Ano bang nagawa ko at bakit niya ako iniwan? Ginawa ko naman ang lahat-lahat pero ganito pa rin ang nangyari. Maybe we’re not meant to be tulad ng iniisip ko. Or maybe ako lang talaga ang nag-isip na kami nga talaga para sa isa’t-isa. Maybe Forever is not really true. That True love doesn’t exist and is just an illusion made by depressed people to make their lives feel better. Yung tipo na aasa ka naman na meron talagang True love sa mundo. Ayoko na, dalang-dala na ako. Quotang–quota na. Enough is enough.
Nagising ako sa mahimbing na pagkakatulog ko sa playground. Ewan ko ba kung bakit ganun yung panaginip ko, sobrang realistic daig paying HD o 3D movie sa IMAX. Tumingin ako sa paligid at napansin ko na palubog na yung araw. Inisip ko ang dahilan kung bakit ako dito nakatulog.
“Hmmm... Ano nga ba ang dahilan?” tanong ko sa sarili
Tapos biglang pumasok sa isip ko si Roiya. Si Roiya, ang dati kong girlfriend. Ang nangiwan sa akin dahil sa hindi malaman kadahilanan. Sa sobrang inis ko napasigaw ako.
“Baket siya agad ang pumasok sa isipan ko? Hindi pa ba ako naka-get over sa kanya?”
Gulong-gulo ang isipan ko, puro katanungan na walang kasagutan ang pumapasok sa utak ko. Sa bawat tanong na naiisip lalong bumibigat ‘tong damdamin na kinikimkim ko.
Napaupo na lang ako sa swing.
“Haisstt...” napabuntong hininga ako
Sumariwa sa isipan ko ulit ang mga mapapait na alaala naming ni Roiya na ayaw ko nang balikan. Ang mga panahon kami’y magkasama, nagkukulitan, napunta sa pag-aaway at humantong sa hiwalayan. Parang akong pinagsakluban ng langit at lupa. Unti-unting gumugunaw ang mundo ko.
“Ayoko na!” sumigaw ako
Kumukha ako ng bato sa tabi at itinapon ko nang buong lakas papalayo sa akin. Napansin ko na pinagtitinginan na pala ako ng mga tao doon. Kaya napagpasyahan ko na lamang na umalis sa lugar. Nang biglang may tumawag sa pangalan ko.
“GERALD!!!”
Hinanap ko kung saan nangaling ang boses at nakita ko si Ella na nasa bintana. Kumakaway siya sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin, wala akong gana at nagpatuloy sa paglalakad na parang walang nakita.
“GERALD!!!” tinawag niya ako ulit
“UYY!!! GE-RAAALLDD!!!”
Tumingin ako sa kanya at kumaway pabalik sakaling tumigil na siya sa pagsigaw.
“AKYAT KA DITOO!”
“HAH?!? BAKIT MO KO GUSTONG PAAKYATIN DIYAANN?”
“BASTAAA! UMAKYAT KA NA LANG DITOO!”
Wala akong magaw kung ‘di sundin siya. Pumasok ako sa ospital. Nakita ko si Kuya Guard na sumama sa’kin.
“Hello po!” bati ko sa kanya
“Oh Gerald! Ikaw pala.Anong sadya mo dito?” napahinto si Kuya Guard
“Ahh... Alam ko na, si Ella noh?” biro niya
Napatawa lang ako “Oho eh, nagsisigaw siya kanina sa labas. Uuwi na sana ako eh, bigla niya akong tinawag gusto raw niya na akong umakyat sa taas. Kaya eto napilitan umakyat para matahimik lang siya. Nakakahiya nga eh” kwento ko sa kanya
“Sigurado ka bang napilitan lang? O baka napilitan lang sabihin na napilitan pero ang totoo gusto din. Sus, mga kabataan ngayon akala mo hindi kitang kita. Itinatago pa, pakipot effect pa”
BINABASA MO ANG
Tokwa't Baboy
RomanceAng tokwa't baboy ay isa sa kadalasan kainin ng mga Pilipino sa karinderia lalong-lalo na kung wala ka nang pera. Ngunit sa istorya dito ang tokwa't baboy ang magsisilbing tulay upang magkatagpo ang dalawang taong nakatadhana sa isa't-isa