Bakit pa kailangan ko magdusa? Hanggang pagdungaw na lang ba ang magagawa ko, hanggang pagtingin na lamang ang tanging magagawa ko sa buong buhay ko sa bintanang ito?
Nakadungaw na naman ako sa bintana. Anong pa bang magagawa ko eh, paralisado ang kalahati kong katawan.
“Ella, kamusta ka na?” tanong ni Dr. Francis na nagmamay-ari ng ospital na’to.
Napatangin ako sa kanya, pinilit kong ngumiti
“Eto okay lang kahit bored na bored ako dito” reklamo ko
Napatawa lamang siya at nagsalita. “Wag kang mag-alala. Gagaling ka din basta wag mo lang kakalimutan humiling at magdasal kay...”
Hindi na niya itinuloy yung salita niya at itinaas na lamang ang kanyang hintuturo tila may tinuturo sa taas. Tumingin naman ako sa taas at tanging nakikita ko lang ay kisame.
“Magdasal kanino? Sa kisame?” asar ko
Tumawa siya ulit “Mali hija, kay Hesus, kay God ka magdasal” sabi niya
“Hmph! Hindi na ako naniniwala kay Hesus o kay God. Ilang taon na akong humihiling at nagdadasal na sana maging okay na ako, gumaling na ako at makalakad muli. Pero ito ako nganga, kain bubog.” yamot ko
“Hija, wag kang mawalan ng pag-asa. Laging may dahilan ang Panginoon sa lahat ng bagay na nangyayari. Hindi mo lang alam dahil hindi pa yung tamang oras” sagot niya habang nakangiti sa’kin.
“Hay nako. Kailan ko malalaman? Kapag malapit na’kong mamatay?” sagot ko
Napansin kong nawala ang ngiti niya at pinipilit niya itong ibalik sa dati sakaling hindi ko ‘yon mapansin.
“Basta manalig ka lang. Sige mauuna na’ko may dadalawin pa akong ibang pasyente” sabi niya.
Hinalikan ako ni Dr. Francis sa noo tsaka siya dahan-dahan lumabas sa kwarto ko. Pinagpatuloy ko ang pagtingin sa labas ng ospital. As usual maganda yung view dito. Kitang-kita yung paglubog ng orange na araw. Yung mga taong naglalaro sa playground. Yung inggay sa kalye. Balang araw, gusto ko sana maranasan ang mga ‘di ko nararanasan simula nung naging paralisado ako. Siguro ‘yon na yung una’t huling hiling ko na hindi matutupad kahit kalian.
“Haisst...” napabuntong hininga ako
Krrassshhh!
Nagulat ako sa tunog at napatingin kung saan galing iyon. Tumingin ako sa bintana at nakitang basag na ang salamin nito, nagkalat yung bubog ng salamin. Nagsi-datingan ang mga nurse at si Dr. Francis sa kwarto ko. Lumapit agad si Dr. Francis sa akin.
“Ayos ka lang ba hija?” nag-aalalang tanong niya
“Opo ayos lang po ako” sagot ko
“Ano bang nangyari?” usisa ng nurse
“Nakatingin lang po ako sa bintana, tapos lumingat lang po ako ng saglit nang biglang nabasag yung bintana” paliwanag ko
“Mukhang may lumipad na Sepaktakraw dito” sabi ng isang nurse
Inabot niya ito kay Dr. Francis, minasdan niya ito ng maigi. Nang biglang may nagsalita na guard sa pinto.
“Dr. Francis may isa pong binata ang gustong makausap kayo” sabi ng guard
“Binata?” nagtatakang sambit ni Dr. Francis
BINABASA MO ANG
Tokwa't Baboy
RomanceAng tokwa't baboy ay isa sa kadalasan kainin ng mga Pilipino sa karinderia lalong-lalo na kung wala ka nang pera. Ngunit sa istorya dito ang tokwa't baboy ang magsisilbing tulay upang magkatagpo ang dalawang taong nakatadhana sa isa't-isa