6. Supermarket Lover

946 2 0
                                    

TASHA
***

It's another day nanamannn!

Pero dahil mamaya pa ang pasok ko, andito ako ngayon sa mall at naggagala.

Actually, may bibilhin kasi ako.
Lakad lang ako ng lakad hanggang sa dito ako sa supermarket napadpad.
Siguro kelangan ko nang maggrocery.

"Boyfie, dun lang ako saglit ha. Pumili ka na ng mga snacks. Babalikan na lang kita dito."

Napatingin ako sa magjowa na nag uusap.

Hihi. May bright idea nanaman ako.

Agad akong lumapit dun sa lalaking iniwan saglit ng girlfriend nya.

"Hi!"

Sabi ko tapos nginitian ko sya ng pagkatamis tamis. Nanlaki naman ang mata nya. Sino nga ba naman kasi ang hindi manlalaki ang mata saking kagandahan?

"Uh, Hello."

Sagot nya na parang nahihiya.

"Your so cute. Can I take a picture with you?"

Ask ko sa kanya with papretty eyes pa.
For sure hindi matatanggihan ng kagandahan kong ito. Privilege sa kanya ang makapagpicture kasama ako noh.

Pero medyo lumingon lingon pa muna sya sa dako na pinuntahan ng girlfriend nya bago sya pumayag.

"Sure."

Sabay ngiti nya sakin.
Kaya nilabas ko na ang aking mahiwagang cellphone. Hihihi.
Tapos nagpose na ako katabi nya.

Click. Click. Click.

Andami na ng picture namin.
Tapos habang tinitingnan nya yung mga picture namin sa cp ko tapos sa cp nya, nakita ko na yung girlfriend nya na papalapit na sa amin.

"Tara. Picture pa tayo."

Tapos nagpose na nga ulit kami. Tapos nung alam kong makikita na kami ng girlfriend nya, sinadya kong yumakap sa kanya. Kunyari sweet.
Nakita kong nanlaki ang mata nung girlfriend nya at nagmamadali na sya sa paglapit samin.

Pero habang wala pa sya, sinagad ko na ang pang iinis sa last picture namin. Hinalikan ko si Boy. Hihihi.

"Anong ibig sabihin nito?"

Sabi ni girl nung makalapit sya samin.

"Ah, Joan, nagpipicture lang kaming dalawa." Sabi ni Boy.

"Nagpipicture? Picture lang ba tawag mo dun sa may hug at kiss pa? Ha? Sinungaling kang lalaki ka."

Sinampal pa nya si Boy tapos tumingin naman sakin.

"At ikaw babae ka, ang kapal ng mukha mong landiin ang boyfriend ko."

Sasampalin na din sana nya ko pero syempre, hindi ko hahayaang mangyari yun. Kinapitan ko yung braso nya at ibinalik sa kanya ang sampal nya.

Nagulat naman sya sa ginawa ko.
Ang lakas ko kaya. Nagmamartial arts kaya ako. Hihihi.

"Hoy babae, para sabihin ko sayo, hindi ko malalandi ang boyfriend mo kung di sya nagpapalandi. Kaya sa kanya ka magalit. Huwag sakin."

Tumalikod na ko sa kanila pagkasabi nun.
Lalakad na sana ako papalayo pero may nalimutan pala akong sabihin.

"At hoy babae, sa susunod matuto kang gumalang sa mas nakagaganda sayo. Pasalamat ka nga at pinagbigyan ko ang boyfriend mong makaranas na mapakagpapicture sa magandang katulad ko."

With matching taas ng kilay pa habang sinasabi ko sa kanya yan.

And this time naglakad na talaga ko papalayo.
Pero di pa ko nakakalayo ay narinig ko na ulit silang nag uusap.

"Joan, sorry. Please hindi ko ginusto yun."

"Sorry? Sa tingin mo maniniwala pa ko sayo? Dun ka na sa babae mo! Magsama kayo dahil Break na tayo! Manloloko!"

Hays. Another couple broke up because of me.

Kawawa naman talaga yung mga lalaking nahuhumaling sa kagandahan ko.

Hahahahahahaha.

- - -

Hi readers!
Comment kayo!
Syempre pavote na din!
Be a Fan! Thanksss!

Sexapade of a Boyfriend Stealer #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon