Nasa bahay kami ng classmate ko dahil ginawa namin yung project namin, sakit sa ulo ang project na yun, halos wala ng mapiga pa sa utak ko tapos sobrang antok na antok na ako, katunayan niyan tulog-gising ako, daldalan rin ng daldalan kami ng mga kaibigan/classmates ko.
Dahil sa sobrang init, at isa lang yung electricfan sa sahig ako humiga, humingi ako ng sapin.
"Walang tulugan!" sabi ng isa kong kaibigan
"Oo nga dami pa kaya nating gawin" sabi naman ng isa
"Sandali lang ako promise mga one hour gisingin niyo ako" sagot ko mag-aalas dos narin kasi ng umaga eh. Hindi naman nila ako inistorbo pa hinayaan lang nila ako.
Naririnig ko parin sila, nag-uusap, tawanan minsan habang patuloy sa mga ginagawa nila.
Nakipag-usap din daw ako sa kanila, tinawag ko yung isang friend ko
"Lay, lagyan mo ng maiinit na tubig yung cup noodles" sabi ko. Pero hindi siya nakinig, nagtaka ako..
"Lay?" wala parin, kinabahan ako, wag naman sana pero yun nga..
Dahil nakatagilid ako nun gusto ko sanang tumihaya HINDI AKO MAKAGALAW.
"Tinawag ko sila, van.. jessiel.. please gisingin niyo ako!" Pero paano naman nila ako maririnig eh tingin nga nila sa akin tulog.
Ibinuhos ko ang lakas ko para makasigaw at makagaw pero hindi ko magawa. Sumigaw ako ulit nagbakasakali akong marinig nila ako pero tanging lumabas sa bibig ko ay konting pag ungol lang.
Narinig ko pang nagsalita yung isa kong kasama ng..
"Ano ba naman tong si ren kapag natutulog umuungol" pagkatapos kong marinig yun mas dobleng kaba ang nararamdaman ko, sa utak ko nagmamakaawa na akong sana gisingin nila ako.
Mag naramdaman akong buhok sa braso ko hindi ko makita kong sino dahil hindi nga ako makagalaw hindi ko magawang tumihaya. BASTA YUNG PAKIRAMDAM KO NATATAKOT AKO, NATATAKOT AKO KUNG SINO YUN!
Pumikit ako ulit, pinayapa ko ang sarili ko tapos sinubukan ko ulit na gumalaw ibinuhos ko lahat yata ng lakas ko kaya deritso akong bumangon.
Nakatingin sakin lahat ng kasama ko. Salamat naman, naiiyak na ako, nagawa ko.
"ANong nangyari?" tanong ni jessiel
"Bakit hindi niyo ako ginising?" sagot ko
"Ha? bakit?" pinainom muna nila ako ng tubig
Sinabi ko sa kanila ang nangyari sakin. Mas nakakatakot yung part na alam kong may tao sa likuran ko kanina.
Nakakatakot alam niyo ba yun? nakakatakot matulog ulit. Kahit pa may kasama ako nakakatakot, dahil hindi rin naman sa lahat ng panahon matutulungan nila ako. Ako at ako lang at yung maniwala at manalig sa itaas.
Sana may makakabasa nito na nararanasan din yung nararanasan ko para malaman kong hindi ako nag-iisang nakaranas nun :(
![](https://img.wattpad.com/cover/3168425-288-k297824.jpg)