Alas singco palang nang umaga nang magising ako, hindi ako mapakali. Pakiramdam ko may hindi magandang nangyari.
Kinuha ko ang cellphone ko at bumungad sa akin ang napakaraming text messages at missed calls, lahat galing kay tita karla. Naiyak ako sa sobrang kaba , maya-maya pa ay tumawag na naman si tita .
"Tita"
Narinig ko ang paghikbi niya sa kabilang linya.
"Kaye, wala na si jace"
Kahit alam ko na, na ito ang sasabihin niya hindi ko parin mapigilang mabigla. Umagos na naman ang mga luha ko, akala ko nga naubos na sila sa kakaiyak ko pero hindi pa pala.
Ilang oras akong nagmukmuk sa kwarto, kada pikit ng mga mata ko ang masayang mukha niya ang nakikita ko. Bumabalik ang lahat ng alaala namin noong masaya pa kami, yong panahon na wala pang myeloma cancer, yong panahong Okay pa ang lahat.
Sobrang sakit isipin na tuluyan na niya kaming iniwan, ni hindi niya man lang ako hinintay na makabalik ng Ospital.
Nagbihis ako at nagpahatid kay papa sa Ospital. Naabutan ko si tita karla sa labas ng kwarto at umiiyak, nilapitan ko siya at niyakap.
Nang mahimasmasan na siya ay may inabot siya akin na papel,
"Pinabibigay niya"
.
.
.
Akala ko wala nang mas ikakasakit pa iyong makita siyang nakaratay sa kama habang unti-unting nawawalan ng pag-asang mabuhay, pero hindi pa pala, may mas sasakit pa pala.
Ang makita siya sa loob nang kabaong, may maputlang kulay, hindi humihinga, natutulog at kahit kailan ay hindi na magigising pa, ay wala nang mas ikasasakit pa.
Inilagay ko ang puting rosas sa ibabaw ng kabaong niya, at sa huling pagkakataon ay tiningnan ko siya.
Kahit mawala man siya, may itinira parin naman siyang alaala na mananatiling buhay dito sa mundo.
Matapos ang libing ay nagpaiwan muna sila tita karla habang umuwi naman kami nila mama.
Pumasok ako sa kwarto ko at humiga nang bigla kong maalala ang papel na binigay sa akin ni tita na hanggang ngayon ay di ko paring nababasa.
Kinuha ko iyon sa loob ng bag at binuksan.
Dear Kaye,
Oy kaye.
Alam ko na oras na mabasa mo ito ay marahil wala na ako.
Naalala mo ba noong sinabi ko na magiging okay ka naman pag nawala ako? Diba ang sabi mo di mo kaya, na di mo kakayanin. Alam kong kaya mo kaye. Kakayanin mo.
kahit mawala man ako ipagpapatuloy mo ang buhay mo. Hindi lang naman sa akin umiikot ang mundo mo.
I want to Thank you for showing me how great life was.
Thank you for taking care of me, for making me happy, for sharing happy memories with me, for being there with me when I needed you the most.
Thank you for everything.
I'm so sorry for everything That I've done.
Umiiyak ka na naman siguro no?
Wag ka nang umiyak, wala pa naman Ako diyan sa tabi mo para yakapin ka at sabahing magiging okay din ang lahat.
I love you kaye,
Always and Forever.
Love,
Jace
And again, I cried.
Pagtingin ko sa labas ng bintana, nakita ko ang malakas na pagbuhos ng ulan, na para bang nararamdaman din ng langit ang nararamdaman ko at umiiyak din ito kagaya ko.
Lumabas ako ng bahay at dinadamdam ang ulan na pumapatak sa aking katawan.
Tumingala ako sa langit.
Pinikit ko ang mga mata ko, at muli kong nakita ang masayang mukha niya.
'Till we meet again jace
'Till we meet again.
![](https://img.wattpad.com/cover/99686840-288-k310662.jpg)
BINABASA MO ANG
The Most Painful Goodbye [ Watty's2019]
Cerita PendekThe two hardest things to say in life are hello for the first time and GOODBYE for the last.