5th REBOUND

3.3K 39 14
                                    

5th REBOUND


Continuation of Mika Reyes' Point of View


I just can't figure out why Jeron hates me that much. Just correct me If I'm wrong but, ginawa ko lahat para lang mahalin ako ni Jeron. I'm still standing here infront of a bunch of Green Archers with Ara at my back. I turned my back from them to keep myself from crying, to hide the pain that I am currently feeling. I looked at Ara who was looking at me sadly.

"Grow up na kasi Reyes, don't be so immature!  And wake up! Every story may began with a once upon a time but not all of them ends with a happy ending, just like the ones you read on those pesky fairy tales. And I'm sorry to break it to you, ours belong to that miserable and sad stories, because you know what? Hindi mutual ang nararamdaman natin, if you have feelings for me? I don't have something for you kaya tigil-tigilan mo na ako at bigyan mo naman ang sarili mo ng kaunting kahihiyan at pride!" Dagdag pa ni Jeron na talagang hudyat na ng pagbre-break down ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Excuse us lang guys ah! Pupunta na kami ni Mika sa Patron, dun kasi kami nakaupo eh. Good Luck na lang ha! Excuse." Ara excused us infront of the boys. It seems like history repeats itself, yung scenario kanina sa Henry Sy Building, and this time si Ara naman ang gumagawa nun sa'kin.

End of Mika Reyes' Point of View


Ara guided her best friend who was still in tears as of the moment on the way to the dugouts exits. They sat at the mini-bench near the Arena's entrance and rested Mika's head unto her shoulders, "Ang malas-malas natin Best no? Ginawa nila tayong tanga! Sa bandang huli ng istorya, tayo na namang mga babae ang dehado. Nakakainis best! Nanggigigil ako ngayon sa sarili ko. Pero hindi mo naman talaga ako masisisi eh, mahal na mahal ko si Jeron, alam mo yun!" Mika told her best friend while sobbing.

Ara just listened to her patiently and played with Mika's silky smooth hair. Ara's tears began to fall down on her cheeks as well, feeling and sharing the same pain as her best friend. "Sssshh! Best, tahan ka na, lalake lang yan, makakalimutan mo rin yan Best! Makakalimutan mo rin ang nararamdaman mo para kay Jeron." Ara told her best friend casually to lighten up Mika's mood, her best friend in turn, just snickered and replied, "Akala ko Best, Woman of Steel na ako! Akala ko immune na ako sa lahat ng masasakit na bagay sa mundo. Lalong-lalo na kay Jeron, akala ko sanay na akong nire-reject, sanay na akong sinasabihan niya na  pangit, payat, kapre, desperada, at kung ano-ano pa! Gag* hindi pa pala eh! Hindi pa Best!"

Mika in between sobs tried to speak again, but she didn't find the right words to tell Ara how much pain she's feeling right now, but she knew that her actions speaks louder than her words. Ara just continued rubbing Mika's back trying to ease the pain that she's been feeling. A moment of silence enveloped the two until Ara had the courage to spoke up, "Anak ng meant to be best! Haha! Mag-best friend nga tayo, parehas gaga at tanga! Hahaha! Yan nga din ang nafe-feel ko noon Best eh, but believe me, masakit lang yan sa simula, pero later on, you'll realized na sadyang everything happens for a certain purpose lang talaga, and you'll thank God for letting him dictate your story."

Mika lifted her head up high to see Ara, who's crying and sobbing with her, she wiped away Ara's tears and just forced a smile, "Best matanong ko lang ano, what happened to you and Thomas ba talaga? As far as I can remember umuwi ka na lang ng basa sa dorm at ang taas-taas na ng lagnat mo. And whenever I try na tanungin ka kung ano talaga ang tunay na nangyari ay sinasabi mo lang na hindi ka pa handang pag-usapan yun. Dalawang buwan na ang nakakaraan best, sana naman ma-share mo na sa'kin ngayon, ang unfair naman kasi na hindi ko alam eh best friend mo'ko eh."

"Nako Best! Matatawa ka lang, matatawa ka lang sa katangahan na nagawa ko noon. Kaya nagpapasalamat na rin ako sa Diyos, kasi ni-remind niya sa'kin na wag agad-agad magpaloko at maniwala sa iba, tinuruan niya akong mas maging matapang at wag lalambot-lambot. Sobrang thankful ako at nangyari sa'kin yun. Hindi ko nga lang maiwasang hindi masaktan. Pero all in all, very thankful ako dahil maaga pa lang, nilayo na niya ako sa ugok na Thomas Torres na yun!" Ara told Mika jokingly in between their sobs, while Mika just stared at her looking unsatisfied and disappointed.

"Nako Best ha! Ang galing-galing mo talagang magpalusot! Sabi ko sabihin mo sa'kin kung ano talagang nangyari sa inyo, hindi ko tinanong kung ano ang mga naging conclusions mo after! Ikaw ha! Haha! But best, seryoso, what happened ba talaga?" Asked Mika impatiently while wiping her tears and shifting her attention to Ara. "Oo na nga sige na! Sasabihin ko na sa'yo ang Ugly Truth!" Ara in reply said while rolling her eyes and heaving a deep breath.

Ara Galang's Point of View

 

Okay? Paano nga ba nagsimula yung katangahan moments ko noon? I closed my eyes to meditate and reminisce all the pain that the past brought me. How I fell, and how I rise up. It all began with a simple dare, may one year residency kasi kami dito ni Mika eh kaya medyo nakasalamuha at nakapag-bonding pa'ko ng kaunti sa mga estudyante rito. So yun na nga, nagsimula yun sa isang dare, dare ng mga blockmates ko at ni Mika na dapat daw in one month, magka-boyfriend na ako. Ako naman na isang tanga naniwala rin, so what I did was I researched stuffs about signs in finding your true love, until I found this silly yet cute one.

***

I am on my way now sa west wing ng building na ito sa La Salle, dun ko balak na simulan 'tong dare na 'to. I just wish na hindi ako mapahamak dito or something. I just hope na yung makapulot nito ay isang mabuting tao at hopefully siya na rin ang makatuluyan ko if ever. I found this tip while surfing the net. I have a piece of paper in my hand, folded and made it into a paper plane, may message to sa loob at may number ko if ever mag reply siya sa'kin, minabuti ko namang ilagay na sana magpakilala siya at maging mabuti sa'kin.

Sabi kasi dun sa site na nahanap ko, pag nagpalipad ka raw ng paper plane na may message sa loob ng Men's Restroom or CR, ang sino mang makapulot nun ay may chance na makatuluyan mo. See? Dare lang pero minabuti ko nang makatuluyan ko? Syempre gusto ko ring seryosohin ang dare na yun, ang cute kaya kapag ang magiging future husband ko ay nakita ko lang sa pamamagitan ng isang dare. Somewhat somehow ang cute ng magiging love story namin.

Sana nga lang talaga mabuting tao ang makapulot nito, alam ko medyo delikado pero feeling ko naman it's worth the risk eh. Feeling ko naman hindi ako pababayaan ni Daddy God, tsaka I trust him, alam kong hindi niya ako hahayaang mapunta sa masasamang mga kamay. So fingers crossed, nakatayo na ako sa harapan ng Men's comfort room, syempre tinakpan ko ang mga mata ko baka akalain pa ng mga yun namboboso ako. Pinalipad ko ang Paper Plane ko sabay takbo at upo sa bench, natawa na lang ako sa sarili ko kung bakit ko ba talaga ginawa yun, pero wala na, nagyari na ang dapat mangyari, haay sana siya na talaga.

***

Past seven na ako nang makauwi sa dorm, kami ni Mika, galing kaming training with the team, pasok pala ang roster namin for Season 73 sa finals at UST pa kalaban, syempre as rookies for next years support din kami sa team. Until naramdaman kong my phone vibrated, I forgot I put it up in silent mode earlier while on training. I fished for it quickly then checked if anong notification. And tumambad sa'kin ang isang number. And alam kong siya ang nakapulot ng paper plane kanina sa Men's Comfort Room.

Kinakabahan ako, nagdadalawang-isip kung bubuksan ko ba o hindi. Pero sooner or later binuksan ko na rin ang message, "Hi Miss! The name's Thomas Torres. 16 years old. Future Green Archer." Ahh so Thomas Torres name niya, and future Green Archer? Meaning magiging rookie rin pala siya ng varsity team namin? Ang cool naman nun! Green Archer at tsaka ako Lady Spiker.

"Hello Thomas! I'm Victonara Galang, but you can call me Ara. 16 years old. And a future Lady Spiker!" Reply ko naman kay Thomas ng ma-receive ko na ang text niya. I waited for fifteen to twenty minutes para mag-reply siya pero wala pa rin. So I decided na maligo muna habang hinihintay ko ang reply ni Thomas. Ang saya pala sa feeling ng ganito, super!

Binilisan ko talagang maligo dahil sobrang excited akong tingnan ang phone ko to see if nag-reply na ba si Thomas and tama nga ang hinala ko, nag-reply na nga siya. "Wow! So ikaw pala si Ara Galang? Ang bagong wonder rookie ng Women's Volleyball Team ng La Salle ngayong upcoming Season 74? Ang swerte ko naman! It's an honor." Thom's words kinda made me blush, nakakahiya naman 'to noted na pala ako dito sa Taft. Tsaka may sense of humor din pala si Thom, nakakatawa siya feeling ko masaya siyang kasama.

"Nako Thomas Torres hindi yata ako na-inform na super bolero ka pala! As in super! Tapos nakakatawa pa! Haha, thanks for making me smile Thom! Inaantok na ako, Good Night!" Hindi ko na hinintay pang mag-reply si Thom kasi inaantok na talaga ako ng sobra-sobra eh. I decided to call it a day and went to sleep.

***

Thursday morning ngayon, and tuwing Thursday schedule ng team na mag-jogging around sa oval. Pero 4:00 pa lang naman at magsta-start kami 4:30 pa kaya pumunta muna ako sa locker room namin dahil nakalimutan kong i-prepare ang knee pads ko for the training mamaya. Pero bagka-bukas ko ng locker, tumambad sa'kin ang isang box ng cupcakes. OMG! Favorite ko 'to! May note pa nga eh na good morning daw at kay Thomas pa galing. May God! Paano kaya nalaman ni Thomas ang combination ko?

"Uuuy Best cupcakes?! Pahingi Best! Hindi pa ako nag-breakfast eh baka mahimatay ako mamaya sa training! Sige na Best pahingi!" Biglang sulpot naman nitong si Mika na ikinagulat ko naman ng husto. Binigyan ko naman siya ng isa tsaka kinain niya ito ng buo. Akala ko mabubulunan na ang lola niyo pero may water pala siyang dala.

"Best ang sarap ha! Sino may gawa niyan? I mean, sino ang nagbigay niyan sa'yo?" Tanong naman sa'kin ni Mika na nagsasalita pa habang humirit ulit ng isa pang cupcake. "Bigay ni Thomas Torres best, yung rookie Green Archer din for next year? Nagkakilala kasi kami kahapon eh." Sagot ko naman kay Mika habang tumitikim na rin ng isa.

"Kahapon lang kayo nagkakilala tapos ngayon may cupcakes ka na?! Over naman yun best ang bilis-bilis! Paano niya naman nalaman yung combination ng locker mo at nailagay niya yan diyan sa loob?" Tanong sa'kin ni Mika which made me think kung paano nga ba talaga? Paano nalaman ni Thomas yun? "Ewan ko ba best basta pagkabukas ko ng locker andito na 'to." Sagot ko sa kanya casually,

"Pero best do you know what this means?" Tanong sa'kin ni Mika while smiling at me deviously. "Ano?" Tanong ko sabay napakamot sa ulo. "Ang slow mo talaga best! This means na, malapit mo nang ma-accomplish yung dare namin sa'yo! Eeeii!" sigaw ni Mika with matching talon-talon na nakakuha naman ng attention ng buong Lady Spikers.

They approached the both of us with a weird look on their faces."Oy girls! Girls! Ano 'to? Ba't may tilian moments na nagaganap?" Tanong sa'min ni Ate Cha, ang Team Captain for the next season. "Nako Mommy Cha si Ara dalagang-dalaga na. Pinadalhan siya ng cupcakes ni Thomas Torres! Yung incoming Green Archer? OMG! Nakakakilig diba?" Sagot sa kanila ni Mika at nagtilian naman ang ibang girls.

"Hanep Mika! Sa halip na si Ara, ikaw pa talaga ang nag-blush! Ano ikaw pinadalhan?" Sabi naman ni Ate Michele kay Mika na dahilan ng pagtawa ng ibang teammates ko. "Kaya nga Ate Mich eh, daig na daig pa ako! Oh ano, before tayo mag-start appetizer muna tayo." Sabi ko sa mga teammates kong medyo may pagka-PG.

Masaya naman kaming nagkainan habang nagpapalipas ng oras. Maraming cupcakes ang pinadala ni Thomas sa'kin, kering-kering i-accommodate ang buong team namin. Sakto namang 4:30 kami natapos kaya nag-start na kaming mag-jogging around sa Taft Oval. Masayang-masaya na ako kakasimula pa lang ng araw ko, pero mas lalo akong sumaya nung dumating ang Green Archers at nag-jogging din. Tili naman ng tili ang mga kasama ko, honestly hindi ko namumukhaan si Thomas eh, hindi ko alam ang itsura niya pero may isang gwapitong lalake ang lumapit sa'kin.

"Hi Miss. Ikaw ba si Ara? Ara Galang?" Tanong sa'kin nung guy. Tumango na lang ako in return kasi feeling ko napako na ako sa kinatatayuan ko dahil sobrang nast-starstruck ako sa kanya. May hinala na ako, na siya si Thomas Torres. "T-Thomas Torres? Ikaw si Thomas Torres?" Tanong ko naman sa kanya. Patuloy pa rin ang tilian ng mga teammates ko pero parang nag-dissolve sila agad-agad, parang kami lang ni Thomas ang tao rito, di ko na sila napansin, hanggang sa...

"Captain Cha, pwede ko po bang hiramin si Ara? Sige na po, please?" Pagpapaalam ni Thomas sa Team Captain namin. "Total, tapos na rin naman kami sa training, sige, I'll give you my blessing. Basta ba't aalagaan mo ang Ara namin ha? Kakabugin pa niyan ang court the next Season." Sagot ni Ate Cha na kadahilanan ng pag-ngiti ni Thomas, ngiting tagumpay.

Nagulat na lang ako na kinuha bigla ni Thomas ang kamay ko, tsaka pumasok kami sa loob ng gym. Syempre hindi nawala ang tilian ng mga teammates namin sa moment na yun, pero sumunod lang ako kay Thomas na parang wala sa sarili ko. Umupo kami sa bleachers tsaka inabutan ako ni Thomas ng tubig tsaka voluntarily, pinunasan niya yung pawis ko. Syempre given na yun na kiligin ako, pero I'm that kind of person that's so good at hiding my feelings, kaya hindi ito masyadong napansin ni Thomas, "T-thank you Thomas, hindi mo naman kailangang gawin yun." sabi ko sa kanya na may konting hiya pa sa tono ng pananalita ko.

"Eh sa gusto kong gawin yun sa'yo eh." Sagot naman ni Thomas sa'kin sabay kindat. Hindi ko alam kung anong motibo nitong lalaking 'to pero feeling ko malapit na akong mamula. Grabe si Thomas, hindi ko alam kung ganito ba talaga siya sa lahat dahil friendly lang siya o vice versa. Bigla naman akong nag-isip ng bagong topic para hindi na ako ma-awkward. "Ahh Thomas, thank you nga pala dun sa cupcake na pinadala mo ah? Super thank you, nag-abala ka pa talaga. Tsaka, paano mo nga pala nalaman ang combination ko?" Tanong ko kay Thomas na masinsinan at I'm hoping na sagutin niya ito honestly.

"Aaahhh Ara wild guess ko lang naman yung combination sa locker mo, naisip ko na baka birthday mo kaya yun nilagay ko at tumpak naman! Wag kang mag-alala Ara hindi naman ako mangingialam sa mga gamit mo eh, you can trust me." Sagot naman ni Thomas reassuringly, napak-thoughtful niya naman, tsaka tsamba King pala 'tong si Torres, wild guess lang daw.

"Ahh oo naman Thomas, thank you talaga."

***

Ilang days and weeks na rin ang lumipas at nagiging mabuting magkaibigan naman kami ni Thomas, patuloy pa rin yung paglalagay niya ng mga sweet stuffs sa locker ko, halos everyday nga yun eh, halos walang mintis. Mas lalo ko pang nakilala si Thomas, at napakabait niyang tao. Hanggang isang araw nagpaalam siya sa'kin kung pwede ba raw siyang manligaw. Choosy pa ba ako? Thomas Torres na yun eh, kaya naman pinayagan ko siyang manligaw sa'kin. Medyo may feelings na rin kasi ako kay Thomas noon eh. Hindi siya mahirap mahalin at magustuhan. Super bait kasi nung tao at sobrang maaalahanin. Nung nag-start nga siyang manligaw sa'kin parang kami na agad-agad, lagi kasi akong pinapaalahanan na kumain on time, wag magpapagod, at kung ano-ano pang naiisip niyang sabihin.

His courting duties lasted for three months, sinagot ko siya nung March 8. Hindi ko naman masasabing perpekto ang relasyon namin ni Thomas dahil meron din namang tampuhan sometimes at misunderstanings pero bilib talaga ako sa boyfriend ko kasi hindi siya ma-pride na tao, hindi niya sinasabayan yung init ng ulo ko, lagi niya akong iniintindi. Kaya somewhat somehow maswerte ako at naging boyfriend ko si Thomas. And today, namro-mroblema ako ng sobra kasi today is the day na ipapakilala ako ni Thomas sa family niya. Syempre tinulungan ako ng mga ever supportive friends ko sa paghahanda.

A few minutes later narining ko nang bumusina yung kotse ni Thomas sa harap ng dorm namin. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa harap ng mirror namin. Okay na ako, ayos na 'tong itsura ko. Bumaba naman ako kaagad at pumunta sa gate, nakita naman kaagad ako ni Thomas kaya sinalubong niya ako agad-agad, "Hi Baby Ara! Ang ganda mo naman dyan sa suot mo, nakakapanibago nga lang! Haha"

"Ikaw talaga Thomas! Puro ka bola eh, nakakainis ka na ha! Tara na nga, kinakabahan na ako. Sana magustuhan ako ng parents mo ano?" Sabi ko kay Thomas na medyo kinakabahan. He just chuckled at me in return and guided me on the way to his car, gentleman talaga. Hindi naman masyadong traffic on the way sa bahay nila Thomas, ang malas ko talaga. Nag-wish ako na sana ma-traffic para matagalan kami pero ang bilis-bilis ng daloy ng mga sasakyan sa daan. Nagulat ako nung makita ang bahay nila Thomas, ine-expect ko kasi na mansion eh, pero hindi naman pala kalakihan,sakto lang ang laki tsaka simple pero maganda. Pang mayaman talaga eh, bigla tuloy akong kinabahan.

"Ano tara na?" Aya ni Thomas sa'kin at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse. Hindi na lang ako sumagot sa kanya, sa halip ay nagtungo na lang kami sa loob na parehong walang imik sa isa't-isa. Sinalubong ako ng mga kapatid ata ni Thomas na ang cu-cute, nag-hi sila sa'kin kaya naman nag-hi rin ako sa kanila. Nagtungo kami sa sala nila Thomas kung saan ang dami-dami nilang picture na mag-anak, nakakita rin ako ng picture ni Thomas nung bata pa siya, grabe ang cute pala ni Thomas! Super!

"Ayy sir Thomas! Andito na po pala kayo, dun na lang po kayo dumiretso sa likod, sa may gazebo niyo po, andun kasi sila Ma'am Martha at Sir Theodore, kanina pa nga po kayo hinihintay nun." Sabi naman ng katulong nila Thomas out of the blue."Sige po Manang Flor, maraming salamat po." Sagot naman ni Thomas dun sa katiwala nila. Nilagay ni Thomas ang kamay niya sa bewang ko, seems like his gestures tell me that we should get going.

Pumunta kami sa may likod ng bahay nila Thomas. Kumakabog at tumatalon na talaga sa nerbyos itong puso ko. Sana lang talaga mabait ang parents ni Thomas, sana magustuhan nila ako. Lumapit kami sa gazebo nila Thomas na nasa tabi ng olympic-sized pool nila Thomas. Nakangiti naman ang dalawang taong nakaupo sa gazebo habang papalapit kami. Sa ngiti nilang iyon, medyo nabawasan na rin ang kaba ko. Tsaka naniniwala naman akong mababait ang parents ni Thomas eh, kasi ang bait-bait din ni Thomas.

"Finally! Ara Galang hija! It's really a pleasure to meet you. You're so pretty hija." Sinalubong naman kami kaagad ng Mommy ni Thomas tsaka hinug niya ako atsaka nakipag beso-beso. "Thank you po Ma'am. It's a pleasure to meet you din po." Sagot ko sa Mommy ni Thomas sabay mano sa kanya.

"Haaay nako Ara hija, just call us Tito and Tita, wag ka nang mag ma'am at sir diyan masyado ka namang pormal." Sabi naman sa'kin ng Daddy niya habang lumalapit sa'kin at hinug din ako."Ang galing-galing talagang pumili nitong anak ko! Manang-mana talaga sa'kin." Dagdag pa ni Tito Theodore habang ginugulo ang buhok ni Thomas, nakakatuwa silang tignang mag-ama. Para kasing magkabarkada lang eh.

"Nako, tama na muna yan! Halina kayo at kumain na tayo, for sure ay napagod kayong dalawa sa biyahe, tara na, nakahain na rin ang mga pagkain. Feel at home Ara hija ah!" Sabi naman sa'min ni Tita Martha sabay bigay sa'kin ng pinggan. "Thank you po Tita." Pasasalamat ko sa kanya, sabi ko na nga ba eh, mababait talaga ang parents ni Thomas, kaya kahit papaano ay nawala na rin ang kaba ko na parang kanina pa ako pinapatay.

"Ma, Pa, sila Justine at Rayray po? Kumain na po ba sila? Ba't wala po sila dito?" Biglang tanong ni Thomas out of the blue. Nako, napaka-maaalahanin namin nitong si Kuya! Haha! "Kumain na yung mga kapatid mo Thomas, don't worry. Actually pinauna na namin sa pagkain yung dalawang yun kasi baka kung ano-ano pa ang itanong nung mga yun sa girlfriend mo. Nakakahiya naman dito kay Ara." Sagot naman ni Tita Martha kay Thomas.

ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon