Chapter 3

22.7K 503 39
                                    

After one day...

Gumising si Yoona at Sooyoung ng 7:00 AM dahil walang pasok. Weekend eh. Naligo na si Yoona at Sooyoung at kumain na ng breakfast sa cafeteria.

Sa cafeteria...

Bumili si Yoona at Sooyoung ng pancit at tubig para sa breakfast nila. Umupo sila tapos kinain na nila yung pag-kain nila. Biglang mYmay isang matangkad na lalaki na lumapit.

"Sooyoung. Para sayo." Sabi ni Chanyeol tapos binigyan nya ng chocolates si Sooyoung

"Thank you." Pasalamat naman ni Sooyoung

"Sooyoung. Pwede ba tayo mag-kita sa school park mamaya?" Tanong ni Chanyeol

"Sige." Sagot ni Sooyoung sabay alis si Chanyeol

Naka-tulala lang si Yoona sa pag-kain niya tapos iniisip niya lang yung nangyari kahapon na pina-alis siya ni Luhan.

"Yoong. Anyare sayo?" Tanong ni Sooyoung

"Wala. Wala. Ok lang ako." Sabi naman ni Yoona tapos lumapit si Taeyeon

"Grabe si Luhan kahapon." Sabi ni Taeyeon tapos na-patingin si Sooyoung

"Ha? Bakit? Ano nangyari?" Tanong ni Sooyoung

"Long story. Oo nga pala Yoona, dinala si Jessica sa school hospital." Sabi ni Taeyeon

"Hala! Bakit?!" Sabi ni Sooyoung

"Nasuntok siya ni Luhan." Sabi ni Taeyeon

"May nagsuntukan kahapon?!" Tanong ni Sooyoung

"Oo. Mahabang storia." Sabi naman ni Taeyeon

Tumayo si Yoona ng hindi inuubos pag-kain niya sabay takbo paalis ng cafeteria. Pumunta siya sa girls' cr. Binasa niya mukha niya tapos pinunasan niya. Paglabas niya, pumunta siya sa left side pero biglang may nag-hawak sa kamay niya. Tumingin si Yoona sa likod tapos nakita niya si Luhan. Tumingin siya sa kamay nila tapos tinry nya tanggalin kamay niya kay Luhan kaso lang hinahawakan ni Luhan si Yoona ng ma-higpit.

"Yoona, sorry sa nangyari kahapon. Na-inis lang talaga ako." Patawad ni Luhan pero hindi ni Yoona pinansin si Luhan

Pinilit tanggalin ni Yoona yung kamay niya kay Luhan tapos tumalikod at umalis.

"Yoona, sorry na!" Sigaw ni Luhan

"Bakit ka nagso-sorry kay Yoona?" Tanong ni Xiumin

"Mahabang storia pero pwede mo naman tanongin kay Baekhyun o kay Kris." Sabi ni Luhan sabay alis

Sa school park...

5:00 PM na at pina-alala ni Yoona kay Sooyoung yung sinabi ni Chanyeol kaninang umaga. Pumunta na si Sooyoung at habang hinihintay ni Yoona si Sooyoung bumalik sa dorm, nagpasama siya kay Sunny at Tiffany papunta sa school hospital para dalawin si Jessica.

Sa school hospital...

Pumunta na sila sa loob ng kwarto ni Jessica. Pag-pasok nila ay nandun din si Kris at si Luhan. Si Luhan ay nagpapatawad kay Jessica dahil sa lakas ng suntok niya. Nagsmile naman si Jessica at tinanggap niya yung patawad ni Luhan. Pagka-talikod ni Luhan ay nakita niya si Yoona na palabas na ng kwarto.

Sa entrance ng School hospital...

Sinigaw ni Luhan yung pangalan ni Yoona tapos tumigil si Yoona at tumalikod para tumingin kay Luhan ng masama. Lumapit si Luhan kay Yoona tapos kinausap siya.

"Yoona, sorry na." Sabi ni Luhan

"So sa tingin mo mapapatawad kita kagad?" Sabi ni Yoona

"Luhan, kung lagi sana ako ginaganyan ng ibang tao mapapatawad sana kita kagad pero hindi eh. Ikaw yung unang gumawa nun sakin." Sabi ni Yoona tapos may isang luha na lumabas

"Yoona. Na-bigla lang ako. Hindi ko naman sinasadya." Sabi naman ni Luhan

"Alam kong hindi mo sinasadya pero ganon pala yung feeling. Masakit pala sa puso na ginanun ka ng crush mo. Crush mo na dati mo pa pinangarap na maging crush ka din niya!" Sabi ni Yoona ng may kasamang lungkot

"Yoona... Crush mo ako? Kailan pa?" Tanong ni Luhan

"Dati pa. Nung una pa tayong nag-kita. Nung grade 7 palang tayo. Pero alam mo Luhan. Buti nga na-tiis ko na hindi mo ako crush eh. Buti nga na-tiis ko na may girlfriend ka. Buti nalang ngayon wala na akong crush dahil sa ginawa mo sakin kahapon. Alam kong maliit na kasalanan lang yun pero para sakin malaki." Sagot ni Yoona

"Yoona. Minahal din kita! Naging crush din kita nung grade 7 palang tayo at hanggang ngayon! Kaya ko lang naging girlfriend si Leixia ay dahil baka pag naging boyfriend mo ako, baka masaktan lang kita at hindi kita mahalin mabuti!" Paliwanag ni Luhan

"Wala eh. Nag-kamali ka na!" Sabi ni Yoona tapos umalis iya nang umiiyak

"Yoona! Sorry na!!!" Sabi ni Luhan tapos umiyak din sya ng onti

Biglang may babaeng lumapit sakanya at pagka-tingala niya kung sinong babae yun, ang nakita niya ay yung girlfriend niya na si Leixia.

"Grabe ka. Ginamit mo lang pala ako para hindi mo masaktan si Yoona. Dapat pala hindi nalang kita sinagot. Dapat pala hindi na ako nag-enroll dito para lang makasama kita lagi." Sabi ni Leixia tapos umalis siya

"Leixia. Sorry Leixia. Ayoko lang talaga siya saktan pero minahal din naman kita kaya wag ka naman sana makipag-break sakin." Sabi ni Luhan

"Ayoko na! Baka lokohin mo pa ako ulit!" Sabi ni Leixia tapos umalis

Sa dorm...

Pagbalik ni Yoona nag bihis na siya ng pang-tulog tapos hinintay niya si Sooyoung. Pagkatapos niya magbihis ay maya-maya nagtext si Sooyoung. Sabi ni Sooyoung matulog na daw si Yoona kasi baka mamaya-maya pa dadating si Sooyoung.

-------------------------------------------
Note: Hello po. Ang drama po ba? Kawawa si Luhan. Broken-hearted na broken-hearted talaga. Sorry po kung may mga mali po ako. Wait niyo nalang po yung next update.

-DeerYoona12

Details»»»
Date Published: March 22, 2014
Time Published: 9:00 PM

Mr. Mr. (LuYoon tagalog fan-fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon