8. Graduation

692 4 0
                                    

TASHA
***

"Hi Mom, Dad! Graduate na po ako! Thank you so much po sa inyo!"

"Congratulations Anak! Proud na proud kami ng Mommy mo sayo!"

Andito ako ngayon sa kwarto ko at ka-skype ko sina Mommy at Daddy.
Kauuwi ko lang galing graduation ceremony namin.

"Mom, Dad, malapit na po akong umuwi. Siguro po mga next week."

"Buti naman anak. Miss na miss ka na namin dito. Asan na nga pala si Son-in-law?"

"Si Draco po ay nagpaalam na magtetake out sa restaurant ng pagkain. Dito na lang daw po kasi kami sa bahay magcecelebrate."

"Ah ganun ba, buti na lang talaga at kasama mo sya dyan."

"Oo nga po eh."

Tapos biglang may humiyaw mula sa baba sa kusina.

"Baby Tasha, I'm home!"

"Mom, Dad, andyan na po si Draco. Next time na lang po ulit ha? Thank you po ulit!"

"Sige anak. Ingat kayo."

"Kayo din po! Bye!"

At namatay na nga ang video.

Hays. Excited na ko umuwi next weeeeek!

At agad na akong bumaba para puntahan si Draco.

Naabutan ko sya sa kusina na binubuksan na ang mga pagkain nyang binili.
May limang box ng pizza, may baked mac, salad, drinks and etc.

Grabe. Kaming dalawa lang kakain pero ang dami naman nyang binili.
Nung makita nya ko sa may pinto ay agad naman syang lumapit sakin at kiniss ako sa lips.

"Congratulations satin Baby Tasha! At last, graduate na tayo! Pwede mo na kong pakasalan. Haha."

"Adik. Di pa pwede noh. Madami pa akong pangarap."

"Hahaha. Joke lang naman. Alam ko naman yun. Pero in the future, gagawin ko talaga yun."

Agad naman akong umiwas sa kanya ng tingin dahil titig na titig sya sakin. Na para bang ako ang pinakamasarap na putahe sa lahat ng pagkaing nandito.

Tapos kasalan pa ang topic.

Kaya medyo lumayo na ko sa kanya at lumapit sa table upang kumain.

"Andami mo namang binili. Tayong dalawa lang naman ang kakain ah."

"Okay lang yun. Alam ko namang matakaw ang baby ko eh."

Umupo na sya sa upuan upang kumain din. Ako naman ang nagseserve.

"Ang kapal naman ng mukha mo! Matakaw bang? Sexy sexy ko kaya."

Sabay pout ko sa kanya.

"Hahaha. Baby, pikon ka nanaman. Syempre naman sexy ka. Pero baby, malakas ka talaga kumain. Hahaha."

"Hay naku, Draculo manahimik ka na. Okay? Kumain ka na nga lang. Tapos yung ibang foods iuwi mo sa bahay mo ha."

Sumaludo naman sya na parang sundalo.

"Yes Boss!"

Napangiti na lang ako.

If things were different,
Ang dali sanang piliin ang isang tahimik na buhay kasama ang lalaking ito.

Kaso hindi eh.

Kasi sa realidad, walang madali.

- - -

Up next na ang Oh So Hot Scene!
Be ready. Hahaha.

Sexapade of a Boyfriend Stealer #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon