January 13-2013 night.
Hindi ko alam kung nanagnip ako nun o gising talaga yung kaluluwa ko.
Sobrang bigat nung katawan ko, babangon sana ako pero di ko maigalaw yung katawan ko.. kaya tumagilid nalang ako.
SOBRANG GULAT KO NA DI KO MAINTINDINHAN
Tumagilid nga ako pero nanatiling nakatihaya yung katawan ko..
Oo, parang kaluluwa ko lang yung tumagilid! sa sobrang gulat ko tumihaya ako agad! ayoko nun.. di ko maipaliwanag yung pagkahiwalay ko sa katawan ko.. Sabi ko "PANAGINIP LANG TO!" ibinuka ko yung bibig ko para sumigaw ng magising na ako.
Pero..
Parang may nagsasabi sakin na.. "walang sino mang makakarinig sayo!"
Sobrang takot na talaga ako, paano ba ako magising? naisip kong yugyugin yung pinsan ko, tabi kasi kaming matulog.. nasa tagiliran ko yung kamay niya, nakaharap siya sakin. Nakakatawa nga lang yung plano kong yun kasi gigisingin ko pinsan ko para gisingin ako?
Sinubukan ko siyang yugyugin! "yhar?" tawag ko sa pinsan ko.. pero walang tinig na lumabas sa bibig ko..
Sobrang gulat ko pa..
Di ko siya mahawakan!
Oo totoo! parang hangin lang ako!!! ang daming pumasok sa isipan ko .. "paano kung di na ako magising?"
Ipinikit ko nalang mga mata ko, inisip ko lahat ng mahal ko sa buhay.. parang hindi na ako makahinga!
Hanggang sa nasabi kong..
"DI KO NA KAYA!!!!!!!!!!!!"
at bigla-bigla nagising ako, naiyak ako sobra, yung kaba ng dibdib ko ang lakas! habol-habol ko hininga ko.
tama nga, nasa tagiliran ko yung kamay ng pinsan ko, nakaharap siya sa akin. Di ko maipaliwanag yung panaginip ko, basta pagkatapos nun parang takot na akong matulog.
Pero salamat naman, nakatulog ako ulit hindi naman naulit yun.
Nasabi ko sa sarili kong mas mabuti pang managinip ako ng sobrang nakakatakot yung madudugo, patayan.. WAG LANG GANUN! di ko kasi alam kung panaginip ba yun!?