TASHA
***Noong araw din na yun, sa unang pagkakataon ay napadpad ako sa isang bar at nagpakalasing.
"Ano naman ang ginagawa ng isang Tasha Villegas sa isang bar?"
Sabi yan ng isang lalaking di ko kilala na biglang lumapit sa akin ngayong nag iinom ako dito sa Bar.
Sino ba sya? Bakit kilala nya ko?
Hik. Hik. Siguro stalker ko sya.
Oo nga. Ganun siguro. Masyado kasi akong maganda di ba?
Sa sobrang ganda ko, niloko nga ako ng boyfriend ko eh.
Antanga tanga ko talaga."Bakit? Wala ba akong karapatang pumunta sa lugar na ito?" Sagot ko sa kanya.
"Hindi naman. Pero ang tanong ay bakit? Bakit ka nagpapakalasing? Bakit ka nag iisa ngayon? Asan ang boyfriend mo? Anniversary nyo ngayon di ba?"
Napatanga na lang ako sa mga sinasabi nya.
Bakit andami nyang alam tungkol akin?
Tinititigan ko naman sya pero di ko talaga sya kilala eh."Sino ka ba? Ha? Paano mo ko nakilala?"
"Sagutin mo muna yung tanong ko. Tapos sasagutin ko din ang tanong mo."
Ang arte naman ng lalaking ito. Mas maarte pa sa gago kong Ex. Leche.
"Gusto mo ba talagang malaman? Ha? Oo, anniversary dapat namin ngayon ng boyfriend ko. Isusurprise ko nga dapat sya sa condo nya eh. Pero alam mo ba? Ako yung nasurpresa eh. Pagdating ko lang naman dun, nagsesex lang naman sila nung bestfriend ko! Oo. Bestfriend ko. Yung si Beatrice. Yung ahas na yun. Tapos ako pa ang pinalayas nung gago kong Ex. Walang hiya talaga. Huhuhu. Mga hayop talaga sila. Huhuhu."
Hindi naman sya agad nakaimik sa mga sinabi ko. Tapos ako naman ay napasubsob na lang sa lamesa at iyak ng iyak.
Pero maya maya ay iniangat din nya ang ulo ko at niyakap ako.
Hindi ko talaga kilala ang lalaking ito pero dahil nasasaktan na talaga ko, wala na kong nagawa kundi yumakap na lang din sa kanya.
"Ang sakit sakit. Bakit ganun sila? Ang sakit. Huhuhu."
"Tahan na Tasha. Dati sabi ko sa sarili ko, pababayaan na kita sa Francis na yun dahil sya ang magpapasaya sayo. Kaso mali pala ako. Sasaktan ka lang din pala nya. Gago din pala talaga sya. Kaya tutuparin ko na ngayon ang pangako ko sa sarili ko. Na pag sinaktan ka nya, aagawin na talaga kita. Kaya Tasha, akin ka na."
Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya.
At mas lalong wala na kong maintindihan nang biglang lumapat ang mga labi nya sa labi ko at sinimulan akong halikan.
Dahil nagulat ako ay napatulala na lang ako sa kanya.
Pero maya maya ay diniinan pa nya ang paghalik sakin. Ramdam ko yung dila nya na gustong pumasok sa aking bibig. Yung kamay naman nya ay naglalakbay na sa aking likod at di nagtagal ay nasa ilalim na ito ng aking blouse.Ang init ng palad nya sa aking balat. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Parang nawala na ako ng tuluyan sa katinuan at gumanti na din sa halik nya sa akin.
Marahas ang aming halikan hanggang sa halos di na kami makahinga.
At nung tumigil sya, ang tanging nasabi na lang nya ay..."Please, Tasha, akin ka na lang. Tutulungan kitang gumati sa mga nanakit sayo."
At nababaliw na ata talaga ako dahil sa sakit, lungkot at alak.
Kaya ang tanging sagot ko ay..."Oo na. Sayo na ko. Basta tulungan mo kong pagbayarin silang lahat. At sa ngayon, pasayahin mo ko dahil pagod na pagod na kong umiyak."
At sinimulan na muli nya akong halikan.
At sa gabi ding iyon ay ibinigay ko ang bagay na labing walo kong taon pinakaiingat ingatan sa lalaking ito.
Pero tinupad nga nya ang hiling ko.
Paulit ulit, pinasaya nya ako.
- - -
Hey yow! What's up?
What's on your mind?
Comment po.
Thanks a lot! :)
BINABASA MO ANG
Sexapade of a Boyfriend Stealer #Wattys2017
Roman d'amourThis story is Rated SPG. It contains a lot of mature scenes so for those readers who are still minors, this story is not for you. And for sure may makukulit pa din at hindi makikinig kay author. So read at your own risk. And iniprivate po ni Wattpad...