Ella

26 0 0
                                    

Ang ating buhay ay parang munting kalawakan, ang mga taong nakapaligid sa atin ay mistulang celestial bodies na nagpapatingkad ng ating buhay. Minsan sila ay ang napakaliwanag tulad ng Araw na nagpapaaliwalas ng araw. Minsan naman ay isang mahinang liwanag tulad ng Buwan na nagsisilbing gabay sa madilim na landas. Minsan munting bituin, maliit man sila sa buhay mo nakapagbigay pa rin sila ng tingkad sa kalawakan mo.  Ngunit kahit ano pa man sila, dadating ang araw na sila’y mawawalan ng ilaw at maglalaho. Pero may dadating pa rin na bago na pupuno sa puwang sa kalawakan mo.

Sa sobrang saya ko hinug ko si Gerald nang di ko namamalayan.

“Umm... Ella?”

“Bakit?”

“Umm... Kasi... Lalamig na kasi yung pagkain” sabi niya

Nagulat ako at bigla kong binitwan siya sa mahigpit kong pagkakayakap sa kanya.

“So-sorry. Na-natuwa lang ako ng sobra. Alam mo na” kinakabahan kong sinabi

Natawa lang siya.

“Ayos lang yun. Oh siya, tara kain na bago pa lumamig talaga ang pagkain”

Ipinagpatuloy naming ang pagkain sad ala niyang pasalubong. Naka-ilang palihim na pasulyap sulyap sa kanya. Pero yung sa panghuli kong sulyap sa kanya nahuli niya akong nakatingin. Mabilis kong iniwas ang aking mga mata sa kanya at binilisan ko yung pagkain. Tapos bigla siyang natawa.

“O-oh... Bakit ka natatawa diyan?” tanong ko

Huminto siya sa pagtawa at tumitig siya sa’kin.

“Wala lang nakakatawa ka lang kasi. Ang lakas mo palang kumain ka-babaeng mong tao”

“G-grabe ka!!! Hindi kaya ah! Hindi porket babae ako wala na akong karapatang kumain ng marami lalo’t na paboritong ulam ko yung dinala mo. Hmph!”

Nakakatitig lang siya sa’kin.

“B-bakit ka nakakatigtig sa’kin? M-may problema ba sa mukha ko?”

“Hmmm??? Wala naman”

“Eh bakit ka nakakatitig sa’kin...” napahinto ako “Ahhh... Alam ko na! Nagagandahan ka siguro sa’kin kaya ka nakakatitig” pang-aasar ko sa kanya

“Hmmm... Parang ganun na nga”

Nabulunan ako sa sinabi niya.

“A-ayos ka lang ba?”

Tumayo siya at mabilis niyang nilagyan ng tubig ang baso.

“Oh eto uminom ka” inabot niya yung baso

Ininom ko agad yung tubig. Nawala yung pagkain na bumara sa lalamunan ko.

“Ikaw kasi! Kung ano-ano yung pinagsasabi mo kalokohan nabulan tuloy ako” sisnisi ko siya

“Wow ah! Ako pa ang sinisi, ikaw nga unang nag-sabi ng kalokohan diyan. Um-oo lang ako. Tapos ako pa ang sinisi mo”

“Eh trip mo ko eh”

“Anong ako? Ikaw kaaya diyan ang mas malakas sa’tin mantrip. Sinasakyan ko lang yung mga trip mo. Ano bang nakain mo bakit trip na trip mo ko simula noong nasa baba pa ako?”

“Diba nasagot ko na yang mga tanong na yan. So hindi ko na kailangan magpaliwanag ulit sa’yo. Unli ka rin noh?”

“Busog na ako. Pahiga ako sa kama mo”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tokwa't BaboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon