Bangungot 2 [Lake]

759 12 9
                                    

Ito yung panaginip ko na lintik! muntik na akong hindi magising. 

Sa panaginip ko:

Alam ko ang lugar na to, ang lugar na to ay malapit lang sa bahay namin na kung saan may mga puno ng kawayan at sa lilim nito ay medyo may kalakihang "Fish pond" sa palibot ng fish pond ay may kung ano-anong tumutubong halamang sa tubig nabubuhay, kasama na dun ang kangkong at water lily, pag-aari ito ng kapit bahay naming si ate Marina pero alam niyo ba?

Wala akong nakitang fish pond!? ano nakita ko??

LAKE.. oo at ang sarap tingnan nun tubig :D ang linaw-linaw na para bang nang-aakit na "halika dito't maligo.. masisiyahan ka" 

Kasama ko pala yung kuya kong si Gab at yung nakababatang kapatid ko din na si Doy.

"Wow ang sarap maligo dito" ani kuya Gab

"Oo nga " sang-ayon naman ni Doy

"Okay .. wait .. wait"sabi ko.

"Ganito paunahan tayo ng langoy mula dito hanggang sa dulo"

"Oh sige ba" pagsang-ayon ng dalawa.

WASSSSSSHSIIKKKKK!! sabay sabay kaming tumalon sa tubig at nagsimulang lumangoy papunta sa kabilang dulo.

Pero ng umahon ako.

Di ko na sila nakita.. at ang laking gulat ko pa ng...

Nawala yung Lake, bumalik na sa dati at nakalusong na ako ngayon sa Fish pond! yaaaakks! maputik yung tubig! dali-dali akong umahon, pero nasaan dalawa kong kapatid?

"Kuya Gab!!! Doy !!!" tawag ko sa kanila.

Walang sumagot sakin, umuwi ako ng bahay baka umuwi na sila. 

Pagdating ko ng bahay, wala! wala dun ang dalawa kong kapatid, sinabi ko kay mama lahat..

Hinanap namin sila, pati mga kamag-anak at kapitbahay namin tumutulong na rin.

Umiiyak na si mama, pati ako  sinisisi ko yung sarili ko, kasi feel ko ako yung may kasalanan dahil ako yung huli nilang kasama.

Ilang araw na raw ang nagdaan, di parin namin sila nakikita hanggang sa ..

"Tita!!!!!! Ate Ren!!!!!!!" tawag sa amin ng pinsan ko.

"Oh bakit? may balita ba?" tanong ni mama.

"ah --eh --po" hinihingal pa yung pinsan ko

"Bakit? ba ? ano ba? sabihin mo na!" Medyo naiiinis na ako.

"Si Gab at Doy .. nakita na sila, hali kayo sumama kayo sa may Fish pond nina Aleng Marina."

Nagtataka ako "Fish pond"? Oo dun kami huling nagkasama ng mga kapatid ko. Kahit na medyo naguguluhan ako, di bale na! ang importante ay nahanap na sila.

Ang saya ko ..

Dali-dali kaming pumunta dun. Alam niyo ba anong nadatnan namin? Alam niyo ba anong natagpu-an nila?

Pugot na ulo ng dalawa kong kapatid.

Para akong pinako sa kinalalagyan ko

Hindi ako makaiyak

Hindi ako makasigaw

Iyak ng iyak ang mama ko at nagkagulo lahat ng tao sa paligid namin.

Pero tila bingi ako wala akong anumang narinig!

Basta nalang ako bumagsak sa putikan! oo sa putikan humiga ako wala akong pakialam.

Inihampas-hampas ko sa putikan kamay ko, gumulong gulong ako para lang lumabas tinig ko , kasi gusto kong sumigaw!

Umiyak, pero walang nangyari nanatiling walang boses at luha lumabas sa bibig at mata ko. Inisip ko "Bakit? Bakit ? sinong gumawa nito? napaka walang puso! di ko kayo mapapatawad!!"

Sinisi ko rin sarili ko dahil sa ako yung huling kasama nila bago sila nawala. Bakit hindi ko sila natulungan ? bakit hindi nalang ako sinama ng mga halang na kaluluwang gumawa nito sa mga kapatid ko? Bakit sila pa? bakit hindi nalang ako? wala talagang luha.

Wala talaga akong boses! kahit anong sigaw gagawin ko. Naisip ko nalang na WAG HUMINGA

OO HINDI AKO HUMINGA

MALAPIT NA AKONG MALAGUTAN NG HININGA!

PAGULONG-GULONG AKO SA PUTIKAN!

HANGANG SA MAY BOSES NG LUMABAS SA BIBIG KO! SUMIGAW AKO!

"huy! ate .. gising !" niyugyug na pala ako ng pinsan ko

Tapos kumatok yung uncle ko sa kwarto namin, pati siya nagising sa sigaw ko.

ANG SAMA ANG SAMA SAMA! UMIYAK TALAGA AKO PAGKAGISING KO, AT THANK YOU SA PINSAN KO DAHIL GINISING NIYA AKO, DAHIL SA TOTOO LANG PINIGILAN KO TALAGA ANG PAGHINGA KO.

BANGUNGOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon