Minsan talaga may nagagawa ka na pinagsisisihan mo sa huli. Yung tipong ayaw mo nang mabuhay dahil sa kahihiyan dulot ng mga nagawa mo. Gayunpaman ang mahalaga doon ay nalaman mo nagkamali ka, natutong bumagon sa bawat pagbagsak at hindi nagpadaig sa agos ng buhay.
As usual nakadungaw ulit ako sa bintana kaso iba na yung view, puro sasakyan at usok lang ang nakikita ko. Ang ingay pa, badtrip naman. Nakakainis kasi nabasag niya pa yung bintana kaya ayan tuloy nalipat ako. Pero in fairness bumawi naman siya, buti na lang cute siya kung hindi, ‘di ko siya mapapatawad.
“Nakakabagot” napabuntong hininga ako
Biglang may nagbukas ng pinto.
“Good morning Ella!” bati sa’kin ni Dr. Francis
“Oh, kayo pala Dr. Francis! Good morning din sayo!” bati ko sa kanya
“Mukhang malungkot ata ang prinsesa ngayon ah. Anong dahilan?”
“Eh kasi naman Dok, inilipat ako sa ibang kwarto. Hindi nga basag yung salamin, puro kotse at building lang ang nakikita ko dito. Bukod pa dun ang ingay pa”
“Pagpasensyahan mo na. Onting tiis lang, bababalik ka rin sa dating mong kwarto. Mamaya ayos na yun tapos ipapalipat na kita”
“Pakidalian na lang po para makita ko pa si Mr. Sunshine bago siya lumubog”
“Noted. Oh sya, iwan na kita diyan. Bye”
“Bye po”
Naiwan na naman ako mag-isa sa kwarto. Since wala naman magandang view na makikita ditto. Matutulog na lang muna ako. Pinikit ko yung mga mata ko.
Ilang minuto lang ang nakalipas, nagising na ako.
Naghikab ako at nag-unat.
“Hapon na wala pa rin nangyari, nandito pa rin ako. Nakatambay sa pangit na view ditto. Kailan ba ako ililipat? Papalubog na si Mr. Sunshine oh!”
Wala akong magawa bored na bored na talaga ako. Nahiga na lang ulit ako. Biglang may kumatok sa pinto. Napatayo ako... Ay, hindi pala ako makatayo noh, yung ginawa ko pala parang yung naka-upo lang sa higaan. Basta yun na yun! Tumingin ako sa pinto.
“Sino yan? Dok ikaw ba yan?” tanong ko
“Pwde ba akong pumasok?” sabi ng tao sa likod ng pinto
Parang familiar yung boses n’ya pero I’m sure hindi siya si Dr. Francis.
“Umm... Sino po kayo at bakit po gusto n’yo pumasok sa kwarto ko? Kilala ko ba kayo?”
“Andami naman tanong. One at a time please. Yes kilala mo ako. Ako si Gerald, yung nakabasag ng salamin” sabi ni Gerald
“G-Gerald!?! Sige pumasok ka”
Pumasok si Gerald sa kwarto may dalang pagkain.
“Hi!” nahihiyang sabi niya
“Hello! Bakit ka nagpunta dito?” tanong ko
“Eh kasi...” napakamot siya ng ulo
“Bakit nga?”
“Well... To tell you the truth, honestly I also don’t know. Basta sabi sa’kin dalawin daw kita”
“Sino naman nagsabi?”
“Well...Si heart ko” nahihiyang sabi niya
BINABASA MO ANG
Tokwa't Baboy
RomanceAng tokwa't baboy ay isa sa kadalasan kainin ng mga Pilipino sa karinderia lalong-lalo na kung wala ka nang pera. Ngunit sa istorya dito ang tokwa't baboy ang magsisilbing tulay upang magkatagpo ang dalawang taong nakatadhana sa isa't-isa