Bangungot 3 [ Kalye ]

685 13 12
                                    

AteReen's Note: Wag niyo po ito basahin kong sobrang matatakutin po kayo. Madugo po talaga to.

Sa panaginip ko:

Gabi, nasa kalye ako, di ko alam kung anong kalye to! basta sobrang creepy kasi walang katao-tao kagaya ng picture nasa side ------------------------------>

Maliwanag naman, hindi lang dahil sa ilaw kundi dahil na rin sa buwan. Kung paano ako napunta dito, yun ang di ko alam.

Nagulat ako ng may nakita akong babae na hinahabol ng kotse, nakita kung ang nakasakay sa kotse ay isang lalaki na siyang nagmamaneho at yung babaeng kasama niya.

Tumakbo ng sobra yung babae, pero naabutan siya ng kotse at binangga! sa sobrang gulat ko napapikit ako.

"Diyos ko! yung babae .."

Akala ko patay na yung babae pero kahit sugatan nagawa niya pang tumayo at umakyat sa hagdan kung san siya tumilapon tingnan niyo ulit yung picture sa side na may hagdanan, parang ganyan.

Yung hagdanan na yun ay parang paakyat papuntang second floor, parang apartment yata yun.

Bumaba yung lalaki at babae na bumangga dun sa babae, hinabol nila ito umakyat din sila sa hagdan!

Ang sobrang kinatatakot ko ay..

Yung lalaki may dala siya kutsilyo.

Sinundan ko sila, yung babaeng hinabol nila ay pumasok dun sa bukas na pinto, pumasok din dun yung mga humabol sa kanya.

Pumasok din ako, nakita ko sa loob yung mag-asawang takot na takot habang hawak-hawak nila ang maliit nilang anak, hindi ko nakita yung babae't lalaking humabol dun sa babaeng binangga nila..

ng may sumigaw mula sa banyo..

"KUNG AYAW NIYONG MASAKTAN MANAHIMIK KAYO DIYAN!"

Sobrang natakot ako, pero kahit takot ako.. lumapit ako dun sa banyo at binuksan iyon! sobrang nagulat ako dun sa nakita ko.

Pinatay nila yung hinabol nilang babae, sobrang brutal nung ginawa nila, pinagsasak-sak nung lalaki yung babaeng halatang wala ng buhay, habang yung kasama niyang babae nagawa pang higitin yung bituka ng babaeng laslas ang tiyan, animo'y nagkakatay lang sila ng hayop!

Umiyak ako habang tinakpan ko yung bibig ko. Pero biglang lumingon sakin yung lalaki!!

Sobrang nakakatakot yung tingin niya..

The weird thing is biglang nagbago yung apartment na pinasukan namin, wala yung mag-asawang nakatira dun, at hindi na yun apartment kundi..

BAHAY NAMIN..

Nasa second floor kami ng bahay namin, at yung banyo na kung saan dun nila pinatay yung babae ay ..

BANYO SA KWARTO NG KAPATID KONG BABAE!

Oo yung babae na pinatay nila ay sister ko!!

Nanginginig ako sa galit, sa takot, sa awa sa kapatid ko! nagulat ako ng sumigaw yung lalaki!!

"WAG KANG MAG-ALALA ISUSUNOD KA NAMIN!"

Tumayo siya at papalapit sakin,

tumakbo ako

bumaba ako at pumunta ng kusina..

Habang yung lalaki ay tumatawa habang bumaba rin ng hagdanan upang sundan ako dala-dala niya yung dugoang kutsilyo... tila aliw na aliw siyang tingnan akong tumatakbo!

Nakita ko yung kutsiyo sa kusina, dali-dali ko itong kinuha..

"WAG KANG LUMAPIT! KUNDI PAPATAYIN KITA" sigaw ko

Natawa lang siya..

"OWS TALAGA ? KAYA MO? HAHAHAHA" sabi niya habang papalapit sakin

papalapit

ng papalapit na siya..

Sasaksakin ko na sana siya, pero nakailag siya at itinulak niya ako dahilan upang naitapon ko yung kutsilyong dala ko.

Sobrang tumawa siya, nakaupo na ako nun sa sahig habang paatras!

SINAMPAL NIYA AKO ! sobrang lakas! kaya dumugo ang pisngi ko.

"NGAYON MAGSASAMA NA KAYO NG KAPATID MO!" akmang sasaksakin niya na sana ako..

Pero naunahan ko siya, dahil sa kakaatras ko nakuha ko yung kutsilyo na kanina ay natapon ko! sinaksak ko siya sa may tiyan!

Hinigit ko ulit yung kutsilyo at sinaksak ko ulit siya! tumalsik yung dugo sa mukha ko..

Natumba yung lalaki, pagkatumba niya sinaksak ko siya ng sinaksak! sa sobrang galit ko sa ginawa niya sa kapatid ko saksak sa tiyan, ulo, sa may puso, paa, lahat ng parti ng katawan niya kahit mga daliri niya !! sa sobrang daming saksak niya, dugo nalang nakikita ko sa kanya.

Di ko na tuloy kilala ang sarili ko dahil sobrang brutal din ang ginawa ko..

Umakyat ako ng second floor ng nakasalubong ko yung kasama niyang babae, nakikita ko yung sarili ko sa kanya kanina, yung sobrang takot na takot ako, at ngayon siya yung sobrang takot na takot sakin.

"WAG MO AKONG PATAYIN PLEAAAASSSSE" sabi niya habang umaatras at nagmamakaawa.

pero di ko siya pinakinggan.

Lumapit ako sa kanya, sinaksak ko siya, at pinatay ko siya katulad ng ginawa ko sa lalaking kasama niya.

Hindi ako tumigil sakakasaksak sa babae hanggang sa napagod ako at

NAGISING! pucha! sobrang pucha! panaginip lang pala, pero naramdaman ko yung pagod sobra. 

Hindi ko alam kung bakit ganun yung panaginip ko.

BANGUNGOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon