Chapter 8

15.4K 332 11
                                    

After one day...

Inisip ni Yoona na wag muna syang umattend ng klase. Nag-paalam sya kay ms. Kate at dahil mabait si ms. Kate pumayag sya basta isang araw lang. Sinabihan din sya ni ms. Kate na mag-attend ng sa meeting mamaya dahil gagawin na nila yung music video ng Into The New World nila na kanta.

Sa classroom...

Pag-pasok ni Luhan hinanap nya kagad si Yoona kaso lang di nya mahanap kaya tinanong nya si Sooyoung dahil ka-roomate naman ni Sooyoung si Yoona.

"Sooyoung, nasan si Yoona?" Tanong ni Luhan

"Hindi sya a-attend ng klase ngayong araw." Sagot ni Sooyoung

"Bakit?" Tanong nanaman ni Luhan

"None of your business Luhan." Sagot ni Sooyoung

"Ahhh. Ganon ba? Sige." Sabi ni Luhan tapos tumabi sya kay Lay

Sa hallway...

Nandun si Kris at ang kasama nya ay si Jessica at Krystal.

"Sica unnie. San po ba yung classroom namin?" Tanong ni Krystal

"Sandali lang." Sabi ni Jessica

"Kris, mauna ka na. Hanapin pa namin yung classroom ng kapatid kong 'to." Dagdag ni Jessica

"Sige Sica. Mag-ingat kayo." Sabi ni Kris tapos umalis na sya

"Sica unnie. Boyfriend mo ba yun?" Tanong ni Krsytal

"Oo." Sagot ni Sica

"Ah ok." Sabi naman ni Krystal

"Oh. Eto na ata. Sige. Mag-ingat ka ah. Kita tayo sa cafeteria pag lunch na." Sabi ni Jessica tapos umalis na sya

Lunchtime...

Hinanap ni Jessica si Krystal para kamustahin sya. Nung nakita nya si Krystal, ang daming tao sa paligid nya. Parang ang sikat nya kagad. Lumapit si Jessica at nilabas si Krystal sa crowd sabay takbo na kagad sila. Habang tumatakbo sila may tinanong si Jessica sa kapatid nyang si Krystal.

"Stal, ano nangyari?! Bakit ang daming tao sa paligid mo?" Tanong ni Jessica

"Di ko alam. Sabi ko lang sa isa kong kaibigan na kapatid kita. Sinigaw nya yun tapos biglang naglapitan yung mga tao. Humihingi nga sila ng picture at signature ko eh." Sagot ni Krystal

"Eh bakit mo sinabi?! Sikat ako dito! Pag may nalaman sila tungkol sakin, pagkakalat nila!" Sabi ni Jessica tapos nagtago nalang sila

Pagkalagpas ng madaming tao umalis na kagad sila sa pinagtaguan nila. Kumain na sila ng lunch tapos bumalik na sila sa classroom nila.

Pagkatapos ng klase...

Pumunta na kagad yung 9 na magkakaibigan sa studio para mag-film ng music video. Ganun na din sa 12 na magkakaibigan.

Sa studio...

Inexplain ng director kung ano dapat ang kalalabasan. Pagkatapos nilagyan na sila ng make-up. Sinuot nila yung kailangan nilang suotin.

Pagkatapos ng ilang oras...

Natapos na nila yung music video nang saktong 5:00 PM kaya pinanood na nila. Pagkatapos nilang panoorin , nagkaroon muna sila ng meeting bago idismiss ni ms. Kate yung grupo.

"Very good. Congrats sa una nyong mv." Sabi ni ms. Kate

"Thank you po ms. Kate!" Sabi nilang lahat na magkakaibigan

"Magkakaroon din kayo ng live performance dito sa school para sa pre-debut performance nyo. Hindi pa alam kung kailan pero magpractice nalang kayo lagi. Yun lang. Bye." Sabi ni ms. Kate tapos nag-uwian na silang lahat

Habang pauwi na si Yoona...

Nung papunta na sya sa girls' dorm naka-daan nya si Luhan. Ang awkward naman.

"Yoona. Bakit di ka umattend ng klase?" Tanong ni Luhan

"Medyo tinatamad ako eh." Sagot ni Yoona

"Yoona. Di ko na ba talaga pwede ikaw ligawan?" Tanong ni Luhan

"Sorry talaga Luhan. Ok lang sana kaso lang baka kung ano pa mangyari." Sagot ni Yoona

"Sige. Sabihin mo lang kung pwede na." Sabi ni Luhan

"Sige." Sabi naman ni Yoona

"Nasa isang grupo ka ba dito sa eskwelahan?" Tanong ni Luhan

"Oo. Girls' Generation. Ikaw?" Sagot ni Yoona

"EXO." Sabi ni Luhan

"Sige Luhan. Punta na ako sa dorm. Night." Sabi ni Yoona tapos dinaanan nya si Luhan

Tumulo naman luha ni Yoona at ganon na din kay Luhan. Mahal padin kasi nila yung isa't-isa. Nung naka-alis na si Yoona sa hallway, tumingin si Luhan sa likod. Hindi na nya nakita si Yoona kasi nga naka-alis na sya. Sinipa ni Luhan yung pader tapos umupo sa sahig habang umiiyak sya. Si Yoona naman tumigil sa isang hallway tapos sumandal sya sa pader habang umiiyak. Maya-maya dumating si Sooyoung at nakita nyang umiiyak si Yoona kaya nilapitan nya.

"Yoona bakit ka umiiyak? Ok ka lang ba?" Tanong ni Sooyoung

"Oo. Ok lang naman ako." Sagot ni Yoona

"Sure ka? Parang iba yung iyak na yan ah. Ano nangyari? Sabihin mo nalang sakin yung totoo." Sabi ni Sooyoung

"Sooyoung. Kahapon, sinabihan ko si Luhan at Kai na wag na nila akong ligiwan. Nadaanan ko naman si Luhan kanina. Ayoko sana sya pansinin kaso lang nung kinausap nya ako, pinansin ko na din sya. Ayoko magka-boyfriend kaya ko sila sinabihan kaso lang ang hirap eh. Parang di ko mapigilan sarili ko." Kwento ni Yoona

"Yoona. Ganito lang yun. Pag mahal mo yung isang tao. Mahalin mo lang sya. At gawin mo ang gusto gawin ng loob mo hindi ng labas. Ok?" Sabi ni Sooyoung

"Ok..." Sabi naman ni Yoona

"Tara punta na tayo sa kwarto." Sabi ni Sooyoung tapos pumunta na sila sa dorm

Meanwhile...

Si Luhan ay naka-upo padin sa sahig at ang iniisip nya ay isa lamang at malamang yun ay si Yoona. Hindi nya maintindihan kung bakit ayaw ni Yoona magpa-ligaw. Crush naman sya ni Yoona. Crush nya din naman si Yoona. Pero parang ayaw ni Yoona maging boyfriend si Luhan. Maya-maya ay naka-tulog na si Luhan sa sahig.

-------------------------------------
Note: Hi. Hintayin nyo lang po ulit next update. Thank you po.

-DeerYoona12

Details~~~
Date Published: March 28, 2014
Time Published: 9:40 PM

Mr. Mr. (LuYoon tagalog fan-fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon