Chapter 9 - The House

2.3K 21 1
                                    

Chapter 9

Nakabalik na sina Mika sa dorm ng Lady Spikers.

"Girls, kanino nanggaling tong pizza?" -Aby

"Kay Kiefer." -Ara

"Kiefer, as in Mika's Kiefer?" -Cienne

"Mika's Kiefer ka diyan!" Kiniliti ni Mika si Cienne

"Nakita namin si Kiefer sa Yellow Cab sa Eastwood. Nag-aya siyang kumain kami kaya lang paalis na kami. Itong si Ara Nung sinabi na mag-take-out kami, ang bilis umorder." -Wensh

"Pasalamat na lang kayo sakin at may libre kayong pizza." -Ara

"Ara, nakakahiya kay Kiefer. Sa susunod wag mo ng gagawin yun." -Aby

"Yes Ate Aby." -Ara

"Bakit nga ba nilibre kayo ni Kiefer ng pizza?" -Mich

"Syempre dahil kay Miss Mika Reyes." -Ara

"Anong ako? Pwedeng naging polite lang siya tapos ikaw naman nag-take advantage." -Mika

"Tigilan mo ako Ye. Kinikilig ka naman pag todo ngiti si Kiefer sayo kanina." -Ara

Nagulat si Mika sa sinabi ni Ara. masyadong bang halata ang nararamdaman niya. Tinignan niya ang kanyang mga teammates na super smile sa kanya

"Oo nga Ye. Halata naman kanina na kinikilig ka kay Kiefer at ito namang si Kiefer. Super pa-cute naman sayo. Di tinigilan." -Wensh

"I'm feeling it. A new love story. May magkaka-boyfriend na naman na Lady Spiker." Nakapikit si Cienne na tila may premonition siya.

Binato ni Mika ng unan si Cienne. "Sira ka talaga."

"Oh. Sinabi ko bang ikaw. Assuming ka naman." Nakangisi si Cienne.

"ewan ko sa inyo" umakyat na si Mika sa kwarto niya dahil alam niyang gigisahin siya ng mga teammates niya.

Hindi nakatulog ng maayos si Mika dahil lagi niyang naiisip ang nangyari kagabi. Kinikilig siya kay Kiefer. Pero a part of her is scared. Scared na masaktan. Biglang tumunog ang phone ni Mika.

"Ma, napatawag ka?" -Mika

"May nakita kasi kaming bahay ng papa mo. Gusto naming makita niyo ng kuya mo bago natin bilhin."

"Sige po ma. San po ba yan?"

"Sa Marikina."

"Marikina? Layo naman niyan ma. Manila kaya ako."

"Naka-dorm ka naman anak. Saka malapit din to sa mga venue na pinaglalaruan mo."

"Mukhang gusto mo talaga diyan ma."

"Halata ba anak."

Tumawa si Mika "Sige i-text mo sakin ang address niyan ma."

Kasama mag-lunch ni Mika ang family niya. Halatang excited ang mama at papa niya sa bahay na ipapakita nila. Pumasok sila sa isang subdivision na halatang pang-mayaman. Tumigil sila sa harap ng napakalaking bahay.

"Ang laki-laki naman ng bahay na to Ma. Afford ba natin to?" -Mika

"Hindi yan. Itong katapat." -mom

Tinignan ni Mika ang bahay. Mas maliit ito kaysa sa bahay na katapat pero malaking bahay na rin to for them. Three floors at may garage.

"Magkano to Ma, Pa?" -Perry

Nagtinginan ang parents ni Mika.

"4.5M na lahat lahat" -dad

"Pwede na." -Perry

"Naka-ipon naman kami dahil sa scholarships niyo. Konti na lang ang huhulugan natin." -dad

"Sige po. Maganda naman. Kailan niyo po bibilin to?" -Mika

"Ngayon. Papunta na yung agent dito." -mom

Habang hinihintay nila ang ahente.

"Magkano yung bahay na yan?" Tinuro ni Mika ang malaking bahay.

"Hindi yan for sale. May may-ari na niyan. Pro basketball player daw." -dad

"Super laki. Mukhang marami ding car. Magaling na player siguro yan."

"Hindi sinabi kung sino ang may-ari niyan." -dad

"Ok na tong bahay na napili niyo. Nakakatakot pag masyadong malaki." -Mika

Binili na nila Mika yung bahay na gustong gusto ng mga magulang niya. Kasama pa rin nila yung mag-simba ang mga magulang niya saka siya hinatid sa dorm

Unexpected Love (miefer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon