3. Back to Present

1.5K 6 0
                                    

TASHA
***

Heto na nga ako ngayon.

Ang bagong Anastasha Cleopatra Villegas.

At yung lalaking tumulong sakin, sya lang naman si
Draco Leandro Sandoval.

High school schoolmate pala namin sya nina Francis at matagal na sya saking may gusto.
Pero natorpe sya kaya naunahan sya sakin ni Francis at dahil masaya naman ako ay hinayaan na nya kami. Pero nung nalaman nga nyang niloko ako ni Francis ay sa kanya na daw ako.

Mula nung gabing may mangyari sa amin, sya na yung tumulong sakin upang makabangon muli.

Sya ang nakaisip ng make over ko. Sya ang nagturo saking magpakabitch para di na ko basta basta masaktan ng iba. Sya ang nagpatatag sa akin.

At higit sa lahat, sya ang nagtuturo sakin upang mapaikot ko sa mga palad ko ang kahit sinong lalaki. Sya ang nagtetrain sa akin upang maging magaling akong boyfriend stealer.

Kasi nga pinangako ko sa sarili ko na ipararanas ko din sa iba yung sakit na naramdaman ko.

Kaya naging dakilang maninira ako ng relasyon.

At sa ngayon,
ano kami ni Draco?

Well, hindi kami.

Ayoko na kasi ng boyfriend boyfriend na yan para walang lokohan.
Tyaka sa gagawin ko kasing paghihiganti, hindi pwedeng nay boyfriend ako. Kaya hindi talaga pwedeng maging kami.

Pero kahit hindi kami,
sa kanya ako.

Physically.
Pero emotionally, unattached ako sa kanya

Ganun kami. Malanding Ugnayan. Pero ok na daw sa kanya yun sa ngayon kesa wala.

Kaya okay na okay kaming dalawa.

At ano naman ang balita kay Francis at Beatrice?
Well, sila pa din daw dalawa.

At nakaganti na ba ko sa kanila?
Well, hindi pa.

Actually, andito ako sa California. As in nasa ibang bansa.

Matapos kasi ng mga nangyari ay pinili ko munang lumayo para ayusin ang sarili ko at ihanda sa paghihiganti ko. Kaya si Draco lang ang kasama ko dito sa California for 2 years. Pero hindi kami live in. May tigisa kaming bahay pero magkalapit.

At after naming makagraduate ay tyaka kami ni Draco uuwi sa Pilipinas para isagawa na ang aking paghihiganti.

At ilang buwan na lang bago yun.
Kaya nalalabi na ang maliligayang araw nina Beatrice.

- - -

Thanks for reading! :)

Sexapade of a Boyfriend Stealer #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon