sa MOA. Nag-present kami together ng award."

"Ah ganun ba. Nanliligaw ba siya anak?"

Nagulat si Mika dahil sa direchahang tanong ng mama niya. "Ma? Bat mo naman natanong yan? Hindi po. Gusto lang niya makipag-kaibigan."

Nakikinig lang ang papa ni Mika habang nagtatanong ang mama niya. "Napansin ko lang na parang may iba sa inyo ng magkasama kayo."

"Wala ma. Magkaibigan lang kami ni Kief."

"Wala ba siyang balak manligaw sayo?"

"Siya lang ang makakasagot niyan ma."

"Pero gusto mo siya?"

Kinakabahan na si Mika sa mga nangyayari. "Oo naman ma. Mabait naman siya. Magiging mabuti siyang kaibigan

"Basta anak kung ano man yang nangyayari sa inyo, gusto kong maging open ka sa akin."

"Opo naman ma. Ikaw pa rin naman ang bestfriend ko. Syempre sasabihin ko lahat." Niyakap ni Mika ang kanyang mommy.

Pagkatapos mag.light breakfast ni Mika ay nagprepare na ito.

A/N

Sorry sa late update. Busy ako nung Holy Week and naadik ako sa 2048. Please keep voting.

Unexpected Love (miefer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon