Bangungot 1 [kapitbahay]

896 15 16
                                    

Sa Panaginip ko:

Nasa itaas daw ako ng punong kahoy, kung bakit? yun ang hindi ko alam. 

Nakita ko yung magandang babae sa ibaba, kilala ko daw siya, kapit bahay daw namin pero sa totoo wala naman akong kapitbahay na ganun ang hitsura. Maputi, mahaba ang buhok, medyo singkit ang cute niya.

Pero nagulat ako sa sinabi niya.

"Bumaba ka riyan!"

"Ha? bakit?"

"Eh ano pa? kundi para mapatay na kita"

Hindi ko alam ang pinagsasabi ng babae, bakit niya ako papatayin?

Ngumiti siya, akala ko joke lang.

Pero ..

Nakita ko yung hawak niyang kutsilyo! diyos ko! di ba siya nagbibiro? talagang gagawin niya yun?pero bakit?

Laking gulat ko ng umakyat din siya sa puno kong nasaan ako..

"Okay.. ayaw mong bumaba? eh di ako ang aakyat!"

"Bakit ba? bakit mo ba ako papatayin!? ano bang kasalanan ko sayo?"

Tumawa lang siya.

Umakyat ako dun sa mas mataas pa, hanggang sa wala na akong maakyatan pa!

papalapit na siya ng papalapit!

takot na takot na ako.

"Heto na ako"  sabi niya

Sinaksak niya paa ko, buti nalang nakailag ako at daplis lang natamo ko..

BANGUNGOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon