Sabi nila ang buhay daw ay isang kalye, maraming kang makakasalubong at makikilala ngunit ang iba sa kanila iiwanan ka at mag-iiba ng landas pero kahit magkaganun man patuloy pa rin ang takbo ng buhay. Kaya nga may kasabihang People come and go.
Wala na siya. Nakipag-break na siya sa akin. Bakit ganun? Kung kailan ibinuhos ko na ang lahat lahat ng pagmamahal ko sa kanya tsaka niya ako iiwan.
Patuloy lang ako sa paglalakad sa kalye hanggang sa mapadpad na ako sa isang playground malapit sa ospital. Nakita ko yung mga bata naglalaro sila na parang ‘di alintana sakanila ang ingay ng mga kotse sa kalye. Naiingit ako sa kanila kasi parang walang katapusan ang kanilang kaligayahan. Hindi pa nila kasi sila handang maranasan ang mga paghihirap namin, nating mga nakakatanda sa kanila. Sana pala bata na lang ako panghabang-buhay hindi dahil gusto kong mabuhay magpakailanman kundi dahil gusto kong makatakas sa mga sakit at paghihirap na nararamdaman ko ngayon. Bigla kong naalala may sepak pala sa bag ko, susubukan kong laruin ‘yun para naman mawala sa isip ko yung kalungkutan ko.
Binuksan ko yung bag ko at nakita ko nga yung sepak, kinuha ko ‘yon at naglaro. Nakita ako ng mga bata at nagsitakbuhan sila papalapit sa’kin.
“Kuya, ang galing n’yo naman!” sabi ng isang bata
“Wow!” sabi naman ng isa
Napangiti lang ako dahil manghang-mangha sila sa’kin.
“Kuya laro tayo n’yan. Marunong po ako maglaro ng Sepak” anyaya ng isa
“Ako rin!” sigaw ng isa pang bata
Hangang sa madami na ang gustong mag-try laruin yung Sepak.
“Sigurado ba kayong marunong kayo nito?” tanong ko
“Opo” sagot nila
Ipinasa ko yung Sepak sa kanila.
“Eto saluhin n’yo!”
Sinalo naman ito ng isa tapos ipinasa sa isa pa at sa isa pa. Ang saya ng paglalaro naming kaya nakalimutan ko ng panandalian ang kalungkutan at sakit ng puso ko. Papalubog na ang araw nung natapos kaming maglaro.
“Sige Kuya, uuwi na kami. Gabi na kasi eh, bukas na lang ulit” sabi ng isa
“Bye Kuya!”
Nagpaalam na sila sa’kin
“Bye! Maraming salamat sa inyo!” sabi ko
“Mali ka Kuya, kami ang dapat magpasalamat sa inyo. Ang dapat mong sabihin sa amin ay Welcome! ganun dapat” turo sa’kin ng pinakamaliit sa kanila
Napatawa lang ako sa mga sinabi niya
“Eh ‘di welcome sa inyo! Kita kits na lang bukas siguro. Kung dito pa kayo maglalaro.”
Nagtawanan kami tapos tuluyan na talagang linisan nila ang playground habang ako ay naiwan lang nag-iisa sa playground. Bumalik na naman yung lungkot at kirot dito sa puso ko.
“Siguro mag-lalaro na lang ako mag-isa ng Sepak. Iisipin ko na lang yung Sepak yung problema ko” sabi ko sa sarili ko
Sinipa-sipa ko muna ng mahina yung Sepak, tsaka ko nilakasan sa pangatlong pagsipa.
“Hyaaah!!!”
Sa sobrang lakas ng sipa ko hindi ko ito na-kontrol kung saan ito pupunta. Nagulat na lamang ako ng may narinig akong may nabasag. Tiningnan ko ‘yon at nakita ko yung bintana sa ospital na basag na.
BINABASA MO ANG
Tokwa't Baboy
RomanceAng tokwa't baboy ay isa sa kadalasan kainin ng mga Pilipino sa karinderia lalong-lalo na kung wala ka nang pera. Ngunit sa istorya dito ang tokwa't baboy ang magsisilbing tulay upang magkatagpo ang dalawang taong nakatadhana sa isa't-isa